MONDAY. Ito na ang araw na kinatatakutan ni Nicholas—ang huling araw na ibinigay sa kaniya para maibalik ang nawawalang thirty thousand pesos. At masakit mang tanggapin ngunit wala siyang nakuhang perang pambayad kaya kailangan niyang tanggapin na wala na siyang trabaho. Sa araw din na iyon ay opisyal na siyang inalis sa kumpanyang iyon. Kinuha na niya ang mga gamit niya at bagsak ang balikat na umuwi ng bahay. Sumalubong sa kaniya ang katahimikan kaya mas lalo siyang nalungkot. Kung nandoon lang sana si Ivana ay sigurado siyang gagawin nito ang lahat para mapangiti siya. Kaya lamang ay nasa perfume store ito at nagbabantay. Ibinagsak niya ang sarili sa sofa at malalim na huminga. Lugmok na lugmok siya—ganoon ang pakiramdam niya ngayon. Pero hindi siya pwedeng tumagal sa pagkak

