BAHAGYANG nagulat si Ian sa pagpasok niya sa hotel room na tinutuluyan nila ng kaniyang asawa sa isla ng Balesin. Paano ay very romantic ang ayos niyon. May mga petals ng red at white roses sa sahig at sa malaking kama. Sa mesita sa gilid ng kama ay may wine at dalawang wine glass. May scented candles pa. Pati ang ilaw ay hindi na maliwanag. Malamlam na iyon na nagpadagdag ng romantic ambience sa kabuuan ng kwarto. Pumapailanlang din ang sexy instrumental na musika. Napakunot ang noo niya dahil halos fifteen minutes lang siyang nawala ay ganoon na agad ang nangyari sa kwarto nila ni Giovana. Nagpaalam siya kasi dito na maglalakad-lakad lang at magsisigarilyo pero ang totoo ay kinausap lang niya sa cellphone si Ivana. Gaya ng dati ay umuungot na naman ito sa kaniya. Pinapauwi na siya dahi

