CHAPTER 23

2465 Words

        NAWALA ang kalasingan ni Ivana at hindi siya pinapatulog ng kaniyang konsensiya dahil sa ginawa niya kay Nicholas. Aaminin niya, nabigla siya sa ideyang magkunwaring binabastos siya ni Nicholas at humingi ng tulong doon sa mga lalaki. Ang akala niya kasi ay ilalayo lang ng mga iyon si Nicholas sa kaniya. Malay ba niya na mabubugbog pala si Nicholas. Naroon na sila ni Yssa sa kaniyang hotel room. Pagdating nila doon ay bumagsak agad ang kaibigan niya sa kama at natulog. Ngayon ay mahimbing na itong natutulog at ang lakas pa ng hilik. Nakatayo lang siya sa may terrace at nakamasid sa kawalan. Hindi mawala sa utak niya ang mga sigaw ni Nicholas at ang hitsura nito habang binubugbog. Gusto niyang makasiguro kung ano na ang nangyari dito. Paano kung napatay ito ng mga lalaking iyon?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD