“HINDI ako nagsisisi na pumayag ako na pakasalan ka. Ang sa akin lang naman ay sana before ka nag-propose ay handa ka na talaga sa pagpapakasal sa akin. Financially. Alam mo ang dream wedding ko. Hindi ako maarte or what. I just know what I deserve. Sana ay naiintindihan mo ako. At hindi na natin pwedeng iatras ang date ng kasal natin dahil nga nakapag-post na ako sa social media accounts ko. Mapapahiya ako, Nicholas!”
Hanggang ngayon ay parang echo na paulit-ulit na umaalingawngaw sa loob ng ulo ni Nicholas ang isinagot sa kaniya ni Ivana sa kaniya kahapon.
Aaminin niya, nanliliit siya dahil hindi niya kayang ibigay ang dream wedding ni Ivana. Aaminin din niya na masyado siyang nagmadali. Ayos lang naman siguro na huwag muna silang magpakasal after niyang mag-propose dito pero ipinilit pa rin niya. Naniwala siyang maiintindihan ni Ivana at lalawakan nito ang pang-unawa pero hindi pala. Nagkamali siya. Kaya naitanong niya dito kung nagsisisi na ba ito.
“Kanina ka pa ba, `tol?” Napaangat ang mukha ni Nicholas nang marinig ang boses ng kaibigan niyang si Jason. Nasa isang bar sila ng gabing iyon. Inaya niya kasi itong uminom sila ng kaunti dahil gusto niya ng makakausap tungkol sa problem niya kay Ivana.
“Hindi naman, `tol. Halos kakadating ko lang din.” Itinaas niya ang isang kamay para tawagin ang isang waiter. Um-order sila ng isang bucket ng beer at chicharong bulaklak. Katrabaho niya si Jason at magkababata sila. Ito ang kinuha niyang bestman sa kasal.
“May problema ba? Dalawa lang kasi ang reason kapag nag-aaya kang mag-inom. It’s either may dapat i-celebrate at may problema ka. So, ano?”
“Si Ivana kasi, `tol… Hindi ko maibigay iyong demands niya sa kasal namin, e. Pakiramdam ko ay wala akong kwenta.” Malungkot at diretso niyang sagot. Very open kasi sila sa isa’t isa na magkaibigan. Ito lang ang masasabi niyang kaibigan niya talaga. Saka para sa kaniya ay si Jason ang tamang kaibigan para sa kaniya dahil hindi ito mabisyo at hindi siya nito ini-impluwensiyahan ng kung anu-anong bagay. Nailing si Jason.
“Ikaw naman kasi, parang hindi mo kilala `yang girlfriend mo. `Di ba, ang sabi ko sa iyo ay huwag muna kayong magpakasal after ng proposal mo pero hindi mo sinunod ang payo ko. Ang sabi ko ay mag-ipon ka pa kasi aasa iyang si Ivana na maibibigay mo ang engrandeng kasal na gusto niya.” Nagbukas ito ng isang bote ng beer at uminom. Ipinagbukas siya nito ng isa at iniabot sa kaniya.
“Akala ko kasi ay maiintindihan niya ako, `tol…”
“`Tol, kilala mo si Ivana. Pasensiya sa word pero materialistic na babae si Ivana. Alam mo iyan sa sarili mo kaya hindi mo pwedeng sabihin na maiintindihan ka niya. Kapag gusto niya, dapat ay ibibigay mo. Sorry, `tol, pero real talk lang.”
Hindi magawang magalit ni Nicholas sa sinabing iyon ni Jason dahil aminado siyang totoo ang tinuran nito. Pati nga mga magulang niya ay napapansin ang ugaling iyon ng nobya niya pero binabalewala lang niya dahil mahal na mahal niya si Ivana. Mahal niya ito sa kabila ng pagiging materialistic nito. Ganoon naman talaga sa pag-ibig, e. Nagagawa mong hindi tingnan ang kapintasan o kamalian ng taong mahal mo. Tatanggapin mo siya kung ano siya kahit marami ang tumututol.
MABILIS na lumipas ang mga araw at sumapit na ang araw ng pagpapakasal ni Ivana kay Nicholas. Plantsado na ang lahat mula sa gown niya, sa reception at mga pagkain, sa simbahan, dekorasyon at sa iba pang bagay na kailangan para sa isang normal na kasal.
Kung tatanungin si Ivana kung masaya siya ay fifty-fifty ang isasagot niya. Hindi siya lubusang masaya gaya ng ibang mga babae na ikakasal. Kung ang iba ang one hundred percent happy, siya ay hindi.
Yes. Masaya siya na ikakasal siya kay Nicholas dahil mahal niya ang lalaki. Walang duda pagdating sa bagay na iyon. Pero hindi siya masaya sa naging preperation ng kasal nila. Lahat ay tinipid ni Nicholas.
Ang reception ay sa covered court. Mainit at maingay pa dahil may mga sasakyan na dumadaan. Ang mga upuan at lamesa ay hiniram lang din nila kina kapitan. Iyong ginagamit kapag may pagtitipon sa baranggay hall. Ang pagkain ay galing sa catering ng kaibigan nito. Menudo, humba, lechon, afritada, lumpiang shanghai, kanin at coffee jelly ang handa. Ano ito? Fiesta lang?
Tapos ang cake nila ay two layers lang na ang gumawa ay isang hindi kilalang bakeshop dito sa kanila. Unang tingin pa lang niya ay halatang-halata na mumurahin!
Wala din silang professional videographer at photographer na siyang magdo-document ng kasal nilang ito. Aasa na lang siguro siya sa mga kuhang pictures at videos ng mga bisita nila kapag in-upload na ng mga ito iyon sa f*******:. May photographer naman pero kilala iyong nagpi-picture kapag graduation dito sa lugar nila.
Ang mga bulaklak ay iba’t iba ang kulay na para bang kinuha pa sa korona ng patay. Nakakahiya talaga.
Maayos-ayos naman ang gown niya dahil kilala ang gumawa niyon. Kaya lang ay iyon ang pinakamurang wedding gown sa shop na iyon kaya hindi rin siya masyadong masaya sa gown niya. Siya na nga lang din ang nag-nake up at nag-ayos ng buhok niya nang malaman niya na ang mag-aayos sa kaniya ay iyong bakla sa maliit na parlor sa bayan. Baka magmukha pa siyang clown, `no. Nagpatulong na lang siya kay Yssa at nagustuhan naman niya ang kinalabasan ng pagtutulong nila ng kaniyang kaibigan.
Sobrang layo nito sa dream wedding niya. Milya-milya ang layo!
Nasaan na ang beach wedding? Ang reception by the beach? Ang magarbong gown? Ang videographer at photographer na professional? Ang magandang design ng simbahan?
Wala. Lahat ng iyon ay wala. Hindi ganitong kasal ang pinangarap niya.
Kung hindi nga lang niya mahal si Nicholas at hindi siya mapapahiya ay hindi muna niya itutuloy ang kasal nila. Saka na lang kapag may sapat na ipon na si Nicholas para sa dream wedding niya.
Akala mo ay nagising mula sa mahabang pagkakatulog si Ivana nang marinig niya ang pagtunog ng mga baso na mahinang hinahampas ng mga kubyertos. Kasalukuyan na silang nasa reception. Naging maayos naman ang pagpapakasal nila ni Nicholas. Kakaunti lang din ang inimbita nilang bisita pero dumami iyon nang nasa reception na. Sabagay, hindi na siya nagulat dahil ganito sa kanilang lugar. Kahit hindi imbitado at basta may kainan ay pupunta. Kaya gusto niya rin na sa private na lugar sana ang reception para iyong mga invited lang ang pupunta.
“Babe, kiss daw tayo…” Nakangiting bulong ni Nicholas.
“H-ha?” Napipilitang ngumiti si Ivana.
Nag-kiss silang mag-asawa at nagpalakpakan ang lahat.
“I love you, babe,” anito sa kaniya.
“I love you too.” Matamlay niyang tugon.
LABIS na nabigla si Ivana nang matapos ang kasal nila ni Nicholas ay sa ibang bahay siya nito dinala. Ang akala niya ay sa bahay ng mga magulang nito siya muna dadalhin. Kaya gulat na gulat siya. Isa iyong bungalow-type house. May isang kwarto, banyo, maliit na salas at kusina. Hindi tiles ang sahig at walang kisame. Kahit pintura ay wala din. Yari iyon sa semento at yero. May mga gamit na rin gaya ng maliit na sofa, dalawang maliit na upuan at center table. May TV na flat screen nga pero maliit. May kama at kabinet sa kwarto. May electric fan na rin.
Matapos niyang ikutin ang kabuuan ng bahay ay binalikan niya si Nicholas na nasa salas.
“Babe, kaninong bahay ito?” tanong niya na may kasamang pagtataka.
Hinapit siya nito sa beywang. “Sa atin. Ito ang surprise ko sa iyo, babe. Tatlong taon ko nang hinuhulugan ang bahay na ito thru PAGIBIG housing. Nagustuhan mo ba?”
“N-nagustuhan ko naman kaya lang…” Parang nagdadalawang-isip siya na sabihin kay Nicholas ang tunay niyang saloobin sa bahay na kinuha nito. “Parang maliit yata ito, babe. Bakit hindi iyong medyo malaki ang kinuha mo? Iyong may taas man lang sana.”
“E, kasi, babe, ito lang kasi ang kaya ng sahod ko.”
“Saka hindi man lang tiles? Dito na ba talaga tayo titira?”
Lumipat si Nicholas sa harapan niya. “Oo sana, e. Hindi naman tayo pwede sa bahay ng mga magulang natin dahil maliit. Saka huwag kang mag-alala dahil hindi pa talaga tapos itong bahay natin. Sa likod ay may mga materyales na. paunti-unti ay ipapagawa natin ang mga kulang dito. Saka kung gusto mo ng second floor ay pwede naman nating pagawaan kapag nakaipon na tayo.” Hinawakan siya ni Nicholas sa mga kamay niya. “Basta, uunti-untiin natin ang bahay na ito. Papalakihin pa natin para kapag may mga anak na tayo meron silang malawak na paglalaruan.”
“Wala pa kaya tayong anak kaya paanong may maglalaro dito?”
Maingat siyang hinila ni Nicholas palapit dito. “Edi, gagawa na tayo…” pilyo nitong bulong.
“Babe!” Kinikilig niyang bulalas.
“Seryoso ako. Gusto kong simulan na natin ngayong gabi ang paggawa ng baby natin…”
Nagtama ang mga mata nilang dalawa hanggang sa natagpuan na lang nila na magkalapat ang kanilang mga labi at pinagsasaluhan ang isang halik na puno ng pagmamahal. Impit siyang napasigaw nang bigla siyang buhatin ni Nicholas. Kumindat ito sa kaniya at muli siyang hinalikan sa labi.
Dinala siya ni Nicholas sa kwarto at doon ay maingat siya nitong inihiga sa kama. Habang nakatayo ito sa gilid ng kama ay naghubad na ito ng damit. Siya naman ay umupo sa gilid ng kama at tinulungan siya nitong hubarin ang kaniyang wedding gown. Nang mga panloob na lang ang natitira sa kanilang katawan ay humiga na sila sa kama.
Pumaibabaw na sa kaniya si Nicholas ngunit inaalalayan nito ang bigat nito para hindi siya masaktan. Hinalikan ulit siya nito sa labi habang ang isang kamay nito ay kung saan-saan siya hinahawakan. Napapaigtad siya sa bawat haplos nito.
Hindi naman ito ang unang beses nilang gagawin ito pero parang iba na ngayon dahil kasal na sila.
Maya maya pa ay pumasok na ang kamay ni Nicholas sa loob ng kaniyang panty. Kasunod niyon ay inalis na rin nito ang bra niya at tumambad na ang dibdib niyang may kalakihan. Kitang-kita iyon ni Nicholas dahil pinatili nilang bukas ang ilaw.
Hanggang sa isinubo na nito ang isa niyang n****e. Isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ni Ivana nang maramdaman ang mainit na dila ni Nicholas na pinaglalaruan ang parteng iyon ng katawan niya. Napaangat ang likod niya at napasabunot sa buhok ng asawa.
Kinakagat-kagat pa nito ang u***g niya na nagdudulot ng kakaibang sensation kay Ivana.
Habang pinaglalaruan nito ang dibdib niya ay pinaglalaruan din ng isa nitong kamay ang kaniyang p********e. Tinutudyo-tudyo ng daliri nito ang b****a ng p********e niya na medyo basa na ng oras na iyon.
“Babe!” ungol ni Ivana nang maramdaman niya ang pagpasok ng dalawang daliri ni Nicholas sa p********e niya.
Hanggang sa tuluyan na nitong ibinaba ang panty niya at pati ang brief nito. Kinailangang tumayo ni Nicholas para mahubad ang brief kaya nakita niya ang naghuhumindig nitong p*********i.
Ito naman ang pinahiga niya at siya na ang umibabaw. Pinagsawaan niyang halikan ang labi, leeg at buong katawan ng kaniyang asawa. Mula dibdib hanggang sa tiyan nito. Bumaba pa siya hanggang sa umabot na siya sa matigas nitong p*********i.
Walang pagdadalawang-isip na isinubo ni Ivana ang p*********i ni Nicholas. May kasiyahan siyang naramdaman nang marinig niya ang mga ungol nito. Maya maya pa ay bumaligtad na si Ivana. Habang isinusubo niya ang p*********i ni Nicholas ay kinakain naman nito ang p********e niya.
Hindi nagtagal ay nasa ibabaw na ulit niya si Nicholas habang binabayo ng p*********i nito ang p********e niya na basang-basa na. Palakas na nang palakas ang mga ungol nila. Pabilis na rin nang pabilis ang pag-ulos ni Nicholas. Halos bumaon na ang mga kuko niya sa likod nito dahil hindi na niya alam kung saan siya kakapit dahil sa labis na sarap na lumulukob sa kaniya ng sandaling iyon. At hindi nga nagtagal ay sumabog na sa kaloob-looban niya ang dagta ng pagmamahal ni Nicholas!