Episode 16

1363 Words
“Minsan ang pinakamalapit, siya rin ang pinakalayo.” Tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung dahil ba malamig ang aircon, o dahil malamig lang talaga ang presensiya niya. Pero isang bagay ang sigurado: narito na naman ako, nakasakay sa kotse ng lalaking minsan kong minahal… at hanggang ngayon, hindi ko alam kung tuluyan ko na ba siyang nalimot. Nakahawak siya sa manibela, mariin. Parang anumang sandali ay kaya niyang baliin ito kung gugustuhin niya. Naka-focus siya sa daan, pero ramdam ko ang bigat ng tensiyon sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako sa bintana, pinilit kong aliwin ang sarili sa mga ilaw ng lungsod. Mas mabuti nang sa labas ako tumingin—baka sakaling hindi ko maramdaman ang presensya niya. Pero imposibleng hindi. Kahit hindi siya nagsasalita, naroon siya. Buo. Matatag. Pero ang pinakamahirap… parang hindi ko na siya kilala. Ang dating Xandro na puno ng biro, ng lambing, ng titig na kayang tunawin ako… wala na. “Where do you live?” putol niya sa katahimikan. Nagulat ako, hindi agad nakasagot. Pero agad din akong nag-compose. “Diyan lang po sa may Sto. Rosario. Drop me sa tapat ng 7-Eleven. Malapit na ‘yun sa amin,” mahinang sagot ko. Tumango lang siya. Walang dagdag. Walang kahit ano. Parang taxi driver lang na inutusan kong ihatid ako. Niyakap ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung dahil malamig o dahil naguguluhan ako. Lahat ng pinipigil kong emosyon, gustong kumawala. Pero hindi pwede. Hindi rito. Hindi sa harap niya. Pagliko namin sa isang kanto, muli siyang nagsalita. “So… what happened between you and Sanjoe?” Parang tinusok ang puso ko. Mabilis akong napalingon sa kanya, pero hindi siya tumingin sa akin. Tingin pa rin niya sa kalsada, diretso. Kalma, pero mababa ang tono. Nagbukas ang bibig ko, pero walang lumabas na salita. “Never mind,” sunod niyang sabi, tila ba binawi ang tanong. “I guess hindi na importante. You have… what’s his name again? Jason, right?” Ramdam ko ang paghinga ko na parang biglang lumiit ang mundo. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin siya lumingon. Wala sa kanyang boses ang panunumbat. Pero may kung anong pait sa tono niya na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako makapaniwala. After all this time, ito lang ang sasabihin niya? Akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko na siyang harapin. Pero hindi pala. Kasi kahit isang tanong lang mula sa kanya… kaya nitong sirain ang buong araw ko. Bumuntong-hininga ako, pinilit panatilihin ang boses ko na kalmado. “Jason is a friend,” sagot ko. “And Sanjoe… wala na akong balita sa kanya mula ng lumipat ako sa Maynila.” Tahimik siya. Walang sagot. Parang hindi niya narinig. O baka… ayaw lang niyang marinig. Lumiko siya sa tapat ng 7-Eleven. Hindi ko na hinintay pang bumaba si Xandro. Ayokong maramdaman niya kung gaano ako kabigat sa sarili kong pakiramdam ngayon. “Thank you,” maikli kong sabi, hindi ko na siya tiningnan. “Hmm,” tugon niya, malamig. Walang emosyon. Walang kahit anong pahiwatig na dati kaming may "tayo." Bumaba ako ng kotse at dali-daling pumasok sa eskinita. Hindi na ako lumingon. Kahit gustong-gusto ko. Kahit may parte sa akin na umaasang paglingon ko, nandoon siya… tumitingin. Tulad ng dati. Pero wala na kami sa "dati." Pagkapasok ko sa loob, sinalubong agad ako ni Aling Minda. “Oh? Ang aga mo yata, iha? Wala bang pasok sa bar ngayon?” tanong niya habang inaayos ang mga sinampay. “Hindi po ako okay. Medyo masama pakiramdam ko,” sagot ko habang iniiwas ang tingin. Kalahating totoo naman. Masama nga ang pakiramdam ko—hindi lang sa katawan, kundi sa puso. Sa kaluluwa. “Hmm… Sige, pumasok ka na’t magpahinga. Dinalhan ko si Clara ng mainit na sabaw kanina, tulog pa rin siya hanggang ngayon,” ani Aling Minda, sabay haplos sa braso ko. “Salamat po, ‘Nay Minda…” Dumiretso ako sa kwarto. Pagbagsak ko sa kama, pakiramdam ko buong katawan ko ay naubos na ng lakas. Hinubad ko ang sapatos, tinanggal ang hikaw. Pero ang bigat sa dibdib ko… nanatili. Habang nakatitig ako sa kisame, hindi ko maiwasang mag-isip. Paano kung hindi nangyari ang aksidente? Paano kung buhay pa si itay? Paano kung hindi namatay ang kuya ko? Magiging ganito pa rin kaya ang buhay ko? Puno ng tanong ang puso ko. Mga "what ifs" na matagal ko nang kinikimkim, pero pilit ko na lang kinakalimutan. Pero ngayong gabi… bumalik silang lahat. sabay-sabay. Bakit ba palaging ganito? Lagi na lang may umaalis. Si Papa. Si Kuya. Pati si Arlene—ang best friend kong akala ko ay hindi mawawala sa tabi ko. Isang araw, wala na lang siyang text. Wala nang tawag. Wala na. Para bang sinadya niyang maglaho. Ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong magtanong kung bakit. At ngayon… si Xandro. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng lahat ng sakit at galit, siya pa rin ang iniisip ko. Kinuha ko ang phone ko. Nag-type ako ng message para kay Jason. To Jason: “Nakauwi na ako. Thank you ulit kanina… sa lahat. Sobrang na-appreciate ko.” Sinend ko agad. Hindi na ako naghintay ng reply. Wala na akong energy para mag-isip pa. Pumikit ako. Gusto ko na lang makatulog. Kalimutan ang lahat. Pero bigla, nag-beep ang phone ko. Inangat ko agad. Unknown number. Bumilis ang t***k ng puso ko. Kinabahan ako. Dahan-dahan kong binuksan ang message. “Hannah Maria.” Parang kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Walang ibang tumatawag sa akin ng buo kong pangalan… kundi siya. Si Xandro lang. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—takot ba, kaba, o pag-asang pilit kong nilulunod? Hindi ako nag-reply. Pinilit kong huwag pansinin. Ibinaba ko ang phone. Pero kahit pumikit na ako, kahit pilitin kong matulog… Ang pangalan ko, sa tinig niya… umiikot sa utak ko. At ang sakit ng katotohanang kahit si Xandro, baka… paalis na rin. Xandro’s POV Hindi ko inakala. Pag-upo pa lang namin sa VIP table ng bar na pagmamay-ari ni Marco, ni minsan hindi ko naisip na makikita ko ro’n si Hannah. Sa lugar na ‘to—kung saan nagsasayawan ang ilaw at tunog, kung saan ang mga babae’y may ngiting pilit at kilos ay tila scripted para makuha ang atensyon ng sinumang lalaking may pera’t kapritso—hindi ko akalaing siya ang isa sa mga waitress. Pero pagkakita ko sa kanya, para akong binagsakan ng mundo. Siya pa rin. Si Hannah pa rin. ‘Yung ngiti niya, ‘yung kilos niya, ‘yung ayos ng buhok… Lahat ng iyon, pamilyar. Masakit. Parang kutsilyong pinilit isaksak muli sa dibdib ko. Hindi siya nagbago. O baka nga mas gumanda pa siya. Pero hindi ito ang oras para balikan ang nakaraan. Hindi ako dumating dito para magpakatanga. Pilit kong pinanatili ang composure ko. Kunwaring nakikinig sa usapan ng mga kasama, kunwaring abala sa pag-inom ng whiskey. Pero panakaw ang mga tingin ko sa kanya. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya—kung paano siya lumalapit sa mesa, kung paano siya ngumingiti sa customers. Pwersado. Ang tanong sa isip ko, paulit-ulit: anong nangyari sa kanila ni Sanjoe? Alam kong mahal na mahal siya ng pinsan ko. Si Sanjoe—may pera, may edukasyon, maganda ang trabaho. Halos pareho kami ng background. Magka-dugo nga kami. Pero bakit niya hahayaan si Hannah na magtrabaho sa ganitong lugar? Pero ang hindi ko kinaya… si Jason. Nang makita ko kung paano siya alalayan ni Jason, kung paanong inakay siya papalayo nang muntik siyang mabasagan ng baso—para akong piniga sa loob. Lalo na nang hinawakan nito ang pisngi niya at hinalikan ito, kahit gaano kaliit, kahit gaano kasimple. Tangina. Gusto kong sapakin ang lalaking ‘yon. At ang mas nakakagigil? Hindi siya tumutol. Walang pagtanggi. Walang protesta. Parang natural lang. So ano ibig sabihin nun? Na si Jason na ang bago? Na pagkatapos ni Sanjoe… may Jason na? Na baka… may mas marami pang nauna bago si Jason? Pinikit ko ang mga mata ko, mahigpit ang hawak sa baso. Hindi ito selos. Galit ito. Galit na hindi ko alam kung para sa kanya o para sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD