CHAPTER 13

2380 Words

        IAN LEGASPI accepted your friend request. Kumabog nang mabilis ang dibdib ni Ivana sa nakita niyang notification na lumabas sa kaniyang cellphone. Wala pang isang minuto simula nang i-add niya sa f*******: si Ian ay in-accept na agad siya nito. Isa lang ang ibig sabihin niyon—gising pa itong katulad niya sa mga oras na ito! Bigla siyang kinabahan. Ang mabuti pa siguro ay i-unfriend na niya si Ian o kaya ay i-block na lang niya para mas maganda. Wala na talaga silang communication. Handa na sana siyang i-block si Ian nang bigla naman itong nag-request ng video call sa kaniya. Gumawa iyon ng ingay at mas kinabahan siya na baka magising si Nicholas. Bumangon siya at nagmamadaling hinanap ang earphone sa drawer sa tabi ng kama. Nang makita niya ang hinahanap ay agad niya iyong isina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD