CHAPTER 2

2022 Words
ABIGAIL MOLLY'S POV "Ano ba! How can you be this stupid!" Sigaw niya sa akin. Nasaktan naman ako ng higitin niya ang aking braso. "What do you even know? 'Ni pagpa-plantiya hindi ka marunong? Wala ka bang ibang alam kung hindi maglustay ng pera?" pang-iinsulto pa niya sa akin. "Tama na, nasasaktan ako. Pasensya na hindi ko talaga sinasadya nakalimutan ko kasi yung niluluto ko baka masunog," pagdadahilan ko. Marunong akong magplantya ng damit dahil sinikap kong matuto through online. Lahat ng gawaing bahay ay pinag-aralan ko para lang magampanan ko ang responsibilidad ko. But he can't even see it. "Excuses! Tignan mo ang ginawa mo yung damit ko naman ang nasunog!" Hinagis niya ang damit na pina-plantya ko kanina. Sinipat ko ito at nakita nga ang sunog na parte nito sa may manggas.  Hinigpitan niya pa ang paghawak sa akin kaya mas lalo akong napadaing. Paniguradong bagong pasa nanaman ito. "Alam mong bigay sakin ni Shalene. Ano sinadya mo ba?"  "Hindi, sorry sorry talaga hindi ko sinasadya. Maniwala ka," pilit akong nagmakaawa na bitawan niya ako. "Hindi. Sinadya mo yun. Anong gusto mo? Wasakin lahat ng ala-ala ko sa kanya?" "Hindi, tama na please nasasaktan na ko." Hindi ko na napigilan pang umiyak hindi dahil sa pisikal na sakit kundi ang katotohanang kahit asawa ko na siya ay pinapamukha niya saking mas angat parin si Shalene kahit wala na ito. "Di ba sinabi kong ayaw kong makita kang umiiyak sa harap ko ha?!" "Oo, oo tama na. tama na." Pinilit kong pigilan ang iyak ko ng sinabunutan niya ako para iharap palapit sa kanya. Sa lakas ng pwersa nito ay halos mabali na ang leeg ko sa paghatak. "Pinapainit mo talaga lagi ang ulo ko." Sabay bitaw at tulak sakin dahilan para sumubsob ako sa sahig. Nagkagasgas pa ako. Wala na akong nagawa. Nakita ko siyang bumaba na, ni hindi manlang ako tinignan at dumeretso na sa kanyang sasakyan para umalis. Tumakbo ako paakyat ng kuwarto at doon nagkulong. Nahiga ako ng kama at sinubsob ang mukha sa unan para humagulgol. For almost 5 years na pagsasama namin bilang mag-asawa walang nabago sa pagsasama namin. Mula ng makasal kami tinupad nga niya ang sinabi niya noong kinasal kami. Ginawa niya akong parang isang alipin na sunud-sunuran, walang pag-iingat at ginagawa ang nais niyang gawin. Wala akong nagawa at hindi rin ako tumanggi dahil alam kong masasaktan lang ako lalo. Kung 'yon ang ikasasaya niya gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit pa mawala na ang lahat sa akin. 'Di ko namalayan nakatulugan ko na pala ang aking pag-iyak. Nagising na lamang ako ng marinig ko ang tunog na nagmumula sa isang sasakyan. Mukhang nandito na si Kian. Tinignan ko ang orasan at nagpagtantong alas-syete na pala gabi. Dala marahil ng sobrang p*******t ng aking katawan at pagod ay halos buong araw akong nakatulog. Kaya pala nakaramdam din ako ng gutom. Agad akong nag-ayos at bumaba na ng hagdan pagkatapos. Patay! Nakalimutan kong magluto. Nataranta naman akong nagtungo sa pintuan para salubungin na sana ang aking asawa. Nang akmang babatiin ko na si Kian nang unang mabaling ang aking tingin sa babaeng nasa likod niya. Natigilan ako at labis ang pagkagulat nang muli ko siyang makita. It's been years since her sister died and now she's here with Kian? What is she doing here? "Shalana will be staying here for now." Nabaling ang aking tingin sa aking asawa. Staying here? Hindi ko alam kung tama ba ang aking rinig. "What?" Lutang kong tanong. Nalipat ang aking tingin sa asawa ko. He looked at me seriously. "Kararating niya lang galing ibang bansa and she requested to stay here for a while." Naguguluhan pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya papayag na manatili dito, sa bahay kung saan ako nakatira. What is she doing here? What is she planning?  Shalana is the younger sister of Shalene, my husband ex-girlfriend. I've Shalana for years too since I had her investigated when we we're still in college. Simula nang malaman kong may girlfriend na si Kian noon na si Shalene. Ginawa ko ang lahat para makilala ang babaeng iyon. Being desperate, I look for her faults. Naghanap ako ng mga pwedeng makasira sa kanya but instead of that after witnessing and knowing how true and kind she is, I can't help it but be jealous.  Doon ko din nakilala ang kapatid niyang si Shalana. Kabaliktaran ni Shalene, Shalana is devil in disguise. Sa kabila ng pagiging bata nito ay natuklusan ko kung gaano siya kasamang tao. I thought its normal for her age, but I witness how she bullied someone weaker than her, but no one knows na siya ang may pasimuno non. In short, she's using someone so she can conceal her true nature.  Paano ko nalaman? Aside sa mga nalaman ko sa imbestigasyon ay nag-hire din ako ng tauhan na pwedeng magmanman sa kanila. Wala akong ibang nalaman kay Shalene kundi kung gaano siya kabait na tao, and all the reports goes to Shalana. She's acting innoncence, but the truth is nasa loob talaga ang kanyang kulo. Maraming siyang naging biktima at isa na ako roon. Ngayon na nagbabalik siya, I don't what she is planning. I have a great disadvantage here since nandito ang asawa. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos na lang at basta na lang sumugod dahil alam ko kung gaano katuso si Shalana. Pero hindi naman ako papayag na basta na lang ako maapi. "What's with that look?" Napakurap-kurap ako. 'Ni hindi ko namalayang natulala na pala ako at tumalim ang tingin ng hindi namamalayan. "Maybe she don't want me here? Uhm.. I-I understand if she doesn't want me here. Pwede naman akong maghanap ng ibang matutuluyan. I can understand if I'm not welcome here since I'm the sister of your ex." Nagtagis ang aking bagang nang magsalita si Shalana. Mukha siyang nagpapaawa, but the truth is she's saying that para magmukha akong masama. Tumalim ang tingin sa akin ni Kian. Napaigtad ako at hindi magawang makapagsalita. "It's your fault why her sister died, so whether you like it or not. You have to be nice to her." Natahimik na lang ako at lihim na nagtangis nang lagpasan na nila ako. Sinamahan siya ni Kian sa magiging silid daw nito. Nawalan na rin ako ng ganang kumilos kaya nagtungo na lamang ako sa aking kuwarto at doon nagkulong. Kinabukasan ay maaga akong nagising para gumawa ng agahan. Pababa na ako ng hagdan nang mapansin na maliwanag sa kusina at naririnig ang kalampag na parang may nagluluto roon. Nang isipin si Kian iyon ay dali-dali akong bumaba at nagtungo roon, ngunit imbes na si Kian ay si Shalana ang nakita ko. Agad na nawala ako sa mood. "What are you doing?" Malamig kong tanong. Gulat na humarap sa akin si Shalana. "Oh? Good morning! I woke up early and decided to cook breakfast since wala naman akong ginagawa." Nagawa pa siyang umakto na animo'y walang nangyari. "You can leave that. Ako na ang magluluto," sabi ko lumapit sa kanya. "No, its alright. I can handle this. Sanay naman na akong nagluluto lalo na na mag-isa lang ako sa ibang bansa." Naririnig ko pa lang ang boses niya ay kumukulo na ang dugo ko."Hindi na kailangan, you don't know what he likes and I don't like eating vegetable in the morning," dahilan ko kahit ang totoo ay ayaw ko talaga siya ang magluto.  Wala akong tiwala sa mga feeling rabbit. Rabbit looks innocent and cute, but behind its fur nakatago ang matatalas nitong kuko at ngipin na kaya kang kagatin at manakit kapag hindi ka niya gusto. Napatingin ako sa niluluto niya. It's a different dish, not for a normal breakfast. Hindi ko alam kung anong luto iyon, but puro gulay iyon na ayaw na ayaw ko. Nananadya ba siya?  "Sorry. I didn't know, nasanay na rin kasi akong kumain ng gulay sa umaga. Okay if you don't like I can just throw this." Akmang itatapon na nito ang niluto nang pigilan ko siya. "No just leave it there. Ako na ang bahala, you can just stay wait for me to finish." Hindi ko na siya pinansin pa at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagluluto. Naghanda ako ng tuna para lutuin. Inaasahan kong aalis na siya ngunit nanatili pa rin ito sa loob ng kusina. Hindi ko na lang siya pinansin. Busy ako sa paghahalo ng mga sangkap nang biglang magsalita si Shalana. "Nagbago na pala ang taste ni kuya." Natigilan ako sa ginagawa ngunit hindi ko siya nilingon at hinintay ang kanyang sasabihin. Balak kong hindi siya pansinin. "Akala ko dati paborito ni kuya Kian ang kumain ng gulay sa umaga." Nang hindi makatiis ay tumingin ako sa kanya.  "What do you mean? You're wrong, Kian doesn't want to eat vegetable in the morning. He loves drinking coffee too habang kumakain."  "Really?" Halatang may nais ipahiwatig ang babaeng 'to. "Why?" tanong ko habang patuloy sa pagluluto. "But that's not what I knew." Hindi ako kumibo at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "When they we're still together. He always eat vegetable in the morning, because that's what my sister like. I didn't know that he doesn't really used to it. So maybe he did that because that's how much she love my sister?"   Napatiim-bagang ako at mahigpit na napahawak sa sandok. What is she implying? Pilit kong pinigilan ang pagbugso ng damdamin. Pilit akong ngumiti at pinakitang hindi ako naaapektuhan. "Really? Pero iba na rin naman ang gusto niya. What he likes now is what I always cook so if you please? I'm still not finish cooking." How I want her to vanish now. Ngumiti siya sa akin at nagpaalam. "Sorry nakakaabala ata ako. Sige doon muna ako sa labas." I sighed when she left. I suddenly felt suffocated when I'm with her. Pero kahit umalis na siya ay tumatak pa rin sa aking isipan ang kanyang sinabi.  It's true when we're still friends, he don't usually eat vegetable in the morning. He even told na mas gusto niya ang breakfast talaga na nakasanayan like longganisa na madalas niyang kainin sa umaga, masarap daw kasi iyon kainin sa umaga habang humihigop ng mainit na kape. That's why since then, I always cook food that will match with his coffee. At ngayon, I can't believe that he really did that for her. Is it true? Umiling ako at winaglit lahat ng iniisip. Tinapos ko na ang pagluluto at saka na naghain. Sakto namang gising na rin si Kian at sabay-sabay na rin kaming kumain. Tahimik lang akong kumakain ganon din si Kian ngunit tuwing tinatanong ito ni Shalana ay sumasagot naman siya. "You know kuya, I can't believe that you really hate eating vegetable in the morning." Natigilan ako sa pagnguya sa kanyang sinabi. "Why did you said that?" Kalmadong tanong ni Kian na prang wala lang. "Because I really thought you have the same taste with my sister. Do you remember? She really likes vegetable in the morning with her tea. Kabaliktaran ngayon na kape at hindi gulay ang kinakain mo." paliwanag ni Shalana. Bigla ay nawalan na ako ng ganang kumain. Why is she making it a big deal? Kahit ganoon ay hindi pa rin ako umalis sa aking upuan at nagpatuloy sa pag kain. "Your wife even said that it's your favorite, right Aby?" Napataas ako ng tingin sa kanya nang bigla ako niya akong tawagin. Lumipat ang aking tingin kay Kian na bahagyang sumlayap lang sa akin at baliwalang patuloy na kumakain. Ngumiti ako. "Yeah. He loves eating anything that matches his coffee." Lakas loob kong sabi. I'm just hoping that Kian will not say anything about that. I don't want him to deny that. Napahigpit ang aking hawak sa aking kubryertos nang mag-angat ng tingin si Kian at direktang tumingin sa akin. Inabangan ko ang sasabihin niya. "My wife is right," sabi niya na kinahinga ko ng maluwag. Lihim akong napangiti dahil hindi niya ako sinalungat. "R-really?" Tila hindi inaasahan ni Shalana na sasabihin iyon ni Kian kaya ganiyan ang naging reaksyon niya. Natahimik na siya at hindi na nagawa pang magtanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD