“IAN! Buksan mo itong pinto—” Muntik nang sumubsob si Giovana nang biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa kaniya si Ian na may pagtataka sa mukha. “What?! Bakit sigaw ka nang sigaw?” takang tanong nito sa kaniya. Malakas niyang itinulak ang asawa at pumasok sa loob. Agad niyang iginala ang mata sa kabuuan ng kwarto. “Nasaan na ang babae mo?! Ilabas mo ang babae mo!” Nanlilisik ang mga mata na humarap siya kay Ian. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa kwarto pero iba talaga ang kutob niya ng sandaling iyon. “Babae? Anong babae ba ang sinasabi mo?! Wala akong babae. Akala ko ba ay ayos na tayo? Tapos pagbibintangan mo ako ngayon ng ganiyan?” “Really? E, bakit pinalabas mo lahat ng kasambahay natin? Dahil ba dinala mo dito ang babae mo? Para hindi nila makita, `di ba? Tapos,

