WALANG imik si Ivana habang sakay siya ng lalaking iyon. Nasa unahan siya sa tabi nito habang nakatutok ito sa pagda-drive. Bahagya siyang nakayakap sa sarili dahil medyo malamig ang buga ng aircon. Sleeveless pa naman ang kaniyang suot. Hindi na siya nakatanggi na ihatid siya nito nang hilahin na siya nito sa kamay. Isa pa, mukha naman itong mapagkakatiwalaan at hindi gagawa ng masama. Mas lalo ding lumakas ang ulan kaya nahinuha niyang wala na siyang masasakyan pang jeep. Ayaw niyang tumakbo papunta sa waiting shed dahil baka dapuan pa siya ng sakit. Hindi siya pwedeng magkasakit sa panahon na ito lalo na at wala pang trabaho ang asawa niya. Pagkasakay niya ay tinanong lang nito kung saan siya umuuwi. Nang sabihin niya ang pangalan ng subdivision nila ay sinearch lang nito iyon

