CHAPTER 4

2006 Words
Third POV Abigail woke up in a familiar room. Of course she knew, it's Kian's room, especially when his masculine scent filled the room. Her eyes wandered. "How did I get here?" Nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili. Nagtaka rin siya kung sino nagpalit ng damit niya. Napabangon siya ng dahan-dahan sa pagkakahiga dahil masakit ang katawan idagdag pa na nanghihina siya at walang lakas upang bumangon ngunit pinilit niya. Inalala niya ang mga nangyari.  She was about to finish her cleaning when someone closed the broken door. She slept on a cold floor for hours. Ni hindi nga niya alam kung gaano katagal iyon at kung sino ang naglabas sa kanya doon. But its clear on her mind kung sino ang may gumawa non. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at hinahanap si Shalana.  Naaabutan niya si Shalana sa may swimming pool side. She's in her bikini suit matching with her sunglasses. She looks chilling and relaxing under the heat of sun as if she's enjoying herself. Naglakad siya palapit dito. "Shalana!" tawag niya dito. Bored naman na tumingin sa kanya si Shalana at saglit na binaba ang salamin nito hanggang ilong ngunit binalik din nito at umaktong animo'y hindi siya nakita. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng inis sa inasta ng babae. Nang tuluyan ng makalapit ay gigil niyang hinaltak ang salamin nito na ginagulat nito. "What the - anong problema mo?!" Napaangat ito mula sa pagkakasandal sa lounge. "Why did you have to do that?" mahinahong tanong niya. She want to shout at her and show how fruestrated she is, ngunit nagtimpi siya. "Do what?" maang-maangan pa ito. "Why did you locked me?" "I didn't." "Then kung hindi mo sinarado ang pinto, hindi mo rin dapat ako iniwan doon! You should have help me." Tumayo na sa kanyang pagkakahiga si Shalana at tumapat sa kanya. "Why would I?" Nangunot ang kanyang noo. "What?" Lumapit ang mukha nito sa kanya. "You deserve it," sabi lang nito at tumalikod sa kanya. Doon na napigsi ang kanyang pansenya at walang pagdadalawang isip na hinila ang buhok nito. Kung hindi lang rin siya makakakuha ng matinong sagot then hindi na rin niya kailangang magpigil pa. Sinubukan niyang pakisamahan ito ngunit ito ang nagsimula at talagang sinagad na nito ang pasensiya niya. "Wala akong ginagawang masama sayo pero sumusobra ka na." Her bitchy mode is on. "L-let go!" Hindi nito magawang makaalis sa pagkakasabunot niya. Tili lang ito ng tili at nagrereklamong pakawalan siya. "Tell me, why did you do that?" tanong niya. "Because you shouldn't be here! It's all your fault! Kasalanan mo why Kian is miserable! She should have been happy with my sister, but you killed her!" "I didn't!" mabilis niyang tanggi. "You killed her! Murderer!"  Nagawa nitong makawala sa pagkakasabunot niya kaya nakuha nito ang pagkakataon na iyon para gantihan siya. Nagsabunutan sila at walang nagpatalo. "Hey!" Awat sa kanila ni Kian. Ni hindi man lang nila namalayan na narito na ito. "Stop it!" Pilit ni Kian na pinaghihiwalay sila ngunit walang gustong bumitaw. Ganon na lang ang gulat niya nang makawala siya sa pagkakasabunot ni Shalana dahil sa pagtulak sa kanya ni Kian. She was caught off guard kaya nawalan din siya ng balanse at nahulog sa pool. Nagtama ang kanilang tingin ng mag-asawa at bakas din ang gulat sa mata nito. Akmang lalapit ito sa kanya ay bigla naman itong niyakap ni Shalana kaya tuluyan na siyang nahulog sa pool. Hingal siyang umahon ng tubig. Thanks God that she knew how to swim kaya nagawa niyang umahon kahit malalim.  Muli siyang tumingin sa asawa. Ni hindi man lang siya niligtas ng asawa. Disappointed siyang umalis sa tubig at hindi na nag-abala pang lumapit sa kanila. Dire-diretso siyang nagtungo ng kanyang kuwarto at doon binuhos ang emosyon. Nagising si Abigail sa maingay na tunog ng doorbell. Tinignan niya kung anong oras na at nakita nitong ala-una na ng madaling araw. Nakalimutan pa niyang kumain. Sino naman kaya ang mambubulabog ng ganitong oras?  Tamad siyang bumangon at mabagal na naglakad patungong pintuan upang harapin ang taong kanina pa nambubulabog. Pagkababa ng hagdan ay sinilip niya muna sa peephole kung sino ito. Nang mapagtantong hindi niya ito kilala ay napagpasyahan niyang buksan ang pinto ng bahagya at sumilip para tanungin ang lalaki sa pakay nito. "Hi! I am Danny, cousin of this asshole. I hope you still remember me," bungad nito habang may bitbit na isang lalaki at ito ay walang iba kung hindi ang asawa. Naalala na nga niya ito. Ito yung lalaking binabanggit ni Kian na isa pa niyang bestfriend na nasa ibang bansa at doon na nanirahan noong nagaaral pa ito sa states. Nakilala niya lamang ito noong kasal nila ni Kian kasama ang asawa nito. "Oo naalala kita. Ikaw daw yung bestfriend ni Kian." "Yeah. Pero pwede mo na ba akong papasukin ng mailapag na ang walang hiya mong asawa. Lakas ng loob mag-aya ng inuman hindi naman pala kaya." "Hoy! Narinig ko yun ah!" Biglang singit ng lasing na asawa. Mukhang naparami nga ang inom nito. "Sige tuloy ka na tulungan na kita na ipasok siya." Lumapit siya sa kanila at inakbay ang isang braso sa balikat niya bilang suporta sa bigat nito. "Hoy! Sino ka ba!? Bat mo ko hi-hinahawakan?" Tanong nito sa kanya at inangat ang ulo na tila tinitignan at inaninag ang mukha niya. "Dude, that's your wife." "A-asawa ko? Wala dito asawa ko. Dun sa bahay na-namin." "Nandito na nga tayo. Matulog ka na nga lang at magpahinga 'wag ka na lang magsalita," saway ng pinsan nito kay Kian. "Pero di pa nga ko lashing!! D-di pa ko a-antok!!" Kakawala pa sana ito sa pagkakahawak nila sa kanya ngunit sinaway na ito ng pinsan at binuksan na ang pinto pagkarating sa kuwarto nito. Pagkabukas ay hinihiga na nila ito at ayun bagsak din ang kinalabasan. "Tsk. Tsk. Iba talaga paglasing. O pano di na rin ako magtatagal 'lam mo naman si misis magagalit pag pinaghihintay." Ngumiti naman siya at tumango. "O sige. Salamat nga pala sa paghatid sa kanya buti na lang nandyan ka." "Ayos lang. Tinawagan din kasi ako eh. Sige una na ko." Paalam nito sa kanya at naglakad na papunta pinto para umalis kaya bumaling siya sa asawa para iayos na ito. "Abigail" Napitlag siya ng tumawag sa kanya ang akalang nakaalis na ang pinsan nito ay nasa may tapat pa pala ng pinto at tila may nais pang sabihin. "Nandito ka pa pala. Ano yun?" "Intindihin mo muna siya. He's just confuse. Wait for him. Yun lang sige alis na ko." Binuksan na nito ang pinto at tuluyan ng umalis. Intindihin at hintayin? Matagal na. Antagal na niyang ginagawa iyon at patuloy pa siyang nagtatanga-tangahan. Pero confused? saan naman siya naguguluhan? sabi niya sa kanyang isip. She sighed. Inalis na lamang niya ito sa isipan at lumapit sa asawa. Umupo siya sa gilid ng kama at pinakatitigan ito. Nais niya sana itong hawakan ngunit natatakot pa rin siya na magising ito kaya tinitigan na lamang. Wala pa rin palang nagbabago gwapo pa rin at nagmature ang itsura ngunit nakadagdag naman ito ng kakisigan. Abigail "Ano bang meron sayo at nahihirapan akong iwanan ka sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot mo sa akin. Sa mahigit ilang taon nating pagsasama walang naging mabuti ang dulot? Ang pagmamahal ko nga ba sayo ang dahilan o may iba pa? Hanggang ngayon kasi umaasa ako na magbabago pa. Magbago ang relasyon natin. Sana dumating ang araw na mahalin mo rin ako. Pagmamahal na mas mararapat at higit pa sa naging pagmamahal mo kay Shalene. Alam mo bang inggit ako sa kanya? Inggit na inggit na ni katiting na nga lang na oras ipinagkakait mo pa." Pinahid ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi. "Ako na nariyan na sa tabi mo noon bago mo pa makilala si Shalene. Ako na bestfriend mo na kinalimutan dahil sa maling pagibig ko sayo na hindi ko rin naman hangad mangyari. Kusa ko lang naman to naramdaman eh. Ang hirap kasi, siya na naging girlfriend mo ng panandalian nagawa mong pa ring piliin kahit asawa na kita. Mahal kita eh. I love you very much kaya masakit para sa akin ang iwanan ka dahil hindi ko kaya. Nagawa ko ngang magtiis sa lahat ng sakit na dinanas ko na kulang na lang iaalay ko ang buhay at kaluluwa ko sayo mahalin mo lang ako. Wala na nga ba talaga? Ni bestfriend nga kinalimutan mo na. Kung saktan mo ko na parang we never met. Sana tatandaan mo na kahit anong mangyari mahal na mahal kita." Umungol lamang ito at tumalikod sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol kaya bago pa magising si Kian na kahit alam ko namang lasing ay iniwan ko na ito at pumunta sa aking kwarto. Doon ko nilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hihintayin ko na lang. Hinihintay ko na lang dumating ang sign para itigil na ang kahibangan na ito. Tumayo na ako para bumalik sa kwarto ni Kian. Hindi ko naman maatim na matulog na lamang ito na ganon ang ayos baka hindi ito makatulog ng maayos. Pagkatapos palitan ito ng damit at linisan salamat sa diyos walang iabng nangyari. Pumunta ako ng kusina upang kumain ngayon ko lang naramdaman ang gutom halos isang araw na rin pala iyon at ngayon grabeng panghihina na ito buti nakaya ko pang kumilos. Kumuha na lang akong ng delata na ready to eat na at kumain buti na lang may tirang kanin kaya yun ang kinain ko. Nanginginig akong kumain. Binilisan ko na lang para matapos na ako at makatulog na rin. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang magsaing ng kanin at magluto ng uulamin ni Kian. Naghanda ako ng scrambled egg, hotdog, bacon and ham. Ni ready ko na rin ang tinapay since di ito kumakain ng kanin sa umaga kabaliktaran ko. Kaya nga mamaya na ko kakain dahil alam ko namang ayaw niya akong makasalo. Nagtimpla pa ko ng tea para sa hangover niya panigurado na yun sa dinami ba naman ng inom. Mainam ito para sa kanya. Sakto naman na bumaba na ito at sapo sapo ang ulo. Nakaboxer short lang ito at white sando kaya kitang kita ang matitipuno nitong braso at bakat pa ang abs nito dahil fitted ang sando. Agad akong umiwas ng tingin ng mag-angat siya ng tingin. Yumuko ako at umalis na baka magalit pa siya na nandoon ako at nakikita niya. Hindi naman niya ako pinansin at tumungo na sa upuan upang kumain. Umakyat ako sa aking kwarto at naligo. Pagkatapos kong maligo habang nagpupunas na ako ng aking buhok biglang tumunog ang aking cellphone. Lumapit ako sa side table kung saan ito nakalagay pagkatingin ko sa tumatawag ay kumunoy ang aking noo. It's unknown number. Sinagot ko ito. "Hello?" "Yiiiieehh!! Abigail" sabi sa kabilang linya. "Yes? Who's this?" "Oh my gosh! Grabe ka! Kinasal ka lang kinalimutan mo na ko?" Nagtatampong sabi nito. "Freya? Is that you?" "Tumpak ka dyan. Namiss kita bff ko." "Namiss din kita. musta ka na? nakabalik ka na ba dito?" "I am very okay and I just got home. How 'bout you?" "I'm fine. But how did you get my number?" "I have my source my dear, I even know where you live." "That's creepy." "That's how much I love you, so how about we meet?" "Okay, I'll talk to my husband." "You sure have a lot to tell." "Yeah. Ikaw din." "Okay just update me if you're free." "Okay. Bye best." "bye" Binaba na nito ang tawag. Napangiti ako. Namiss ko ang bestfriend ko. Remember Freya? My girl bestfriend. After the wedding we didn't see each other umalis din kasi siya patungong ibang bansa para pagtuunan ang problema sa business nila at ngayon nakabalik na siya. I can't believe she still remember me. I don't know how she got my number but all I want is to meet her. She should really be here, dahil marami akong ikwekwento sa kanya and of course, I'll have someone to talk to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD