“NASAAN na kaya ang asawa mo, anak? Aba, kanina pa ako nag-text sa kaniya pero hanggang ngayon ay wala pa rin! Kung hindi pa siya darating ay kami na lang ang maghahatid sa iyo sa bahay. O mas mabuting doon ka muna sa atin para maalagaan ka nang mabuti.” Naiinis na pakli ng nanay ni Nicholas habang nakahiga siya sa hospital bed. May benda siya sa ulo dahil may maliit siyang sugat doon. Meron din siyang ganoon sa paa dahil nabalian siya ng buto doon. Pero ayon sa doktor ay minor injury lang ang natamo niya at wala nang dapat pang ipag-alala. Wala rin namang matinding damage sa ulo at utak niya. Mabuti na lang at hindi siya tinakbuhan ng nakabundol sa kaniya at sinagot nito ang lahat ng ginastos sa ospital. Ayon din sa doktor ay maaari na siyang umuwi sa bahay at doon na tuluyang ma

