KUNG namangha si Ivana sa walk-in closet ni Giovana ay mas lalo siyang namangha sa kabuuan ng banyo sa kwartong iyon sa bahay nina Ian. Halos ang laki niyon ay kalahati ng laki ng mismong kwarto nina Ian at Giovana. Parang pwede nang maglaro ng habulan doon. Kumpleto sa gamit. May shower area, may bath tub, may toilet at ang design ay napakaganda. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang reyna nang pumasok siya sa banyong iyon. Hinubad na niya ang kaniyang mga damit at nagtungo sa shower area. Napakaraming gamit sa panligo ang naroon. Iba’t ibang shampoo, conditioner, sabon, pangkuskos at liquid body soap. Ang mga iyon siguro ang sikreto ni Giovana kung bakit napakaganda ng kutis nito. Tapos may nakita pa siya sa labas ng shower area na mga body oils na ginagamit after mag-shower. Inam

