Episode 15

1342 Words
“Pagod sa katawan, pagod sa isip… pero hindi pwedeng tumigil.” Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, lumabas na rin ang doktor na sumuri kay inay. Hawak niya ang chart at clipboard na tila ba naglalaman ng mga salitang ayaw kong marinig. "Miss Clara’s condition remains unchanged,” ani Doktora. “Stable, but unfortunately, there’s still no significant neurological improvement. We’ll need to continue monitoring, but based on her response, it’s possible she might need another surgery in the future to relieve pressure on certain areas of her brain.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang kawalang pagbabago, o ang posibilidad na kailangan na namang sumailalim si inay sa isang operasyon. Alam kong delikado, at higit sa lahat… mahal. "Doc... magkano po kaya ang posibleng magastos kung sakaling kailanganin nga po ng operasyon?" nanginginig kong tanong, kahit alam ko na ang sagot ay isang numerong hindi ko agad maaabot. "Too early to say, but definitely not less than seven digits," sagot niya, mahinahon ngunit diretso. Tahimik akong tumango. Kailangan kong maging matatag. Hindi ako pwedeng sumuko. Habang tinutulak ko ang wheelchair ni inay palabas ng ospital, ramdam kong namamanhid ang buo kong katawan, hindi dahil sa pagod—kundi sa bigat ng emosyon. Pero pinilit kong ngumiti. Para kay inay. "Nay... okay lang tayo. Gagawan natin ‘to ng paraan, ha?" bulong ko habang inaayos ang kanyang kumot. Pagdating sa bahay, nagmadali akong magpalit ng damit. Mamayang gabi ang raket naming ni Joan sa The Boss. Hindi pa ako nakakapagpahinga, pero kailangan ko ‘tong pasukan. Malaki ang kita. At kung madodoble ko ang pasok ngayong buwan, baka kahit papaano ay makapagsimula na akong mag-ipon para sa gamot at posibleng operasyon ni inay. Mabuti na lang at naiwan muna si inay kay Aling Minda. Kahit matanda na si Aling Minda, may puso siya. Palagi siyang nariyan para tumulong sa amin. Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ni Joan. “Han! Sakto, andito ka na. May balita si Jason,” sabay kindat niya, na para bang may tinatagong sikreto. Halos kasunod niya ay dumating si Jason, bitbit ang clipboard at may seryosong tingin. “Han,” aniya, “nakausap ko na ‘yung management. Alam ko kailangan mo ng dagdag kita... and guess what? May dalawang regular staff na nag-leave ng tuluyan—isa buntis, isa lilipat na abroad. I want to offer you a full-time spot dito sa The Boss. Fixed rate, plus tips. Mas malaki sa usual. What do you think?” Napatingin ako sa kanya, hindi agad naka-imik. Napalunok ako. “Jason… seryoso ka?” “Of course. You’re one of the best girls we’ve got. Kaya kung gusto mo, simula next week, regular ka na.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—katuwa ba o kaba. Pero isa lang ang malinaw: malaking tulong ito. “Salamat… sobra,” mahina kong sagot, halos may luha sa sulok ng mga mata ko. “Hindi mo alam kung gaano ito kalaking bagay sa amin ni inay.” Pagsapit ng alas-diyes ng gabi, abala na ang lahat sa kani-kaniyang table. Dumami na ang guests, at halos wala kaming pahinga sa pag-aasikaso. Masaya ako kahit papaano—kasi kahit pagod, may silbi. May direksyon. Pero ang ngiti ko, biglang naglaho sa isang iglap. Habang papalapit ako sa table 7—ang VIP table na binigay sa akin ni Jason—biglang natigilan ang mga paa ko. Parang tumigil ang mundo. Xandro. Nandoon siya. Nakaupo, kasama ang ilang mayayaman at kilalang mukha sa industriya. Malinis ang hiwa ng kanyang suit, naka-lean back habang hawak ang isang baso ng whisky. Mas malaki ang katawan niya ngayon—mas broad ang balikat, mas matigas ang panga. Mas matured. Mas lalong naging lalaking-lalaki. Pero ang pinaka-nakatulig sa akin… ay ang kanyang mga mata. Wala na roon ang init, ang kilig, ang ngiti. Ang titig niya ay malamig, blangko—parang hindi ako kilala. Parang ako'y isa lang waitress. Isa lang sa maraming babae sa paligid niya. Nagkatitigan kami. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. At wala. Walang reaksyon. Walang pagkilala. Walang kahit anong bakas ng dating Xandro na minahal ko. Biglang sumikip ang dibdib ko. Sumabog sa loob ko ang lahat ng pinipigil kong damdamin. Parang pinunit ang puso ko sa harap ng maraming tao. Nabitawan ko ang tray. Basag ang isang baso. “Han!” sigaw ni Joan, pero hindi ko siya narinig. Nagpa-panic na ako. Hindi ko alam kung iiyak ako o tatakbo palabas. Buti na lang… nandiyan si Jason. Agad niya akong sinalo, nilapitan. “Hey. Hey, Han,” mahina niyang bulong habang inakay ako palayo. “Okay ka lang?” Umiling lang ako, nanginginig. Hindi ako makapagsalita. Kasi paano mo nga ba bubuuin ulit ang sarili mo, kung mismong taong bumasag sa ‘yo… ay tila hindi ka na niya kayang makita? Sa labas ng staff room, tahimik kaming dalawa ni Jason. Ramdam ko ang panaka-nakang panginginig ng kamay ko habang pinupunasan niya ang sugat ko sa daliri mula sa nabasag na baso. "Pasensya ka na, Jason... ang clumsy ko," mahina kong bulong, pilit tinatago ang kahihiyan. "Don’t say that," sagot niya habang dahan-dahang inaayos ang band-aid. "Kita ko naman, hindi ka okay. Kaya if you want, you can clock out early. I’ll drive you home. Para sigurado akong ligtas ka." Napatingin ako sa kanya. May lambing sa boses niya, may pagkalingang hindi ko sanay marinig mula sa kahit sino sa mga lalaking nakapaligid sa akin. "Baka magalit si boss," mahina kong sagot. Ngunit bago pa man makasagot si Jason, biglang bumukas ang pintuan. “Jason,” tawag ng isang lalaking. “Hindi pa pwedeng umalis. Marami pang kailangang ayusin. I'll call my driver for her instead.” Bigla akong napatayo. Nanlamig ang likod ko nang sumunod pumasok sa pintuan si Xandro, tila kasunod ang lalaki. Nakasuot pa rin siya ng maitim na suit, hawak ang cellphone, pero ang mga mata niya—nakatuon lang sa akin. “I’ll drive her home,” malamig niyang sabi. Natigilan kaming lahat. “Boss Marco, Hannah po, bago sya rito, pasensya na po a kanina. Pwede naman po akong bumalik pagkatapos, malapit lang ang bahay nya dito" Pagpapaliwanag ni Jason sa lalaki. So, sya pala ang may-ari nito at kaibigan pa sya ni Xandro. Parang ang liit ng mundo para sa aming dalawa. “I said I’ll do it,” putol niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. “Wait,” awat ko agad, sabay isang hakbang palayo. “Okay lang ako. Hindi kailangan—” Pero isang iglap lang, hinawakan niya ang braso ko. Hindi madiin, pero sapat para pigilan akong umalis. Ramdam ko ang init ng palad niya kahit malamig ang aircon ng bar. “Come with me,” seryosong sambit niya. Nagkatinginan kami. At sa sobrang lapit niya, amoy ko pa rin ang pamilyar niyang perfume—’yung halimuyak na kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko makalimutan. Naguguluhan ako. Gusto kong tumanggi. Pero parang hindi ako makahinga. “Xandro, I appreciate it, but I can take care of her,” putol ni Jason sa tension, humakbang palapit. At doon ako tuluyang nashock. Biglang yumuko si Jason, marahang hinalikan ako sa pisngi. Light, sincere… pero sapat para ma-freeze ako sa kinatatayuan ko. “Text me when you get home, okay?” aniya sa akin na parang concern boyfriend. Halos hindi ako makagalaw. Parang bigla akong nahiya. Ang mga mata ko, hindi mapigilang sumulyap kay Xandro. Pero ang mas nakakapagtaka… wala siyang reaksyon. Blangko. Parang wala lang. Pero sa likod ng mga mata niya, may bagay akong hindi maipaliwanag—galit ba ‘yon? Sakit? O wala na talaga? Nilingon ko si Jason, sabay tango. “I’ll be okay. Thank you…” Paglingon ko ulit kay Xandro, nandoon pa rin siya. Tahimik. Walang imik. Pero mahigpit pa rin ang hawak sa braso ko. At doon ko naramdaman… …wala nang mas sakit pa kaysa sa hawak ng isang taong mahal mo, na parang wala nang nararamdaman para sa ‘yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD