Chapter 13

2874 Words
Hindi ko alam ilang minuto na kaming nagtitigan ni Luca. Hindi na kasi siya nagsalita pagkatapos ng sinabi ko. Hindi na rin ako nagsalita. Panira talaga. Hindi pa nga ako nakakainum ng bongga. Ito at sinira na ang aking gabi. Nang makabawi siya sa kaniyang pagkabigla ay hinila niya ako sa kung saang tagong parte ng lugar. Isa itong nakatagong daanan. Sa dulo palabas ng isang parang parking area. May walong magagarang sasakyan. Hila hila pa rin niya ako. Hindi na ako nakipag argue dahil masakit na ang aking kamay. Nasa tapat na kami ng kaniyang sasakyan ng tingnan niya ako. Sinimangutan ko lang siya. Haist kainis! Kahit galit ako. Bakit ang gwapo pa rin niya sa aking paningin. He is dangerously handsome. "Get inside my car." Yung isang utos niya lang ay napapasunod na ako. Ewan ko ba. Ano pinakain sa akin ni Luca at gano'n na la v ako mapasunod sa bawat sinasabi niya. Pagod na rin akong makipagtalo. Habang nasa loob ng sasakyan bigla kung naalala si KC. s**t! Iniwan ko ito. Nasa kaniyang ang maliit ko na bag. Patay ako kay Steven. I need to call him. Nakapasok na rin si Luca sa may driver seat. "mmmmh, can I borrow your fon? May tatawagan lang ako. Iniwan ko kasi si KC." Pakiusap ko sa kaniya. Tiningnan lang ako nito. "No need. Allen was there. She is safe." "At bakit ako magtitiwala kay Doc Allen? Kung ayaw mo magpahiram ng fon, please lang. Ibalik mo ako sa loob." Wala itong nagawa at ibinigay sa akin ang fon niya. Isang number lang naman ang memorize ko. Yun ang number ni Steven. Dahil kahit saan man ako basta naaalala ko ang number niya. Magiging safe ako. Steven: [Hello? Who's this?] Me: [Steve. It's me CL. Pwede mong sunduin si KC sa bar now? Itext ko sayo ang name and location.] Steven: [What the hell Caily Lane? Nasaan ka? Bakit hindi mo siya kasama?] Me: [I'm sorry. May emergency lang. Naiwan ko ang bag ko sa kaniya. Kindly get it also. Kunin ko na lang sayo.] Steven: [Are you even okay?] Hindi muna ako nakasagot. This is what I love my guy bestfriend. Kagit galit na, nawawala at napapalitan ng pag-aalala niya sa akin. Me: [Yah, I'm good. Don't worry about me okay? Thank you Steve... drive safely.] Ibinaba ko ang tawag at ibinigay ko balik kay Luca ang kaniyang fon. Tahimik lang ako. Ayaw kung makipagtalo. Tahimik na rin siya. Pero kita ko pa rin ang galit niya. Sobrang higpit kasi ang hawak niya sa manila at napaka seryoso niya. Ipinikit ko ang aking mata dahil nakaramdam ako ng pagka hilo. Isang baso pa lang naman ang nainum ko. "I've missed you..." Bigla akong nagmulat pagkarinig ko ng kaniyang sinabi. Mahina lang ito. Parang bulong lang. Kulang na lang ayaw niyang iparinig sa akin. "Those weeks that I haven't see you, talk to you and worst I don't even know how are you... It was killing me..." May pait ang bawat katagang nalabas sa bibig niya. Mukhang seryoso siya ngayon ah. Maniwala na ba ako? "I'm sorry about everything. For not telling you where I am. About Allen and KC's case. I'm planning to tell you. If only I was given a chance. Kaso I was so busy. Ang daming ginagawa. Pati kay Aj, kay Kai. All my friends needs me. Pag hindi naman ako busy, hindi mo sinasagot ang tawag ko. That was only my chance. I am so busy about our business too. I even went to the US for an operation. Kaya halos wala akong time sa iba pang hindi importanteng bagay." Wala akong masabi. Gusto ko lang makinig sa lahat ng sasabihin niya. Natuwa naman ako at nagpapaliwanag siya. Kaso sa sinabi niya na wala siyang time sa iba na mga hindi importanteng bagay. Para akong sinampal sa katutuhanan na I'm just an option. Pag wala na siyang ginagawa saka lang niya ako maalala. Kasi no choice siya. Wala na siyang gagawin eh. Naalala kaya niya ako sa kalagitnaan ng pagiging busy niya? Gusto ko sanang itanong kaso, natatakot ako sa magiging sagot niya. Kasi kung importante ako sa kaniya. Ako una niyang pupuntahan agad agad. Nasa hospital lang naman ako. I'm sure alam niya. Kasama nga niya ang kaniyang mga kaibigan. Ano ka ba CL? Mga friends niya 'yon. Nauna niyang nakilala kaysa sayo. And that's the sad thing. Ang drama mo. Bakit ba ako ganito. Dati naman wala akong pakialam. Siguro, I love him already. Ngayon lang ako nagka ganito. It this even worthy to take a risk? Kahit sa huling nalalabing pagkakataon. Maranasan ko manlang paano ang magmahal. Paano kung ako lang ang nagmamahal? Itutuloy ko pa ba? I'm about to say something ng magring ang kaniyang fon. After ko kasing hiramin kanina parang nag low bat kaya nakita ko na nakacharge na. Naka connect na rin ito sa monitor. Kaya kita ko kung sino ang tumatawag. Habibi calling.... Napako ang aking mata sa screen. Pilit kung iniisip ang kahulugan ng salitang 'yon. It sounds like an Arabic word. Napatingin si Luca sa akin. Mukhang nagulat siya. Hindi pa niya sinasagot ang tumatawag hanggang sa nagstop ito. Ilang sandali lang tumatawag na naman ang caller. "It must be important. Answer it, Luca." Wala siyang nagawa kaya sinagot niya. Pinindot niya ang screen at naka loud speaker ito. Isang babae ang nagsalita. the caller: [I've been calling you since yesterday. Where are you now?] Luca: [I'm in the Philippines now. I'm busy.] the caller: [Oh, Are you with one of your fling now? Am I disturbing you.] Luca: [Yes, and you are a disturbance now. I'll call you as soon as I can. Leave me tonight.] Narinig ko ang paghalakhak nito sa kabilang linya. Enjoy na enjoy siya dahil nabadtrip niya si Luca. Hindi ako natuwa. Mas nasaktan ako sa pag-amin ni Luca na I'm one of his fling. the caller [Okay, bye. Take care always. I love you.] Hindi na sinagot ni Luca ang huling sinabi ng caller at pinutol niya ang tawag. Bumalik ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ako nagsalita. Wala rin siyang sinabi. Gusto ko sanang magtanong kung sino ang tumawag kaso baka na naman sabihin niya I'm being too demanding. "Can you stop the car?" mahina kung utos sa kaniya. Binalingan niya ako ng nagtataka. Sinunod niya ang aking sinabi. He stopped the car sa gilid ng kalsada. Tahimik pa rin siya. Wala man lang siyang ipapaliwanag. Naghihintay ako mula pa kanina. Nakaramdam tuloy ako ng pagka hilo at biglang sumakit ang aking mga paa. s**t! Not now. Not with Luca. "You can leave me here. Magpapasundo na lang ako kay Steven." sabi ko sa kaniya. Nanghihina na ako at nahihilo. "Are you f*****g serious? Sa tingin mo hahayaan kitang maiwan dito? Ihahatid kita sa inyo." "No!" Sigaw ko sa kaniya. Ayoko na ihatid niya ako sa bahay at makilala siya nina mommy. Ayoko. Not now at hindi kailanman. "Sa condo ko. Doon mo ako ihatid." Binuhay niya ulit ang makina ng kaniyang sasakyan at hinatid niya ako sa aking condo. Plano pa sana niyang umakyat kasama ko ngunit pinilit ko na ayaw ko at pagod ako. Atleast he knows me. Pag hindi ako nakikipagtalo meaning I'm serious at gusto kung mapag-isa. Pagkababa ko pinaharorot niya mismo ang kaniyang sasakyan. Hindi na niya ako hinintay na makaakyat manlang. Habang nasa elevator. Hinang hina na ako. Hanggang sa makarating ako sa aking unit. Bigla na lang akong lumagapak sa sahig sa sakit ng aking mga paa. Buti na lang malapit lang sa landline ng condo kaya naabot ko pa. Tinawagan ko si Steve. Steven: [Where are you?!] Imbes na magsalita. Natawa ako sa bungad niya. Alam niya talaga emergency. Me: [I'm in my condo, Steve. I can't stand and walk. Masakit ang aking mga paa.] Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at gano'n lang siya kabilis na dumating. Halos ilang minuto lang. Kinarga niya ako at dinala sa bahay namin. Si mommy ang sumalubong sa amin. Nakapantulog na ito. Wala siguro si daddy. Dahil kung nandito malamang mag-aalala rin ito katulad ng nakikita ko kay mommy ngayon. "Oh my god, Princess anak! Saan mo siya nakita Steven?" "Sa condo niya Tita. Tinawagan niya ako." "Thank you. Parati ka na lang inaabala ni CL. Paano na lang kung busy ka. Salamat, anak. Kaya ayoko na nag-aalis ito ngayon. Mas madalas umatake ang sakit niya." "No worries po Tita. Basta about kay CL. Even if I'm so busy kaya kung ewan kung ano man 'yon. I'll call your family doctor." Para naman akong nakalutang na sa sakit na nararamdaman ko kaya hindi ko na alam ano ang mga nangyayari sa paligid. Alam ko kasama ko sa kwarto si mommy and Steven. "Steven, thank you is not enough to say to you. Alam ko na masyado kang nag-aalala sa anak ko. Alam ko kung gaano mo siya kamahal. Kaya salamat. Kasi nandiyan ka para sa kaniya palagi. Habang buhay kung tatanawin na utang na loob ang lahat ng mga nagawa mo para sa anak ko." Narinig ko na sabi ni mommy kay Steven habang umiiyak ito. Napaiyak ko na naman si mommy. Pati si Steven. Sobra rin siyang nag-alala. "It's okay tita. Habang nabubuhay si CL at kailangan niya ako. Hindi ako magsasawa at mapapagod. Yun ang pinangako ko sa kaniya, simula pagka bata namin. Hindi ko na narinig ang iba nilang pinag-usapan dahil nakatulugan ko na ito. Nalaman ko rin kay mommy na nagpunta na rin ang doctor. Need ko daw lagyan ng IV fluids dahil masyado daw akong dehydrated. Nagkaroon na naman ako ng vaso-occlusive crisis. Yung mas nagkumpulan na naman yung red bloodcells ko kaya nabablock nila ang ibang tissue sa aking katawan kaya nawawalan ng oxygen supply. Any moment pwede ko itong ikamatay. Kaya ayaw na ayaw ni mommy na umaalis ako na walang kasama lalo na pag gabi. Kinabukasan naging okay na naman ang aking pakiramdam. Though masakit pa rin at nanghihina. Nakatulong ang pain reliever at IV fluids. Absent na naman ako sa duty. One day lang naman the next day papasok na ako. About kay Luca. Hindi na naman siya nagparamdama. Naalala ko ang pangalan ng babaeng caller. Masearch nga. Habibti - Arabic word to female love one. It means darling, my love. May kirot akong naramdaman. He has someone special na pala somewhere abroad. In middle east I guess. Kaya lahat dito sa Pinas. Lahat fling niya lang. Tanggap siguro ng babae na gano'n si Luca. I can't be her. Kasi pag ako. Hinding hindi ko matatanggap na may kahati ako. Call me selfish. Pero what is mine. Is mine alone. I don't share. Noong bandang hapon pababa ako ng hagdan ng marinig ko na nag-uusap sina mommy and Steven. "Umalis na si KC, tita. Inilayo muna siya nina mommy kay Allen at sa lahat." Sabi ni Steven. Sa hitsura nito. Napakalaki ng pinagdadaanan na problema. "Mabuti na rin 'yon at makalimut muna si KC. Nakakaawa na rin kasi ang batang 'yon. Ang sakit ng pinagdaanan niya." Hindi ko na napigilan at nagsalita na ako habang patuloy na dahan dahan na bumaba ng hagdan. "Nasaan si Kc mommy? Saan siya nagpunta?" Sabay nila akong nilingon na dalawa. Walang may gusto na magsalita. Natahimik silang dalawa. "CL... Bakit ka bumaba? Dapat nagpapahinga ka. Kami na lang sana ang naghatid ng kailangan mo." Si Steven ang unang nagsalita. No way! They can't keep it away from me. Malalaman ko rin. "Nasaan si CL? Steven!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan at naiyak na ako. "Anak, calm down please. Bawal din sayo ang mastress..." Pagmamakaawa ni mommy sa akin. Nakinig naman ako kay mommy. Hinintay ko na may magpaliwanag sa akin kung nasaan ang bestfriend ko. It was Steven who spoke. "We don't know CL. Hindi ako sinabihan nina mommy. Pag-uwi ko sa bahay kahapon si daddy na lang ang nadatnan ko. Wala si mommy and KC. Hindi na ako nagpumilit na alamin kay daddy. As long kasama ni KC si mommy. I know she will be safe. She needs it right now. Ang magpaka layo. Masyado na siyang nasasaktan sa mga nangyari. Siya pa ang sinisi ng pamilya ni Allen sa pagkamatay ng baby ni Laarni. Aksidente naman ang nangyari." Naguluhan ako. Hindi ko alam ang mga nangyari kay CL. My God! Anong klaseng kaibigan ako. Kaya dapat lang na umalis ito. Para naman matakasan niya muna ang toxic ng kapaligiran niya. Ang makalimutan si Allen. Umiyak ako ng umiyak. Napapagod na rin ako. Wala na ang bestfriend ko. I know dapat hindi ko maramdaman 'to. Kasi andyan naman sin Steven, mga kapatid ko, sina mommy and daddy. Kaso nasasaktan din ako. Hindi rin ako masaya. Nakakawalang gana na lumaban knowing that I'm hurting inside. Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Hanggang sa nakalimutan ko na rin ang kumain. Hindi ako ginising nina mommy. Mas importante kasi ang tulog para sa akin kaysa ang kumain. Kinabukasan. Akala ko mas lalakas na ako. Ngunit mas nanghina ako. Gusto ko makita si Luca. Kahit sandali lang. Gusto kung magkaroon ng lakas man lang. Lulunukin ko na lang ang ang pride ko. Hinanap ko ang number ni Doc Allen. Nakita ko naman. Kaya tinawagan ko ito. Doc Allen: [Hello...] Me: [Hi! It Doc Riva here. mmmmh, mag-aask lang sana ako Doc if magkasama ba kayo ni Luca? And pls. don't tell him I'm asking where he is.] Doc Allen: [Kasama namin siya. Nasa office ng kaibigan naman. Sa Parañaque. Have you been here?] Me: [Hindi pa....] Doc Allen: [You want to see him?] Nag-aalangan ako na umamin sa kaniya. Baka kasi sabihin niya kay Luca. Doc Allen: [I won't tell him. They are busy playing. Surprise him. I'll send the exact address.] Me: [Thanks Doc!] Dali dali akong nagbihis. Halos malaglag ang mga gamit ko. Gusto ko pa sanang maligo ngunit napapagod na ako. Baka hindi kayanin ng aking katawan. Nagpalit lang ng set ng underwear. Yung bigay pa ni Luca ang suot ko. Dala niya ang mga 'to galing Las Vegas noong kasal ng friend niya. Madami ang binili niya. Hindi na ako nag-abala na magbihis ng bongga. Saktong aura lang, go na! Nagdala ako ng sasakyan. Dahan dahan lang naman akong magdadrive. Medyo nanghihina pa rin naman ako. Kinakabahan ako habang paparating sa lugar mismo. Sa ZA airline office pala ang pupuntahan ko. Malaki at maganda ang company building nito. Sabagay mga mayayaman silang magkakaibigan. Nagpakilala ako sa guard. Alam na pala ng guard ang pangalan ko kaya nakapasok ako agad agad. Bumungad naman sa akin si Doc Allen. Ngumiti siya sa akin. Kahit hindi umabot hanggang tenga ang ngiti niya. Halatang may pinagdadaanan. Ang laki rin ng ibinagsak ng kaniyang katawan. "He is inside katok ka lang. Dalawa lang sila sa loob sila ni Zeus. Umalis pa kasi ang iba. May tawagan lang ako saglit sa hospital." "Salamat." Tipid ko siyang nginitian at naglakad na ako papasok sa loob. Dahan dahan. Hindi ko kasi maiwasan na kabahan. Habang nasa labas ako. Naririnig ko na ang isang boses ng lalaki. Naglalaro siguro sila. At yung lalaki panay ang salita. Yun ata ang Zeus. Napatigil ako sa pag hakbang ng narinig ko ang pinag-uusapan nila. "Akala ko ba busy ka? Ano ginagawa mo nitong mga nakaraang araw? Wala na kayo ng ka fubu mo? Ang sabi ni Allen inlababo kana doon? Akala ko ikaw na ang susunod eh na ikakasal." Bubuksan ko na sana ang pintuan ng lumapit ako kaso bigla akong napahinto at nag-alangan na tumuloy. Baka kasi may hindi maganda na mangyari. Pero kailangan kung linawin ang sa amin para tapusin na lang namin. "Sino pa 'yon? Ano ang name no'n? Diba bestfriend yun ng kay Allen? Ang ganda kaya no'n. Feisty. Badass ang dating. Sawa kana agad?" "Shut up, Zeus! Your mouth!" "Oy, galit yarn. Inlove na rin? Ikaw ba ang susunod na mababaliw? Ilang araw kana walang ginagawa sa life ah. Parang brokenhearted ka rin." "In love my ass. Not gonna happen. She is just a random f**k buddy that I know. But...." Hindi ko na hinintay ang sunod niya na sasabihin. Binuksan ako ng pinto. Gulat silang dalawa. Lalo na si Luca. Pinigilan ko na mapaiyak habang papalapit sa kanila. Dali dali akong lumapit sa kaniya at sinampal ko siya ng malakas. Yun na ata ang pinaka malakas na sampal na nagawa ko sa isang tao. Nanginginig ang aking kamay pati na ang aking buong katawan sa galit at pagkamuhi sa kaniya. The f**k Luca! Hindi kita luluhuran para mahalin mo lang. Makikita mo. "Who do you think you are?! Akala mo naman maghahabol ako sayo? Just a random fuckbuddy ha. Pwes! Makikita mo. Iiyak ka ng dugo just because of this random f**k buddy that you wish you never met. Mark my work Luca Evan dela Vega." Sabay talikod ko sa kaniya. Grabe ang sakit ng puso ko. Parang tinutusok tusok sa sakit. Halos manginig na ang buo kung katawan sa galit. Hindi ko na rin kaya maigalaw ang aking mga paa. Para humakbang na at umalis sa lugar na 'to. This is the last time I will cry for you Luca. This is the last day. Sa susunod. Ikaw naman ang iiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD