Hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko pero ramdam ko na ang sakit ng buong katawan ko, lalo na yung sa gitnang parte.
Feeling ko talaga tuluyan na akong hindi makakalakad, bwesit na Chernikov yan!
Nakaramdan ako ng matigas na bagay sa tabi ko, kinapa-kapa ko pa ito.
"A-audris ano yan? gusto mo ba mag round 2?" gulat akong napabalikwas ng bangon.
A-abs niya pala yun!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, bumungad sa'kin ang mukha niyang napakagwapo. Magulo ang buhok nito tas idagdag pa ang husky voice.
Parang gusto ko tuloy mag paround 2 kaso di na ako makalakad e. O, Audris landi mo talaga!
"Dito ako natulog kagabi, binantayan kita baka kailanganin mo ako dito." wika nito.
Lord! kaya kong tiisin lahat basta ganitong Chernikov Kadovar na mabait lang ang bubungad sa akin everday. Hindi yung malad*monyong pagkatao niya.
"Kumusta na pakiramdam mo? masakit pa rin ba?" nag-aalala niyang tanong.
"M-masakit pa rin, mas lalong sumakit. Parang n-namaga." nahihiya kong wika sa huling salita.
Napabuntong-hininga ito sabay tayo.
"Kuha lang ako ng pagkain mo, tapos magdala ako ng yelo." wika niya,
nakangiti lang itong lumabas ng kwarto.
"Hays, ang pogi pogi niya!" tili ko ng makalabas na siya.
Masakit pa talaga igalaw, naalala ko tuloy yung nangyari kagabi sa party. Nakakahiya talaga yun lalo na nong sinigawan ako ni sir Francis. Bwesit kasi si señorito pinahamak pa ako pero ewan ba't hindi ko kayang magalit sa kanya ng sobra. Dapat nga pinagtatabuyan ko na siya ngayon.
Hays.
CHERNIKOV:
Papasok pa lang ako ng kusina nang madatnan ko si Draeson na nagkakape.
Hindi pa pala siya nakakauwi. Agad din naman niya akong napansin.
"Khareem, you look like a chimpanzee, na nakawala sa zoo." natatawang saad nito.
Ako chimpanzee? how come?
"Para kang sinabunutan ng sampung bakla." muli nitong wika.
"Shut up, Asshole!" tumawa lang ito saka ipinagpatuloy ang paghigop ng kape.
Agad naman akong nagtungo sa refrigerator at kumuha ng maraming yelo at inilagay sa lagayan.
"Why are you here? akala ko umuwi na kayo." tanong ko rito.
Kumuha na rin ako ng loaf bread at nilagay sa bread toaster.
"Dito kami natulog." wika nito saka seryoso akong tinignan.
Pagkatapos matoast ay agad ko naman itong nilagay sa plato at nilagyan ng palaman.
"Ikaw Khareem saan ka galing? saan ka natulog?" sunod-sunod na tanong nito.
Kinakabahan ako sa mga tanong niya.
"Sa Tree house." sagot ko.
Ngumisi lang ito na para bang hindi kumbinsido sa sinagot ko.
"Liar! wala ka don." f**k!
"Pero bumaba ako at lumipat sa kwarto." wika ko ulit, muli na naman itong ngumisi.
"Talaga Khareem?" humigop muna ito saka nagsalita muli. "Pumunta kami don pero wala ka."
Sh*t! corner na ako.
"Sa tree house kami natulog kagabi, hinanap ka nga namin pero wala ka sa kwarto mo. The question is saan ka natulog at sino ang katabi mo?" tanong nito habang itina-taas at baba ang mga kilay.
"Sa guest room ako natulog, ulupong ka!" mas nakakatensiyon itong kausap ko ngayon. Hindi basta-basta mapapaniwala si Draeson dahil hari ito ng mga kalokohan.
"Khareem, just answer my question honestly." kailan ba ako tatantanan ng lalaking 'to?
"I'm always honest. What would be the point of lying?" wika ko, hindi talaga basta basta magpapatalo itong lalaking to.
Hinanda ko na sa tray ang pagkain nagsama na rin ako ng isang basong gatas.
Muli na naman niya akong tinignan. "Milk? akala ko ba ayaw mo sa gatas?" parang gusto ko na lang talaga siyang sipain palabas ng mansiyon. "At bakit andami mo atang dalang yelo, may namamaga ba?" wika niya habang pinipigilan ang tawa.
"Ewan ko sayo Drae, get lost!" mas tumawa lang ito ng malakas.
Tumalikod na ako. Pero muli ulit itong nagsalita.
"Bakit may dugo ka sa balikat Khareem?"
Naalala ko ang pagkagat ni Audris, hindi kaya dahil don?
Napansin kong lumapit na ito at tinignan ang t-shirt ko.
"Pre sinong kumagat diyan?" tanong niya habang nililihis ang suot ko. "1...2...3..." pagbilang niya.
"Malaking lamok lang." agad ko namang iniwaksi ang kamay niya.
"Nagsisinungaling ka na naman." tumikhim muna ito saka tinignan ako ng seryoso. "Narinig ko ang mga ungol niyo sa kwarto ni Audris nong napadaan kami. Pero ako lang yung nakarinig kasi naunang maglakad ang dalawa. Kaya wag mo akong pinagloloko
diyan Khareem dumaan na ako sa ganyan." nakangising saad nito at tinapik ang balikat ko.
Napadaing naman ako sa sakit at matalim siyang tinignan. "Manahimik ka na lang kung ayaw mong basagin ko ang pagmumukha mo." mariin kong wika.
"Khareem akala ko ba tutulungan mo si Brigz na ligawan si Audris, ba't ikaw pa ang naka delihensya?" natigilan ako sa sinabi niya.
Sh*t! muntik ko ng makalimutan, may gusto nga pala ang pinsan ko sa kanya. Ano ba tong pinasukan kong gulo?
"Good luck Khareem! I have to go, nauna na rin sila Briguel at Lyle umalis kanina. Good luck!" paalam nito.
Pagkatapos ng paguusap namin ay agad na akong nagtungo sa kwarto niya. Hindi pa man ako nakakatok ay nakasalubong ko ang ama ko na ngayon ay nagtataka akong tinitignan.
"Nik, can you explain to me why you've come to this room?" tanong nito.
Pati ako ay hindi rin alam ang isasagot.
"I saw you last night as you came out of her room with only a towel wrapped around your waist." tinignan niya ako ng seryoso, agad naman napukaw ang tingin niya sa yelong dala ko. "Ice? for what?" takang tanong pa rin niya.
Pag si Papa na ang nagtanong malabo ng makapagsinungaling.
"Okay, alam ko na ang nangyari. Ganyan din ang nangyari sa mama mo noong honeymoon namin." wika niya.
"Do you love her?" he asked me.
Agad naman nagpanting ang tenga ko. Si Elsie lang ang mahal ko at mamahalin ko.
"No! alam mo naman na si Elsie pa rin ang mahal ko." mariin kung pagkakasabi pero sa mahinang boses.
"If you don't love her, why did you have s*x with her?" muling tanong niya.
Natahimik lang ako sa tanong niya, bakit nga ba kami nags*x?
"Mali yang ginagawa mo Nik, hindi kita pinalaking bastos at walang respeto sa babae. May consequences lahat ng pinaggagawa mo." tumikhim ito at inayos ang sarili niya. "Sacred yan, kung m************k ka it means gagawa kayo ng panibagong buhay, a blessings or should i say, 'bata'."
Para akong nasamid sa sinabi niya.
Ayoko ng bata! bakit hindi ko man lang naisip bago gawin ang bagay na iyon.
"Isa pa, you should start to forget Elsie matagal na 'yon Nik. Buksan mo ulit yang puso mo, wag na wag kang magkukulong sa past mo. Wag mo akong gayahin na duwag harapin ang katotohanan nong mawala ang Mama mo." mahabang wika nito at tinapik ako.
"Sige pumasok ka na natutunaw na yung yelo, sabihin mo kay Audris na i want to talk to her about last night, after niya kumain." ngumiti lang ito at umalis na sa kinatatayuan niya.
Forgetting Elsie was one of my biggest mistakes and I will never do that thing.