MAPAYAPA at relax na relax na nakahiga si Giovana sa nakalatag na beach towel sa tabing-dagat sa magandang isla ng Balesin nang lapitan siya ng kasalukuyan niyang direktor sa ginagawa niyang pelikula na si Direk Zandy. Isa itong matandang baklang direktor na payat. Ito ang naging daan upang makapunta sila ni Ian dito sa Balesin. Hindi kasi dito basta-basta nakakapasok kung hindi ka member. Nagsu-sunbathing siya at hindi niya kinalimutan na maglagay ng sunblock dahil ayaw niyang magtutong ang kaniyang balat sa sikat ng araw. Umupo si Direk Zandy sa buhangin sa tabi niya at tinapik siya sa braso. Napatingin si Giovana sa direktor. “Yes, direk? Ready na ba ang lunch?” tanong niya dito. Bago kasi siya umalis sa hotel ay nagpapaluto pa sila ng iba’t ibang klase ng seafoods kaya naisi

