Kabanata 11:

1086 Words
Ang tagal naman niya kumuha ng pagkain kanina pa ako gutom. Nagrereklamo na nga ang tiyan ko. Maya-maya pa ay may kumatok na sa pintuan ko. Pumasok siya sa silid ko dala ang isang tray. "B-bakit ang tagal mo ata senyor?" tanong ko. "Nasa kusina kasi si Draeson nakipag-usap muna, kaya ako natagalan. Alam mo naman si Drae talo pa ang bakla sa sobrang kadaldalan." natatawang wika nito, saka nilapag ang tray sa tabi ko. "Yung yelo natunaw na ang iba, unahin mo na siguro ito. Buhatin kita papunta sa banyo tapos tawagin mo na lang ako pagtapos ka na." masuyong wika niya. D*monyo to anghel pala ang peg nito. Ano kaya ang nakain niya ba't bumait? Hmm... Anla yung ano ko?! Aba! Landi mo Audris! Maryosep ka day! "Hey! are you okay? natulala ka diyan." nag-aalalang tanong niya. "Okay lang po, sige po pakibuhat na lang po ako." wika ko, marahan naman niya akong binuhat papasok sa banyo at maya-maya pa ay iniwan ako. Mga ilang minuto rin naman ay tapos na ako. Medyo okay na rin hindi na siya mahapdi-hapdi. Nakatulong talaga ang yelo, maga pa konti pero hindi katulad kanina na grabe talaga. Agad ko naman siyang tinawag pagkatapos ko at dinaluhan ako. "Ikaw hindi ka ba kakain?" tanong ko. Nakatingin lang kasi siya sa'kin. "Mamaya na, magkakape na lang ako. Oo nga pala si papa gusto ka kausapin." bigla naman akong natahimik sa sinabi niya. Hanggang ngayon kinakabahan talaga ako pag nababanggit ni Señorito ang papa niya. Hindi naman sa takot ako pero nahihiya talaga ako sa nangyari kagabi. "Audris?" tawag nito. "Ah, s-sige po." nauutal kong saad. "Sige, maiiwan na muna kita. May gagawin pa kasi ako, dahil next week lahat ng time ko nakatuon na sa kompanya." wika nito. "Salamat...salamat talaga." ngumiti lang ito saka lumabas na. Mga ilang minuto lang din ay nakarinig na ako ng katok sa pinto. "Audris, si sir Francis to, can I talk to you?" wika niya. "S-sige po sir." napansin ko namang pumihit ang seradura at pumasok ang lalaking nasa 40's ang edad, gwapo ito at matipuno kung titignan mo siya ay parang binata pa rin. Medyo hawig talaga niya ang anak niya. Loka loka Audris! siyempre tatay niya yan, kahawig talaga! pero mas gwapo talaga si Señorito. "Good morning, how are you?" tanong nito na may halong pag-aalala. T-teka? alam ba niya? Alangan akong tumingin sa kanya. "I know what happened between you and Nik. Don't worry hindi ako galit." grabe nakakahiya, ano naman kayang pinagsasabi ni señorito. Pansin niyang hindi ako umiimik. "P-pasensya na po talaga." nakayukong saad ko. "It's okay, about last night pagpasensyahan mo na ako. Hindi ko naman kasi alam na sasabihan mo ako na isang akong basura. Inamin na rin sa akin ni Nik, pasensya na talaga. Napagsabihan ko na din yun, ano ba ang sabi niya sayo tungkol sa salitang yun?" muling tanong niya. "Sabi niya po it means beautiful or handsome, kaya nasabi ko po sayo. Hindi ko din po alam na 'basura' pala ang ibig sabihin, lagi niya po kasi tinatawag sa akin yun." napakamot pa ako, napailing-iling lang din ito sa narinig. "Pagpasensiyahan mo na din yun, siguro humahanap lang ng way yun para mawala ang lungkot, at ikaw minalas kasi ikaw ang napagdiskitahan niya." natatawang wika niya. "Naiintindihan ko naman po siya, alam ko na din yung nangyari sa kanya kaya hahabaan ko na lang ang pasensya ko." masayang wika ko, may time talaga nakakapikon yun. "Masaya akong marinig yan." napatikhim muna ito saka nagsalita ulit. "May ipapagawa sana ako sayo, sana naman tulungan mo ako." seryosong saad niya. "A-ano po yun?" "Si Nik, he never dates anyone simula nong mamatay ang fiancée niya. Lagi na siyang umaayaw sa mga babaeng ipinapakilala sa kanya, laging bukambibig 'I love Elsie, i love her so much'. Puro past na lang ang pinapahalagan niya. Now, i want you to do everything para mainlove sayo ang anak ko." para akong nasamid sa sinabi ni sir Francis. Ano? gagawin ko lahat para ma inlove si Señorito sa akin? aba! malabo yan Audris. "S-sir parang malabo po yan." "Mali ka, nararamdaman ko. Possibleng magkagusto siya sayo o mahalin ka niya. The way he cares for you, yun pa lang Audris pinapahalagahan ka na niya." "P-pero sir..." hindi ko na naituloy dahil bigla itong sumingit. "I can pay you or bigyan ng scholarships ang mga kapatid mo para pumayag ka." seryosong wika nito. Scholarships? kailangan yun ng mga kapatid ko. "Ano Audris papayag ka?" tanong nito, kaya ko naman siguro ang pinapaggawa sa akin ni Sir. "Sir wag na lang po yung bayad, o-okay na po ako sa scholarships." desidido na ako. "Good, ilan kayong magkakapatid?" "Lima po, ako po yung panganay. Yung isa po ay graduating na, yung tatlo po yung nangangailangan ng scholarships." aba, itotodo ko na to minsan lang tong free scholarship. Kita ko naman siyang tumango. "Sige mamaya babalik ako dito para hingiin ang names at school ng mga kapatid mo." nakangiting wika nito at tumayo na. Parang walang bakas ng paghihinayang. "Sir paano po pag nainlov---..." "Kung mainlove ka sa kanya walang problema, kung mainlove si Nik sayo pwede niyo namang ipagpatuloy, basta tulungan mo ako at gawin mo ang lahat para mangyari ang bagay na iyon. " "Gawin mo ang lahat, pero hindi ko sinabi na pati katawan mo ay ibigay mo rin sa kanya ah. Alam ko may nangyari na sa inyo, pero Audris umayaw ka kung sakaling magpumilit siya. Dapat respetuhin ka niya at respetuhin mo rin ang sarili mo. Ingatan mo ang sarili mo Hija." wika nito, naalala ko tuloy ang papa ko, kaso di ko naman alam kung nasan na siya. "Sige po Sir Francis, salamat po." nakangiting wika ko. "Maraming salamat din, babalik ako mamaya ah." wika nito, kumaway pa ito saka lumabas ng kwarto. Naiwan akong nakangiti pero may halong pagka-guilt din. Paano pag napamahal na siya sa akin tapos nalaman niya na may kasunduan pala kami ng ama niya? Ano kaya ang mangyayari? Maryosep naman! sayang din naman ang scholarship e, pero ang sabi din naman ni Sir pwede namin ipagpatuloy kung sakaling mainlab kami sa isa't-isa. Ah, bahala na nga! basta gagawin ko na lang ang lahat para mainlove siya sa akin, sa ngayon mas importante talaga ang scholarships. Paano ko naman siya mapapa-ibig e nakakulong naman siya sa nakaraan? Ang hirap naman, hindi pala talaga madali itong gagawin ko. Parang pinapaamo ko ang mabangis na lion. Hays, bahala ka na batman, superman, bahala na kayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD