CHAPTER 04

2218 Words
          NAKANGIWI si Ivana habang tinitingnan niya ang mga pictures na in-upload ng ilang dumalo sa kasal nila ni Nicholas. Nakahiga siya sa sofa habang hawak ang cellphone. Mag-isa lang siya sa bahay dahil agad ding bumalik sa trabaho si Nicholas matapos ang kasal nila kahapon. Ganoon ito kasipag. To the point na nakakapagtampo na dahil hindi man lang ito nagplano na magbakasyon sila para sa kanilang honeymoon. Pero wala na siyang magagawa dahil mahal niya si Nicholas. Kailangan niyang tanggapin ito. Mas lalong napasimangot si Ivana. Wala siyang nakitang magandang kuha ng pictures. Very ammature. Kuha lang sa cellphone. Maging ang mga pictures na si-nend sa kaniya ng kanilang photographer ay wala din siyang nagustuhan. Parang ammature din ang kumuha. Umaasa kasi siya na may makikita siyang magagandang kuha sa mga pictures ng mga dumalo pero wala rin pala. Hinahanapan na kasi siya ng mga subscriber niya sa Youtube ng wedding photos at wala pa siyang maipakita. Gusto niya ay high quality na pictures ang ipapakita niya para hindi siya mapahiya. Well, mukhang wala na siyang magagawa kundi ang huwag na lang mag-upload at hayaan ang mga tao na magsawang mag-request na mag-upload siya. Hindi na lang muna siya magpapaka-active sa Youtube channel niya kahit one month. Tutal, hindi na niya kailangan pang magtrabaho para kumita ng pera. Si Nicholas na ang gagawa niyon para sa kaniya. Bilang asawa ay obligasyon nito na bigyan siya ng pera. Iyon ang pagkakaalam at paniniwala niya. “My God! Ang chaka lahat!” Nakatirik ang mata na ipinatong niya sa may tiyan ang cellphone. Suko na siya. Wala na siyang makikitang magandang wedding picture. Disaster talaga ang nangyaring kasalan nila ni Nicholas. Wala siyang kasalanan doon. Si Nicholas—marami. Hindi ito ready. Kulang ang budget nito. Mabilis na kinuha ni Ivana ang cellphone nang bigla iyong tumunog. Sinagot niya iyon nang malaman na si Yssa pala ang tumatawag. “Hello, ghorl!” “Ghorl! Nandito na ako sa gate ng subdivision ninyo. Bumalik ako dito kasi hindi ko makita nag bahay ninyo. Pare-pareho kasi ang hitsura ng mga bahay dito!” Kanina kasi ay tumawag si Yssa sa kaniya at meron daw itong business na idi-discuss sa kaniya. Baka daw maging interesado siya. Wala naman siyang ginagawa kaya pinapunta na rin niya ito dito sa bahay nila ni Nicholas. Kesa tumunganga lang siya buong maghapon at hintayin ang pagdating ng kaniyang asawa ay mas maganda na may tao siyang makausap. “Sinabi mo pa! Ewan ko ba kay Nicholas kung bakit dito pa kumuha ng bahay. Diyan ka lang. Susunduin kita.” “Okay. Fine!” In-end na niya ang tawag upang puntahan na si Yssa sa may gate. Medyo malayo pa ang lalakarin niya dahil halos nasa dulong parte na ng subdivision ang bahay nila ni Nicholas. Ani ng asawa niya ay mas mura daw kapag nasa ganoong puwesto. Mura nga pero hihimatayin naman siya sa paglalakad bago marating. Lalo na kapag mainit gaya ngayon. Kaya nagpayong siya upang hindi mangitim. Naabutan niya si Yssa na nakikipag-kwentuhan sa guard. Ang kaibigan niya talagang iyon! Basta may hitsura ang isang lalaki ay kakausapin. Ganoon kasi ang ugali nito. Aminadong hayok sa lalaki. Kaya nga daw hindi ito nagbo-boyfriend ay para malaya nitong malandi ang kahit na sinong lalaki na matitipuhan nito. Sa bagay na iyon sila magkaiba dahil one-ma-woman siya. Kapag in love siya sa isang tao ay hindi na siya tumitingin pa sa iba. Hindi na siya nakakaramdam ng attraction sa opposite s*x bukod kay Nicholas. May mga disappointment man siya kay Nicholas ay ito lang talaga ang mahal niya. “Ano pala number mo? Text-text tayo—” Napatingin si Yssa sa kaniya nang akmang iaabot na nito ang cellphone sa guard. “Ghorl! Nandiyan ka na pala. Kanina ka pa ba?” “Slight! Enjoy na enjoy ka diyan, e.” Binalikan nito ng tingin ang guard. “Later ko na lang kunin ang number mo, ha? Paglabas ko. Bye!” Malanding kumaway pa dito si Yssa bago sumama sa kaniya. “Ang harot mo talaga kahit kailan!” Natatawang biro ni Ivana. “Nagtataka ka pa ba? Hindi na ako si Yssa kapag hindi na ako maharot! Nasaan na ba ang humble home ninyo ni Nicholas?” “Malayo pa. Doon pa sa dulo!” “My God! Kung alam ko lang na maglalakad ako ng milya-mliya ay hindi na ako nag-heels!” “Or better yet, nag-coffee na lang tayo sa Starbucks. Mas okay pa iyon. Ikaw kasi, ayaw mo pa akong ilibre. Alam mo naman na wala pa akong pera ngayon.” “Nagtitipid ako, ghorl! May pinaglalaanan ako ng money ko. Every peso counts ang drama ko.” “May connection ba iyang pagtitipid mo sa business na sinasabi mo? Ano ba kasing business iyan, Yssa? Baka illegal iyan, ha. Huwag mo na akong isama sa kalokohan mo!” irap niya sa kaibigan. “Gaga ka! Sa tingin mo ba ay ipapahamak kita? Wala ka bang tiwala sa akin? Saka dito ba talaga natin iyan pag-uusapan? Dito sa gitna ng kainitan while walking?” Natawa si Ivana sa sinabi ni Yssa. Bago sila dumiretso sa bahay ay bumili muna siya ng family size na coke. May cake pa naman sa bahay kaya pwede na niya iyong ipakain kay Yssa. Pagkatapos nilang bumili ay naglakad na sila papunta sa bahay nila ni Nicholas. Pagpasok doon ni Yssa ay napansin niya ang pagsimangot nito. “Ito na iyong bahay ninyo? So liit!” puna nito. “But… cute. Pwede na. Kaunting finishing na lang at pagpapaganda. Keri na `to. Dalawa lang naman kayo, e.” Umupo ito sa sofa habang iginagala ang mata sa kabuuan ng bahay. “Anong cute dito? Wait lang. Ikukuha kita ng food.” Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng cake. Tig-isang slice sila. Kumuha na rin siya ng dalawang baso at kumuha ng tray para maging madali ang pagdadala niya. Binalikan niya si Yssa at inilapag sa center table ang mga pagkain bago siya tumabi dito. “Akala nga ni Nicholas ay matutuwa ako nang dito niya ako dinala pagkatapos ng kasal. Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko. Look, ang liit nitong bahay tapos hindi pa tapos. Ang dami pang dapat gawin. Kung hindi ko lang talaga siya love ay baka hiniwalayan ko na siya kagabi pa!” “Oy, grabe ka! Lucky ka na rin kay Nicholas kasi pantasya siya ng kababaihan at kabaklaan sa lugar natin. Biruin mo, sa dami ng naglalaway sa kaniya ay ikaw ang nagwagi. Ikaw ang nag-uwi ng korona!” “And you are one of those ladies!” “Before! Siyempre, nang naging jowa mo na si Nicholas ay itinigil ko na ang pagpapantasya sa kaniya. Ang eww lang kasi… Hindi ko kayang taluhin ang jowa ng bestfriend ko.” “Whatever!” Inabot ni Ivana ang softdrinks at naglagay sa dalawang baso. Kinuha niya ang isa at uminom. “So, pwede na ba nating pag-usapan ang business na sinasabi mo?” “Ay, yes! May nakuha na kasi akong puwesto sa mall. Magtitinda tayo ng perfumes. Pangbabae at panglalaki.” “Franchise?” “Yes! Bongga, `di ba? Sikat na perfume naman iyon pero pang-masa ang presyo. Kaya afford ng lahat. Saka kiosk lang naman kaya medyo mababa ang monthly na bayad sa pwesto.” “Ano naman ang kinalaman ko sa business mo na iyan?” “Like what I said kanina, magtitinda tayo. It means, gusto kitang maging business partner! At dahil magka-sosyo tayo ay gusto sana kitang hingian ng share mo para mas marami tayong maibenta.” “Magkano naman ang kailangan kong ibigay?” “Kahit twenty thousand pesos. Pwede na iyon. Kaya lang ikaw na muna ang magiging saleslady pansamantala. Okay lang ba? Then kapag keri na nating kumuha ng totoong saleslady ay saka ka na mag-stop.” “Really, Yssa? Me? Saleslady? Sa ganda kong `to!” Itinuro pa ni Ivana ang sarili. “Hoy! Anong mali sa pagiging saleslady. Saka kaya nga ikaw ang kinuha ko kasi maganda ka. Panghatak na agad natin iyan. Hindi kasi ako pwede kasi may regular work ako. Saka parang iyan na rin ang ambag mo bukod sa twenty thousand. Ang laki kaya ng nagastos ko diyan!” Sandaling nag-isip si Ivana. Maganda ang offer ni Yssa at naiintindihan niya kung bakit siya muna ang kailangang maging saleslady ng perfume store. Mas mabilis silang makakabawi kung wala silang babayarang tao. “How much naman ang hatian sa kita?” tanong ni Ivana. “Fifty-fifty! Hindi ka naman others, `no!” “Okay. Push! Payag na ako!” Pagpayag niya. “Hanggang kailan naman ako magiging saleslady?” “Isang buwan lang naman. Sandali lang iyon.” “What about the twenty thousand? Kailan mo kailangan?” “Actually, bukas sana. Kasi sa makalawa na ang opening ng perfume store. Kailangan ko ng budget para sa opening. Ipapa-bless pa kasi iyon, ghorl. Sagad na sagad na rin kasi talaga ako.” “Ita-try kong makahingi kay Nicholas. Bibigyan naman niya ako siguro kasi sa business ko ilalaan ang money, `di ba?” “I wish!” ani Yssa.   BAGO pa makauwi si Nicholas sa bahay ay nagsaing at nagluto na ng ulam si Ivana. Tortang talong na may giniling na karne ng baboy. Paborito kasi nito iyon. Dapat kasi siyang magpalakas dito para bigyan siya nito ng twenty thousand pesos ng agad-agad. Kailangan niya kasing maibigay ang pera kay Yssa bukas. Sayang kasi ang chance na magkaroon siya ng negosyo. Pangarap niya kasi iyon kaya nga pinasok niya ang vlogging para kumita at makaipon. Kaya lang ay matumal din ang pasok ng pera niya sa ganoon dahil hindi pa madami ang subscribers niya. Saka malay ba niya na baka makaipon siya dahil sa business nila ni Yssa. Kapag nangyari iyon ay magtatayo na siya ng sarili niyang make-up and perfume brand gaya ng original niyang plano. Halos kakatapos lang magluto ni Ivana nang dumating na si Nicholas. Bakas sa gwapo nitong mukha ang pagod. Masigla niyang sinalubong ang kaniyang asawa. Hinalikan niya ito sa labi at mahigpit na niyakap. “I missed you, babe!” Malambing na sabi ni Ivana.             “Na-miss din kita, babe. OT nga sana ako kaya lang ay hindi na ako pumayag. Gusto kong bumawi sa iyo kasi baka nagtatampo ka sa akin. Dapat kasi ay nasa bakasyon tayo ngayon para sa honeymoon natin. Pero, kailangan ko talagang pumasok. I’m sorry…” Mabuti at alam pala ni Nicholas na nagtatampo siya. Magandang timing sana ito para konsensiyahin niya si Nicholas pero may kailangan nga pala siya dito kaya dapat ay good girl siya. Pilit na ngumiti si Ivana. “It’s okay. Naiintindihan ko naman, babe.” Gulat na napasigaw si Ivana nang biglang pisilin ni Nicholas ang isang pisngi ng puwit niya. “Ay! Babe! Ano ba?!” Pilyong ngumiti si Nicholas. “Teka, ang bango naman yata ng ulam natin. Tortang talong ba `yon?” Suminghot-singhot pa ito. “With giniling na baboy! Favorite mo!” “Wow naman ang misis ko! Kung ganito ba lagi ay tatamarin na talaga akong mag-overtime sa trabaho! Kain na tayo, babe. Lalo akong nagutom sa niluto mo, e.” “Okay, sige. Magpalit ka na ng damit mo tapos maghahain lang ako.” Hinalikan siya ni Nicholas nang mabilis sa labi at pumasok na ito sa kwarto nila para magbihis. Siya naman ay naghain na ng pagkain. Talagang nagpapabibo siya para kapag humingi na siya ng pera kay Nicholas ay bibigyan siya nito. Maya maya lang ay magkasabay na silang kumakain. Sarap na sarap ito sa simpleng pagkain na kaniyang niluto. Kulang pa ang paghimas niya kay Nicholas. Dapat ay may gawin pa siya para hindi talaga ito magdadalawang-isip na bigyan siya ng pera. After ng dinner ay hinugasan na niya ang kanilang pinagkainan. Sa totoo lang ay tamad siya sa gawaing bahay pero simula ngayon ay dapat na siyang masanay. Lalo na at alam niyang walang kakayahan si Nicholas na kumuha ng kasambahay. Saka sa liit ng bahay nila ay walang matutulugan ang kasambahay kung sakali man. Umaasa na lang siya na mas umangat pa silang mag-asawa dahil hindi niya pinangarap na habangbuhay silang ganito ang buhay. Gusto niyang yumaman. Iyong tipong may pinagkukunan siya ng malaking pera. Tapos hindi siya mangangamba sa future ng mga anak niya. Nabibili niya ang lahat ng gusto niya gaya ng mga branded na bags, damit, sapatos at mamahaling alahas. May malaki silang bahay at mga sasakyan. Nakakapag-travel sila sa kahit saang lugar na gusto nilang puntahan. Local man o abroad. Nang matapos na si Ivana sa paghuhugas ng pinagkainan ay pinuntahan niya si Nicholas sa salas. Nanonood ito ng TV habang nakaupo sa sofa. Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito. Gusto nitong doon siya umupo. Imbes na umupos sa tabi ni Nicholas ay sa sahig siya umupo at hinila ang isang paa nito. Minasahe niya iyon. Ngumiti pa siya nang matamis sa kaniyang asawa. “Thank you, babe… Namiss ko iyang foot massage mo na iyan.” Napapapikit pa talaga si Nicholas dahil sa sarap. “Alam ko kasi na pagod ka sa work saka mas marami ang oras na nakatayo ka.” “Napaka swerte ko talaga sa iyo. Maganda na ay sobrang maasikaso pa.” Ngumiti lang ulit si Ivana. `Ayan na. Nag-iipon na siya ng lakas ng loob para sabihin dito ang dahilan kung bakit kuntodo-asikaso siya kay Nicholas. “Ah, babe… Alam mo bang opening na ng perfume store ni Yssa sa mall sa makalawa? Sinisikreto pala sa akin ng bruha kong kaibigan na iyon na may business na siya.” Bahagya siyang tumawa. “Good for her. Pupunta ka ba sa opening? Kung, oo, ay walang problema. Dapat ay nandoon ka para suportahan siya.” “Pupunta talaga ako doon, babe. E, kasi… business partner niya ako doon.” Hindi makapaniwalang napatingin si Nicholas sa kaniya. “Totoo, babe? Paano? Panigurado ay may pera kang inilabas. Iyong ipon mo ba sa vlogging mo?” tanong nito. Umiling si Ivana. “Actually, wala pa akong inilalabas na pera. Kaya lang, `eto na nga. Para maging business partner na talaga ako ni Yssa ay kailangan ko siyang bigyan ng twenty thousand pesos saka ako muna ang magiging saleslady ng one month sa perfume store. Nakakahiya man, babe, pero sa iyo sana ako hihingi ng pera.” Dire-diretso na siya sa pagsasalita. Wish niya lang ay bigyan siya nito ng pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD