Chapter 10

3766 Words
"CL... my baby." I can feel her touch. Soft, warm and tender. My mother's touch is heaven... "mommy...." "Are you okay now?" Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. My mom bares all the pain everytime I am sick and in the hospital. If there's one person I don't wanna see getting hurt. It's my mom. "Feeling better mommy..." I smiled at her and she hold my hand tight. "My baby...." I saw her brimming with tears. Alam ko my mom is hurt seeing me again like this. Kaya pati ako hindi ko mapigilan tumulo ang aking mga luha. We both silently cried. Without words only our sobs. Alam naman namin ang nangyayari. It's here again. Alam namin na darating ang araw na ito. "ssshhh... We are here for you always. We will do anything for you, okay? Mommy, daddy and your brothers are all here for you. Don't be scared." My mom's words calm me. She always gives me hope to fight and live. My family. Sila lang ang kailangan ko. "You go back to sleep. Gisingin kita mamaya pagkakain kana." "Thanks mom." I kissed her. "You're always welcome." She tucked the blanket tightly and slowly walked out the room. I am here in one of our rest house in Tagaytay. My parents brought me here the moment I came back from Iran with Luca. I took my leave of absence from the hospital. But still they don't have any idea about my condition. It was my dad who pull out some strings to make it possible. Sino ba naman kasing hospital ang papayag na ang kanilang Resident Doctor na bago pa lang absent na ng absent. Kumusta kaya si Luca? After what happened in Iran we immediately flight back home the next day. Early in the morning. Halos hindi ko nga nalaman. Alam ko galit pa ang isang 'yon sa akin. Hindi niya lang mailabas. Kumusta kaya sina Bonah? Pinarusahan ba sila ni Luca? Kumusta rin kaya yung nakita ko na babae na kamukha ko? Maybe I asked some help from someone I knew to investigate about that woman. Hindi na siya nawala sa isip ko. We have the same feature. She was a split image of me. Bigla lang itong nawala sa harapan ko. Ang daming tanong sa aking isipan at hindi ko alam saan ko kukunin ang mga sagot. I tried to go back to sleep but I can't do it. Naglalakbay ang aking isip sa huling mga nangyari sa amin sa Iran. *** Nawala bigla sa aking paningin ang babae na kamukha ko. I tried to find her. To look for her traces. I even followed the one looks like her trail. Halos lahat ng nakakasalubong ko tinitingnan ko. Bigla kung nakita ang kaniyang damit. Sinundan ko ito. Hindi ko na alam saan ako napadpad. I want to to see her face sa malapitan. I want to talk to her. Mabilis akong naglakad at lahat ng nakakasalubong ko tinitingnan ko. Halos makabangga na rin ako. Hindi ko pa rin siya naabutan. Naiwala ko siya. Napakabilis niya. Hindi ko alam kung ilang oras ako naglakad at takbo para lang maabutan ang babaeng kamukha ko. Hanggang sa mapagod ako at hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na rin matandaan ang mga dinaanan ko. Hindi na ako familiar sa lugar kung saan ako ngayon. Bigla akong kinabahan. Siguradong hinahanap na ako ni Luca kina Bonah. Mapapahamak ko pa sila. Binilisan ko ang aking bawat hakbang. Hindi na ako nagtingin tingan at pinilit na inaalala kung ito ba ang nadaanan ko kanina. Bahala na. Siguro naman hinahanap na ako at makikita nila ako. Hindi nga ako nagkamali dahil sa pagliko sa isang kanto may biglang humarang sa akin. Isa sa mga tauhan ni Luca. Nakilala ko ito dahil kasama niya kanina. Ito pa nga ata pinaka head sa mga tauhan niya. "Sorry madam. The Boss is mad. You need to go back." Hindi ito deretsahang nakatingin sa akin. I know they are not allowed to look directly at me. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Ayaw ko rin naman silang mapahamak ng dahil lang sa kagagawan ko. Hindi pa naman ako ganoon kasama. Sumunod ako sa kanila. Sumakay kami sa isang itim na van at ilang minuto lang papasok na kami sa isang napakalaking gate. Sa likod kasi ako pinadaan ng pumuslit ako kaya hindi ko tuloy nakita ang kagandahan ng lugar. The moment I stepped out of the car. I was greeted with those two grey piercing eyes looking directly at me. Kitang kita ko sa mukha niya ang galit na pinipigilan niya. Aaminin ko kinabahan ako. Luca is totally different here. Parang hindi ko siya kilala. Dahan dahan akong lumabas at naglakad papalapit sa kaniya. Huminto ako sa harapan niya and I stared back at him without blinking. Kung gaano katalim ang kaniyang mata ganoon din ang sinukli ko sa kaniya. Wala siyang nagawa. Siya rin ang unang sumuko. His facial expression becomes soft. He even creases his eyebrows and eventually look up and close his eyes. He heaved a deep sigh. I can't believe I am enjoying every expression he showed in front of me. "Caily Lane..." Mahina ngunit may diin ang paraan niya ng pagbigkas sa aking pangalan. Alam ko sobra ang pagpipigil niya na magalit. "I'm tired..." I said and pouted at him. Kahit gusto kung magtaray sa kaniya, iba ang lumbas sa aking bibig. I'm tired. Really. Kaya tumahimik na lang ako. May kasalanan din naman ako sa kaniya. Naramdaman ko na lang na yakap na niya ako ng mahigpit. Ginantihan ko siya ng yakap. "I'm sorry..." I whispered to him. He hold my head. He kissed me in my forehead before I rested it on his chest. "You made me f*****g worry to much. Don't do it again. I'll go insane." The last thing he said before I went to my room I'm inside the room. After I took a shower I tried to sleep but I can't. Naiisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Luca was not with me. Kanina lang narinig ko na naman siyang may kausap at galit na galit na naman ito. Pilit kung ipinikit ang aking mga mata and tried to sleep. Para naman makalimutan ko ang mga nangyari kanina at mawala sa isip ko yung babae. Siguro kamukha ko lang. Alam ko naman na hindi maiiwasan na may mga maging kamukha tayo. Tama nagkataon lang na magkamukha kami. I'm about to close my eyes and doze off to sleep when I heard the door open. Mga mahinang yabag ang naririnig ko. Binalot ng amoy niya ang buong kwarto. I know it's Luca. Amoy pa pa lang alam na alam ko na. He went to the bathroom and I heard the sound of the water coming from the shower. I didn't open my eyes. Nakiramdam lang ako sa mga kilos niya. He went to the closet and change clothes. Naramdaman ko na katabi ko na siya ng lumubog ang kama. "Caily... I know still awake. Keep pretending baby..mmmh?" Hindi pa rin ako nagmulat ng mata. Ayaw kung kumibo. Ayaw kung makipag-usap sa kaniya. Naramdaman ko na lang ang kaniyang mga braso na yumakap sa akin. At hindi nagtagal kinabig niya ako payakap sa kaniya. Now, my head is already on his chest and his both arms enveloping my small waist. "Are you mad at me, mmh? We will go back home tomorrow. Sleep now." Just like that. Hearing his voice is like a sweet lullaby. I drifted to sleep right away. When I woke up the next day surrounding was not familiar to me anymore. I tried to get up but an arm pulled me back to the bed. "It's still early baby. Go back to sleep." I looked on my right side. There I saw Luca. Eyes closed and his half naked body is covered with blanket. I know we are not in a room anymore. There are some visible turbulence sometimes. We are inside a plane. Hindi ko na naman nalaman na umalis kami sa Iran. "Bakit hindi mo ako ginising bago tayo umalis?" Naiinis kung tanong sa kaniya. "I don't have to. I can carry you from my house to the car and here inside my plane. You sleep like a baby." Inaantok niya pa ring sagot sa akin. Hindi manlang ito nagmulat ng mata. Gusto ko sana itanong sa kaniya kung kumusta si Bonah. Hindi kaya niya pinagalitan? "Luca..." "mmmmh..." "mmmmh.. Kumusta sina Bonah? Hindi mo ba sila pinagalitan? Wala silang kasalanan. Ako nagpumilit na lumabas. Huwag mo silang sasaktan please." Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Hindi siguro niya narinig. Kaya kinalabit ko siya hanggang sa marinig niya ako. "I did hear you... They need to face the consequences. It was a betrayal in my part. They were one of my most trusted people. I won't go easy on that. Specially you were involved of what happened. You sleep. Ihahatid kita sa inyo pagkadating ng Pinas." Nagising ako na medyo okay na ang aking pakiramdam. Nakatulugan ko ang pagbabaliktanaw sa mga nangyari. Nakalimutan ko na ngang magdinner manlang last night. But I feel much better now. Siguro papasok na lang ako. Ilang days na akong absent. Kaya ko naman na. Kahapon nanghihina pa ako pero ngayon okay na ako. Sobrang maaga pa naman kaya ko pang bumiyahe. I check my fon at my misscall galing kay Luca. Yun lang at wala naman siyang mensahe. Hinayaan ko na lang. I won't call back. Not now. Ayaw ko muna ng stress. Naalala ko tuloy ang bestfriend ko. Kumusta kaya si KC. I think need ko ng pumasok. Para makita ko rin ang best friend ko. Sobrang tahimik sa baba at walang tao. Nasaan na kaya sila. I went to the kitchen. May small note akong nakita sa may table. Caily anak, Namalengke lang ako. Kumain ka. Pinagluto kita ng paborito mung ulam. Umalis ang mama mo may asikasuhin. Love, Yaya Mila Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sweet naman ng yaya ko. It was may fave breakfast. Egg omelette and corn beef with lots of patoto. Ginanahan ako na kumain kaya naubos ko lahat ng niluto ni Yaya. It's Sunday pala today. I can go home early. I went to the head Surgery Department. Nag-inform lang naman ako na balik duty na ako. "Good that your back Dr. Riva. I hope you are okay now." Sabi ng head namin. Mabait naman ito at palangiti. "I'm very much okay Doctor. Sorry for my absences. Babawi na lang ako sa duty." "No worries. Importante rin ang kalusugan nating mga doctor. Sinabihan naman ako ng parents mo. I know your parents personally." "Oh, so you know the real reason?" Tumango ito sa akin at ngumiti. "Thanks Doctor!" Umalis na ako at nagsimula na akong magrounds at tiningnan ang mga patient. Hindi muna ako mag-aassist sa OR. Sa mga ward patients muna ako para hindi ako mabinat. Pagkalabas ko ng elevator at liliko na ako papuntang Surgery Ward ng mahagip ng mata ko ang aking best friend. Si KC. "Loves!" Sigaw ko sa kaniya para marinig niya ako. Pasakay kasi ito ng elevator. Kinawayan ko ito at lumapit ako. "Hi loves!" Ganting bati nito. "Out tayo ng three, Sunday naman diba? Mall tayo sige na." Nilambingan ko ang boses ko para pumayag ito. Alam ko kahinaan niya pag ako ang naglalambing. "Oo na, ikaw naman ang nasusunod." Mataray nitong sabi at inirapan pa ako. Natawa na lang ako at tinulak ko na ito papasakay ng elevator at ako naman ay nagtungo sa ward. After our duty we went to Trinoma. Ikot-ikot lang naman kami at naghahanap ako kung saan pwede kaming kumain. Gusto ko yung masarap na pagkain. I don't mind the price. Basta I want something that will please my palate. Habang naghahanap ng makakainan bigla naman ng ring ang aking fon. When I look at it. The caller was Luca. Since namimiss ko na siya, sinagot ko ang kaniyang tawag. "Yes?" Mataray kung sagot sa kaniya "Baby..." Nakoo idadaan na naman ako sa nakaka horny na boses. Baby ng baby... "What?" "Where are you? Are you mad?" "Busy ako. Kasama ko si KC. Call you later." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at binabaan ko na ito ng telepono. Naiinis ako sa kaniya. Sakto lang pagka baba ko ng fon narinig ko sa Kc na magsalita. "Loves, doon tayo kain. Walang masyadong tao at mukhang masarap." Suhestiyon nito. Tumango ako since napapagod na rin akong mag-ikot. Pumasok kami sa nasabing restaurant. "Hi ma'am table for two?" Tanong ng manager sa amin. Nakita ko ang nameplate niya na may manager na nakalagay. Tumango kami ni KC. The manager assisted us to our table. Napansin ko naman si KC na biglang namutla. "Loves, okay ka lang?" Hindi ko maiwasan na tanungin ito. Ngumiti naman ito kaya nag - order na kami ng pagkain namin. Habang naghihintay kami ng pagkain namin pilit kung kinakausap si KC ngunit pansin ko na wala sa akin ang attention niya. May tinitingnan ito sa kabilang mesa kaya sinundan ko ang kaniyang tinitingnan. There I saw Dr. Smith and family kasama rin nila ang family ng mga Santibañez. "Kaya pala, parang kanina kapa wala sa sarili. Kinakausap kita hindi ka nakikinig. Lutang ka lang." Nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Parang maiiyak na ito. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Pagkatapos hinawakan ko ang kaniyang mukha. Ngumuso ito na parang bata. Alam ko pinipigilan niya ang kaniyang sarili na maiyak. "It's okay Love, baka may meeting lang sila. All of them are Doctors at balita ko close ang family nila. Cheer up!" Sakto naman na dumating na ang pagkain naman. Their food was good. Pero si KC halos kunti lang ang kinain. Halos hindi nito galawin ang pagkain at panay tingin sa fon. Bigla na lang itong lumuha. Kaya naman ako ay nataranta. "Hey, loves. Why are you crying?" "Loves, let's get out. Nasusufocate ako." Dalidali ko naman sinunod ang kaniyang sinabi. Mabuti na lang halos tapos na rin kaming kumain. Ako lang pala kasi halos hindi niya nagalaw ang kaniyang pagkain. Tumayo kami at lalabas na sana at lalagpasan namin ang kanilang table ng tawagin ako ni Dra. Santibanez. "Oh! Hi there Dr. Riva and Dr. Montero. Dito rin pala kayo." Wala akong nagawa kung hindi ang huminto pero hindi ko maiwasan ang tumaas ang aking kilay. Kahit naiinis ako binati ko na lang sila. "Oh, Hi Dra. Santibañez and family. As well as Dr. Smith and family." Tipid akong ngumiti sa kanila. Tiningnan ko ng matalim si Allen. "Aalis na po kami. Kumain lang kasi kami. Sige po enjoy kayo." Inakay ko na si Cassie palabas. Hindi naman ito nagsalita. "Let's go home. Ihahatid kita." Hindi naman ito tumutol. "Sa bahay mo ako ihatid." Hinatid ko ito. Tahimik lang ang ami g biyahe. Nakita ko na nagriring ang kaniyang fon. May tumatawag. Hindi nito pinapansin. "If you don't want to answer him. It's okay loves. Don't force yourself. Nasasaktan ka. Hayaan mi munang mawala ang sakit na nararamdaman mo bago mo siya kausapin." Buti na lang nakarating na kami sa kanilang bahay. Gusto ko sana siyang samahan kaso bigla rin sumama ang aking pakiramdam. Kaya nagpaalam na lang din ako. "Enjoy bondimg with Tita, okay? If you want to talk to me, don't hesitate to call me loves. Don't cry anymore. He doesn't deserve it." I hugged her at nagpaalam ako. I was inside my car at nakatitig lang sa kawalan. Hindi ko alam saan ako pupunta. Ayaw ko pang umuwi sa rest house. I heard my fon ringing. Nakita ko si Luca sa screen. Siya na naman. Ayaw ko siyang kausapin. Gusto kung mapag-isa ngayon. Pinaandar ko na ang aking sasakyan. Nagdrive lang ako ng walang distinasyon hanggang sa mapansin ko ang daan na aking tinatahak. Papunta ako sa isang lugar na matagal ko ng hindi nadadalaw. Ang Estero Paco de Manila. Kina tatay Mario. Kumusta na kaya siya? Sila Bravo at ang mga bata. Dito na naman ako sa lugar kung saan ramdam mo ang kahirapan. Poverty. It is a word loaded with preconceived notions, common misperceptions, and seemingly innocuous assumptions. Kahit gabi na ang ingay pa rin ng lugar. Mga nag-iinuman. Akala mo masaya lang. Walang problema. May iba naman na naghahanap buhay pa rin kahit hating gabi na. They are work hard inorder to survive. Desperation- inducing. Makakagawa ka ng masama para mabuhay. Hope crushing. Na kahit anong pilit mung maniwala na makakaahon ka sa lugmok ng kahirapan minsan wala pa rin. May hihila pa rin sayo pababa. Hanggang sa diyan ka na lang. It feels claustrophobic, as if there is no way out. Parang sina tatay Mario. Tumanda na at si Nanay Mercy namatay na lang. Mahirap pa rin. I'm in dilemma. As to either I would be thankful that I was adopted into a rich family but soon will die because of my disease. Or wishing that I remain in the Orphanage striving to live but in healthy state. Sabi nga. Simple pero happy. These are the thoughts that consumed me in times of my desperation. I am desperate to survive. Walang silbi ang yaman mo kung mamatay ka naman agad. Nakarating ako sa pakay ko. Same pa rin dati sa may kanto ako nag park. May mga napatingin sa aking sasakyan. Wala akong makita na mga bata sa daan. Hindi tulad dati na huling punta ko, marami kaagad ang sumalubong sa akin. I made sure na nakalock ang sasakyan. Tinahak ko ang makipot na daan papunta sa bahay ni Tatay Mario. Wala akong dalang mga pagkain. Biglaan kasi. Wala sa plano. Magbibigay na lang siguro ako ng pera para sa kanila. Lahat ng nadadaanan ko napapatingin sa akin. May isang sumigaw. Hindi ko kilala. Pero namumukhaan ko siya. Nakalimutan ko lang ang kaniyang pangalan. "Oy si ganda pala yan. Napadalaw ah. Gabing gabi na. Wala na sila ganda!" Sigaw niya sa akin. Bigla akong natigil sa paghakbang. Nakaramdam ako ng panlalamig at binalot ako ng kaba. Gusto kung magtanong sa lalaki. Gusto kung malaman kung ano ang ibig niyang sabihin. Ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig. Hanggang sa nakaramdam ako na may humawak sa aking mga braso. "What are you doing here?" Napapikit ako at hindi ako lumingon. Alam ko kung sino. Boses pa lang niya. Sinundan ba niya ako rito? Lilingunin ko na sana siya ng biglang may nagsalita na matanda, biglan na lang sumulpot sa harapan ko. "Ineng. Sina Mario ba ang sadya mo?" Nakatingin siya sa akin at puno ng kuryosedad ang mukha. Hindi ako nagsalita at tumango lang sa kaniya. "Nako! Nahuli kana. Wala na sila." "Ano po ibig niyung sabihin, nay?" Nagtatakang tanong ko rito. " Wala na sila as in patay na silang lahat. Kasama silang natupok ng apoy noong nakaraang linggo. Gabi kasi nangyari ang trahedya na'yon. Pinapaalis na kasi sila sa bahay na 'yon kaso ayaw nila. Siguro sinadya ng may-ari na sunugin. Ayon, walang natira." Naitulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko magawang magsalita. Masakit ang aking dibdib. Iyon ang nararamdaman ko. Bigla rin namasa ang aking mga mata. Pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya sa aking braso. "Let me go." May diin na utos ko sa kaniya. "No." "Nakakaawa nga eh. Lahat kami nagulat. Si Bravo buhay siya. Dumating siya ng umaga. Ngunit huli na ang lahat. Wala na siyang nadatnan. Hindi rin namin alam saan na ang batang 'yon ngayon. Bigla rin naglaho." Nakatitig lang ako sa matanda na nagkekwento. "Salamat po sa impormasyon." "Sayang Ineng. Kung nauna ka sana. Hindi sana sila namatay sa sunog. Parati ka pa naman no'n nila pinagyayabang. Kaya nga ang mga tao rito hindi sila ginagalaw kasi alam nila nandiyan ka. Takot lang nila." Nang marinig ko ang sinabi ng matanda, saka nag-unahan na tumulo ang aking mga luha. Nahuli ako ng dating. Nangako pa naman ako sa kanila na poprotektahan ko sila. Yung mga bata. Sumisikip ang dibdib ko habang iniisip ko ang mga bata. Ano kaya nararamdaman nila ng gabing 'yon habang kinakain sila ng apoy. Umiyak ba sila. Si tatay Mario. Kawawa naman si tatay. Napahagulhol ako habang nawawalan ng lakas. Good thing hawak niya ako. Kung hindi baka bumagsak ako. "Baby..." Mahinang boses niya ang aking narinig habang niyayakap ako ng mahigpit para mapigilan akong bumagsak. Gusto kung makita ang bahay. Kung totoo ba ang nangyari. Pilit ako kumawala sa higpit ng pagkakayakap sa akin ni Luca. Ngunit hindi niya ako hinayaan na makawala. "Let me go, Luca!" Galit kung utos sa kaniya. "No, you need to leave this place now." Utos nito na hindi ko pinakinggan. Nagpumilit pa rin ako na kumawala. Hanggang hindi na ako nakatiis. Kinagat ko ang kaniyang mga kamay kaya nakawala ako. Tumakbo ako at tinahak ko ang daan patungo sa lumang bahay. Wala akong pakialam sa mga nababangga ko. Alam ko hinahabol ako ni Luca. Halos kapusin ako ng aking paghinga ng makarating ako sa lugar kung saan nakatayo ang lumang bahay na ngayon at malinis na. May barekada na nakalagay. May mga nakatambak na yero. Makikita mo pa rin ang abo sa lupa tanda nga na may naganap na sunog sa lugar. Napaiyak na naman ako sa aking nakita. Ang lugar na kung saan puno ng masayang ala-ala. Kasama ang mga simpleng tao na aking nakilala. Ngunit ngayon ay naglaho na. I heard Luca's breathing. He breathe's heavily. Nasundan niya pa rin ako. "Caily Lane. Let's go. Wala ka ng magagawa. Leave this place." "Sino ka para sabihan ako ng gagawin?! Kilala mo ba kung sino ang iniiyakan ko?" "Tell me!" "Wala kang alam. Kaya ikaw ang umalis dahil hindi kita kailangan dito." Hilam ng luha ang aking mga mata. Habang nakatingin sa kaniya. Kita ko ang kakaibang emosyon na bumabalot sa kaniyang mga mata. Takot, pait at pagsisisi. Hindi ko alam bakit 'yon ang nakikita ko. Hindi siya nagsalita. Hindi siya umalis. Nakatingin lang siya sa akin. Habang ako ay patuloy na tumatangis para sa mga taong mahalaga sa akin na ngayon ay wala na. Hindi niya ako maiintindihan kasi hindi niya kilala ang mga taong kasamang natupok sa apoy. Mga importanteng tao sa akin. Naging kapamilya ko na. Mga nagbigay saya sa buhay ko. Kapag nalulungkot ako at tinatakasan ko ang mundo ng mga mayayaman. Dito sa lugar na ito ako napapadpad. Mga halakhak nila ang nagbibigay sa akin ng lakas at rason para lumaban sa buhay. Simple mga tao na ang gusto lang ay mabuhay kahit lugmok na lugmok sa kahirapan. Sila pa ang unang namatay. Napaka unfair talaga ng mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD