“Nasaan ako?” Halos pabulong lamang ang lumabas sa aking mga labi.Pakiramdam ko'y buong katawan ko ay mabigat at nanghihina.Wala akong sapat na lakas kahit para igalaw ang aking mga daliri. Sinubukan kong iangat ang aking kamay.Ngunit bahagya pa lamang itong gumalaw ay tila agad na naubos ang natitirang lakas sa aking katawan. “A-ah…” Napapikit ako dahil sa panghihina. Bakit ganito ang pakiramdam ko?Bakit hindi ko maigalaw nang maayos ang aking mga braso at binti? Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Isang puting kisame ang unang bumungad sa akin.Hindi iyon ang kisameng pamilyar sa akin. May mga maliliit na ilaw sa paligid at mga kagamitang elektronikong patuloy na nagbibigay ng mahihinang tunog. Napalingon ako sa aking tabi. May nakakabit na suwero sa aking braso.May ilang

