Kinabukasan ay maaga akong nagising at tutungo na sana sa kwarto ni Lola Vivian pero nakasalubong ko si Manang Wanda, as usual kunot-noo at strikta kong titignan.
"Wala si Madam Vivian, umalis sila ni sir Francis para magbakasyon." masungit na wika nito at umalis na.
Napakamot na lang ako sa ulo, lagi siyang ganyan pag nakakasalubong ko. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa sa kasungitan.
Sakto namang bumukas ang pinto sa kwarto ni Señorito halatang katatapos lang maligo dahil basa pa ang buhok.
"Hey, okay ka na?" tanong nito at pinasadahan ako ng tingin.
"O-opo okay na, thank you." nakangiting wika ko, napatango-tango lang naman ito.
"Samahan mo ako mamaya, pupunta tayo ng mall." wika niya na ikinakunot-noo ko kasabay na rin ang pag titig ko ng masama.
Anong gagawin namin don? baka iwan niya ulit ako.
"What's that look for?" umismid lang ako.
"Naalala mo yung last na pumunta tayo sa mall señorito? iniwan mo ako at inabot ako ng gabi." naiinis kong sabi, tumawa lang ito at tinignan ako ng nakakaloko.
"Ano ka ba, just forget that thing. Magpapasama lang ako sayo sa mall para bumili ng mga pang corporate business attires at mga gagamitin ko sa opisina." seryoso wika nito.
"Baka iwan mo na naman ako, magdadala na ako ng pera maninigurado na lang." naiinis ko pa ring sabi.
"Maligo ka na nga ang baho mo!" natawa pa ito at mariin akong tinutulak pabalik sa kwarto ko.
Inirapan ko naman ito. "Tse!" agad akong pumasok sa kwarto at isinara 'yon.
Mga ilang minuto lang din ay tapos na akong maligo at magbibihis na sana...
Bigla namang bumukas ang pinto, bwesit! nakalimutan kong ilock ang pinto. Nakapanty at bra pa naman ako.
"Pumasok na ako." kita ko naman ang mukha niyang inip na inip na. "Why do you take so long to get dressed?" inis na tanong niya at mas lumapit pa sa'kin.
"Lumabas ka nga! bastos ka nagbibihis ako!" singhal ko. Nakakainis kasi, tinakpan ko muna ang katawan ko.
Napangisi naman ito ng makita ang ginagawa ko.
"Nakita ko na yan, nahawakan ko na, nadaanan na ng dila ko." natatawang wika niya at pabagsak na humiga sa kama. "Bilisan mo na diyan para makaalis na tayo, sige ka di ka na naman makakalakad." biro nito at tuluyan ng tumayo sabay lakad palabas ng silid ko.
"Bwesit ka! Manyak!!" pahabol ko, natawa lamang ito at tila sinasadya talagang iparinig sa akin.
Pagdating namin sa mall ay sunod-sunuran lang ako sa kanya. Sinama lang niya ata ako para may tagabit-bit sa mga bibilhin niya daig pa niya yung mga babaeng shopaholic sa dami ng pinamili.
Agad kaming nagtungo sa Men's & Women's Apparel.
"Ilagay mo na lang diyan sa mahabang upuan yang mga binitbit mo, tapos samahan mo ako." maawtoridad na wika nito. Ang kapal talaga e, hindi man lang ako tinulungan. "Faster!" naiinis na utos niya.
Nauna kaming nagpunta sa sections ng mga undergarments, pati ba naman dito ay isasama pa ako.
Isa-isa niyang kinuha ang mga nakakahong boxer's at briefs. Nakangising aso naman niya itong ipinakita sa akin.
"Which one will suit me well? Ito bang red or white?" nakangiting tanong niya habang iniwagayway sa harap ko.
Pansin ko naman na lahat ng namimili sa store na pinuntahan namin ay sa amin lang nakatingin, ang iba ay natatawa at parang kinikilig pa.
"Ewan ko sayo! pinagtitinginan na tayo."
inis na wika ko saka naniningkit siyang tinignan.
"Saan nga dito ang bagay sa akin?" tanong niya ulit, sinasadya talagang lakasan ang boses. Nakakahiya tong lalaking ito.
Binato ko naman sa kaniya ang isang nakalukot na brief. "Yan iuwe mo!" kunot-noo naman itong napatingin sa akin habang binubuklat ang brief na binato ko.
"Seriously? ito ang ipapasuot mo sa akin e, ang liit liit nito." tumikhim ito saka nagsalita ulit. "Ang laki-laki ng kaibigan ko hindi yan magkakasya dito, di ba nga sabi mo braso yun." natatawang wika niya, nakakahiya kasi halos marinig na ng lahat ang sinasabi niya. "Hindi ka nga makalakad ng ilang araw, isang araw ba yun o dalawa?" hindi niya sigurado at mas lalo pa akong nainis ng gawin niyang tirador ang brief at sumapol sa noo ko.
"Bwesit ka talaga!" natawa lamang ito.
Narinig ko pa ang ibang tao sa loob ng store.
'Baka bagong kasal kaya ganyan!'
'Ang cute nila naalala ko tuloy nong bagong kasal kami ng asawa ko.'
'Sanaol kay ate ang pogi na ng asawa, swertehin pa sa kargada!'
parang gusto ko na lang mahimatay sa sobrang kahihiyan, itong kasama ko naman parang walang narinig dahil sige lang sa pagpili.
Apat na box ang binili niya tig-dadalawang box ng boxers at briefs.
"Okay na ba to sa akin?" tanong niya ulit. Kailan ba siya titigil? Jusko Marimar!
"Edi sukatin mo!" inis kong wika, muli na naman itong ngumisi. Ano na naman kayang kalokohan ang naiisip niya.
"Halika samahan mo ako." hindi pa man ako nakakasagot ay agad niya na akong hinila papasok sa fitting room.
"Ano ba! palabasin mo ako!" sigaw ko pero mahina lang.
"Magsusukat ako tignan mo kong babagay ba." nakakalokong wika nito.
"Tse! nakakainis ka na ah, di porke't amo kita ganyan na ang gagawin mo sa'kin!" magkasalubong ang kilay kong nakatingin sa kanya.
"Oo na, I'm just kidding napakaseryoso mo naman!" wika niya sabay kurot sa ilong ko.
Nauna naman akong lumabas at sumunod naman siya. Dinedma ko na lang ang mga taong nakatingin, naiinis talaga kasi ako sa kasama ko.
Sunod kaming nagpunta sa mga corporate/ business attires.
Samot saring mga business attires ang naka-helira, ang iba naman ay nasa mannequin pa. Dahil sosyalin naman at mayaman si amo yung mga nasa mannequin ang mga pinili niya at limited edition pala yun.
"Señorito, ayaw niyo po ba sa mga nakahanger sa clothes rail?" umiling-iling lang ito.
"Hindi ko gusto yung tela, yung texture ang gagaspang. Ito gawa lamang sa ordinary fabric at mabilis lang mangunot, i guess cotton ito or other cotton fabrics, like polyester. Well maganda ang pagkagawa pero aanhin mo ang kagandan kung madaling masira o mapunit." sinuri niya ang tela
at ang bawat parte nito.
"Yung mga nasa mannequin mamahalin yan hindi basta basta ang mga tela na ginagamit." seryosong sabi niya
Lumipat naman siya sa may mannequin at sinuri din 'yon. "As you can see Cashmere fabric to, maganda at napakaexpensive, touch this. Tell me, ano ang pinagkaibahan sa suits na nasa clothes rail?" seryosong tanong niya sa akin.
"Parehas po silang soft, pero feeling ko po mas presko suotin tong Cashmere. Hindi gaya nong parang simple lang. Mas maganda din po ang textures, halatang mamahalin talaga."
"There are many types of clothing fabrics, kadalasan sa mga ginagamit are tweed, linen, silk, velvet, worsted and lastly, wools. Pero ang pinaka mahal talaga vicuña wool, kung expensive ang cashmere butas naman ang bulsa mo sa vicuña." natatawa nitong saad.
"Sabi nga nila, clothes can show your status by many different things for example the colours of your clothes, the cost of your clothes and even the material used."
Wala akong maintindihan about sa tela-tela pero alam kong magaling si señorito. Akala ko loloko-loko lang ito pero brainy din pala.
"Paano mo naman nalaman ang lahat ng yan?" taka kong tanong.
"Audris, I own a clothing brand company, HVC (Homes of Viviana's Couture)." Oo nga pala, kaya di ako matanggap dati dahil sobra layo talaga ng kurso ko at idagdag pa na hindi ako nakapagtapos. Sobrang labo talaga.
"Alam ko yun, noong bata pa ako alam ko na kung ano yung clothing and fashion industry dahil sa parents at grandparents ko. Noong nasa turkey ako ganyan din naman ang ginagawa ko." wow lang ah! nakakamangha. Hindi talaga halata dahil loloko-loko itong kausap.
"Bakit hindi ka bumibili sa sarili mong Clothing brand, diba andito rin sa mall yun?"
"No Audris, kailangan mo rin tumangkilik ng ibang produkto. Hindi laging sa sarili mong produkto ka lang nastustuck." wika nito. "Sa business Audris, hindi maganda yung mindset na gusto mong umangat na umangat pa sa iba, na pera lagi ang iniisip. Dapat tulungan rin yung ibang business na umangat rin. Para sa akin, mas okay na yung tangkilikin ko ang ibang produkto nang malaman ko rin kong gano ka unique at iba ang styles nila." mahabang pahayag nito.
"Galing ko diba?" kumindat-kindat pa ito sabay pogi sign.
"Yabang mo! Edi sanaol!" natawa lamang ito.
Naglakad ulit ito malapit sa cabinet na may suits na magara.
"Alexander Amosu Vanquish Bespoke Suit, gawa niya ito." sabay hawak niya sa may kwelyuhan. "So much Expensive."
"Magkano ba?" napatikhim muna siya.
"Aabot ng 1-3 million minsan lagpas pa." natatawa nitong wika na ikinagulat ko.
"S-seryoso ka?" tumango lamang ito.
"Oo, ganyan ka mahal. May mas mahal pa nga sa clothing brand na yan." inayos niya ang suits na ginalaw niya.
"Bibilhin mo?" ngumiti lang ito, grabe kung bibilhin niya edi sanaol.
"Hindi no, aba kong bibilhin ko yan edi araw-araw ubos agad ang pera ko." natatawa niyang saad. "Yung cashmere lang bibilhin ko, mga 20 piraso." sabi niya, agad naman niyang tinawag ang sales lady.
Matagal-tagal din kaming naglibot sa loob ng store, panay sukat lang ang ginagawa namin. Loko nga e, sa akin ba naman pinasukat ang ibang suits pati neckties, pinagtritripan talaga ako.
"No! change that!" utos niya ulit. Abnoy talaga dapat siya ang nagsusukat.
"Señorito naman ikaw yung magsusuot ba't ako pinapasukat mo!" naiinis kong wika, pero tumawa lang ito.
"Alam ko naman kasya sa akin lahat yan, I just want to annoy you." ngingisi-ngisi nitong wika saka nilapitan ako. Hinawakan niya ang necktie na nasa kwelyuhan ko. "Sabihin mo, 'choke me daddy' sige na dali!" mahinang bulong niya na ikinaawang ng labi ko.
"Bwesit ka talaga!" agad kong inapakan
ang paa niya na ikinadaing niya.
"Nagjojoke lang ako Audris, ikaw ang seryoso mo talaga. Magbihis ka na nga!"
utos nito saka pumunta na sa cashier.
Mga ilang minuto lang naman ay natapos na ako, at heto bitbit ang mga
pinili niya pabagsak ko naman yung nilagay sa may counter dahil sobrang sakit na ng mga braso ko.
Matalim naman niya akong tinignan, aba! hirap kaya ng mga pinapaggawa niya.
"May cufflinks ba kayo dito?" tanong niya sa cashier.
Pero tila wala atang narinig ang cashier dahil panay titig ito sa kanya. Natawa na lamang si Señorito.
"Miss yung laway mo natulo na." basag katahimikan ko, agad itong nabalik sa
katinuan.
"M-meron po sir yung limited edition ng Montblanc's cufflinks, wait lang po kukunin ko." agad naman itong sumunod at kinuha ang maliit na kahon.
Binuksan niya ito, parang hikaw lang. Gold ito na may blue na diyamante sa gitna.
"Okay I'll take it." wika niya.
Matagal matapos mag punch dami din kasing binili ni señorito. Nang matapos na halos masamid na ako sa sariling laway dahil sa resibong hawak ko.
"Six...hundred fifty...t-thousands?!" hindi ako makapaniwala, tinignan ko din ang mga pinamili namin kanina, iba din ang presyo non. Yung cufflinks ang mahal mahal 400k grabe talaga!
Tinignan ko si Señor na ngayon ay parang wala lang, walang bahid ng paghihinayang.
"Let's go Audris, I'm hungry na." wika niya at tinulungan akong dalhin ang mga pinamili niya.
Buti naman at tumulong.
Bago pa man kami tuluyang makalabas ay may bigla yumakap kay Señorito, isan magandang babae.
"Hey baby, bakit hindi mo sinabing nakauwe ka na pala sa Pilipnas?" wika nito na para bang inipit pa ang boses.
Sino naman kaya to? kunot-noo ring napatingin sa akin si Señorito.