PUMASOK si Giovana sa banyo upang maligo na. Nag-aya kasi si Ian na mag-dinner sila sa labas tutal ay hindi pa tapos ang one-week na pahinga niya. Halos kakatapos lang din nila sa pangalawang beses nilang p********k. Talagang ginalingan ni Ian na para bang sinasabi nito na kung may iba itong babae ay wala na itong gana sa kaniya. Ngunit hindi siya tanga at hindi siya uto-uto. Hindi siya madadala ni Ian sa mga ganoon at hindi nito mabubura nang basta lang ang pagdududa niya. Ang totoo niya ay umalis siya sa Balesin nang umalis si Ian dahil may kutob siyang makikipagkita ito sa babae nito. Balak niya talaga na tahimik na mag-imbestiga ngunit sumabog na siya kanina nang naghinala siyang nasa bahay nila ang babae ni Ian. Pero wala siyang nakita at panay ang sabi ni Ian na wala itong i

