I'm trying to leave the place. Hindi ko kaya ang sakit na marinig mismo galing sa kaniya ang katotohanan. Bakit ba naman kasi ako umaasa na mag-iiba. Knowing him.
"CL! Wait! It's not like that." Sigaw nito habang hinahabol niya ako.
Pati yung kaibigan niya na si Zeus nakita ko na lumabas din. Nakiusyuso talaga ang walang hiya.
Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya nilingon at patuloy lang sa paglakad. Halos tumatakbo na ako. Hinahanap ko ang aking sasakyan. Hindi ko ito makita. f**k! Mali ata ang napuntahan ko. Nasaan ba 'yong parking nila. I was even disoriented to the place dahil preoccupied lang ako lahat about kay Luca.
Gusto kung umalis at pumunta sa isang lugar at doon umiyak ng umiyak. Ayoko ko muna na nasa malapit si Luca. Hindi ako makakapag-isip ng maayos. Naiinis talaga ako sa aking sarili. Dati tinatawanan ko lang mga kakilala ko na nagiging ganito. But here I am. Becoming one of them. Nakakabaliw na masakit.
Akala ko nakawala na ako kay Luca. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Bigla na itong nawala at hindi na ako sinundan. Napatigil ako at nagpalinga linga. Hinahanap ko ang aking sasakyan. Napagod na ako sa kakalakad ng mabilisan. Mabuti na lang at naka running shoes ako. Kaya kahit marathon ngayon pwede ako.
Finally, I saw my car. Ang layo ng napuntahan ko.
Yung akala ko na nakawala na ako kay Luca ay isang malaking pagkakamali. Bigla na lang may humawak sa aking pulsuhan at kinabig ako papunta sa may gilig. Well, I know it's him. I don't have to know. Amoy pa lang. Kabisado ko na.
"Stop running woman. Hindi ka makakalabas dito." Bulong nito sa aking may tenga.
"What do you want?!" Sumigaw ako dito. Pilit akong kumakawala sa kaniyang hawak.
"Can you calm down! Hindi tayo magkakaintindihan kung ganito ka parati. You're always running away from me. Running from our problem!"
Siya pa ang may ganang magalit. I won't bow down to him. No f*****g way.
Nagpupumiglas ako ngunit hindi niya ako hinayaan. I saw some men in black watching us. Wow! At nagsama pa ng mga kakampi. Nakahanda ang mga ito na tulungan si Luca. Damn! Wala talaga akong kawala ngayon sa kaniya.
"We will talk CL. Stop fighting! Don't test my patience!"
I never saw Luca this mad. Alam ko galit na galit na siya. Galit din ako. Ayoko muna siyang kausapin. Maiiyak ako ng sobra at baka aminin ko sa harapan niya ang tunay kung nararamdaman. This is insane! It will kill me. Gulong gulo na ako. I hate this feeling. Hindi naman ako ganito. Pero hinding hindi ako aamin.
Sasapakin ko na sana siya. Plano ko ng tadyakan ang kaniya ng mahawakan niya ang isang paa ko. Kainis! Mabilis talagang makiramdam ang isang 'to.
Nakita ko rin ang mga tauhan niya na papalapit. Kaya hindi ko na itinuloy kung ano man ang aking binabalak. Nakita ko naman na napaatras ang mga ito ng tingnan ni Luca.
Binitawan niya rin ako ng makita niya na napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak niya. Napahigpit kasi ang hawak niya sa aking braso. Sigurado at magkakapasa ito.
"f**k CL! What are you doing?" galit na galit nitong sabi.
"Pakialam mo? Wala ka naman pakialam diba? I'm just one of your f**k buddy base sa narinig ko," sigaw ko rito.
"Babe... I didn't mean to say that."
Kung titingnan mo ngayon para na itong maamong tupa. Kanina galit na galit ito. Ngayon ku lang na lang lumuhod sa harap ko.
Hindi mawala sa isip ko ang aking nalaman. Rinig na rinig ng dalawang tenga ko ang sinabi niya. f**k buddy ha, pwes maghanap ka ng iba. Ayoko ko na sayo.
Ako ito, si Caily Lane. Ayoko ng minamaliit. lalong lalo na babalewalain
lang ng isang lalaki. Hindi ako magpapaka tanga sa pagmamahal. I was born to fight to live. To endure the pain for me to survive.
Alam ko hindi ako habang buhay dito sa mundo. Darating ang araw hindi ko na makakaya at akoy lilisan.
Alam ko hindi ko na napigilan ang sarili ko. I fell in love with him. Sa tagal naming nagkasama kahit sabi ko sa sarili ko wala akong planong seryosohin ito. Alam ko masasaktan ko lamang siya. I can't love him forever. Pero hindi ko napanindigin. Dahil minahal ko ito ng higit sa akala ko.
Tao pa rin pala ako. Marunong magmahal. Siguro dito na lang kami. Tama na nalaman ko kung ano ako sa kanya. Mas madaling tanggapin at hindi ko ito masasaktan.
"I don't want to be your f**k buddy anymore. Let's end it here. I don't want to see you." Seryoso kung sabi sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
Tiningnan ko ito ng matalim. I saw pain crossed his eyes. Totoo ba ang nakita ko, nasasaktan ito? I was nothing to him. He is Luca Evan dela Vega for nothing kung nasasaktan ito. Maraming siyang sekreto at nahihiwagaan na ako. At kahit isa sa sekreto niya wala siyang sinasabi sa akin. Well parehas lang naman kami. I don't trust him also. I will never trust him.
Hindi pa rin ito nagsalita pagkatapos ng sinabi ko na tapusin na namin. Dapat wala naman dapat na tatapusin. But I wanted it to be clear. Para hindi na rin niya ako guluhin. As if naman CL ginugulo ka niya. Ikaw nga ang naghahabol ngayon. Tama, this is for myself. To be able to move on with my life. Yes, my f*****g life without him in it.
Humakbang ako at handa na itong talikuran ng bigla niya akong hawakan ng mahigpit sa braso.
"Baby..."
"Babe, please. Don't do this. Let's talk." May bahid ng lungkot ang boses nito.
"Don't touch me. Huwag mo akong hahabulin," banta ko rito. Habang nakaturo sa kaniya ang aking hintuturo at sinsabihan siya na huwag sumunod.
May diin ang bawat salitang lumabas sa bibig ko. Iwinaksi ko ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Kitang kita ko na nagka pasa agad ang aking braso. Nagulat ito at napatitig sa pasa na nabuo. Kanina kasi wala pa ito. Ngayon nagkakapasa na.
Nasa mga mata nito ang pagtataka. I know gusto niyang magtanong. He is one of the best Doctor. Kaya alam niya ang indication pag mabilis magkapasa ang isang tao lalo na sa simpleng paghawak lang ng mahigpit.
Iniwan ko ito. Hindi ko kailangan na mag explain sa kaniya. I don't want him to know. He will never care.
Hinanap ko ulit ang aking sasakyan. Buti na lang I decided to use a car today. Baka kung yung motor ko ang aking ginamit, mas mapabilis ang aking buhay.
Habang nagmamaneho nakatuon ang aking atensyon sa daan. Pero hindi ko mapigilan ang mga luhang kusang umagos mula sa aking mga mata.
Nasasaktan ako. Kasi umasa akung mamahalin niya. Baka pag makita kung seryoso siya sa akin at mahal niya ako. Baka magkaroon ako ng lakas para lumaban. Kasi alam ko na may taong hindi ko pwedeng iwan.
I was driving with no clear direction. I was crying and sobbing. Nanlalabo na ang mata ko. I have to stop. Baka madisgrasya ako. Hindi ko gustong mamatay na wasak ang mukha. I always told my mom na dapat pag mamatay ako. Maganda pa rin at kaaya-aya. Sinulat ko ang mga gagawin nila. Iyak nga ng iyak si mommy pag ginagawa ko yon. I always reminded her everytime I went home. I don't want her to forget the very last thing I ever wanted.
Huminto ako sa gilid ng daan. Iyak pa rin ako ng iyak. Sumisikip na ang aking paghinga. My body became painful again. Oh god! Not here.
My phone rang. I answered it without looking at the screen.
"Hello..." ang salitang lumabas sa aking bibig sa namamaos na boses.
"Caily, where are you? Are you okay?" His worried voice, I know it's him. Siya lang naman ang tumatawag sa akin na Caily aside kay Luca.
"Steve, It hurts..." masakit na masakit ang buong katawan ko. Parang tinutusok tusok ng kutsilyo.
"f**k Caily! Where are you? Tell me?!" Sumisigaw na ito sa kabilang linya.
"I don't know where I am. I am inside my car. I'm thirsty Steve. Help me." umiiyak kung pakiusap sa kaniya.
"Don't leave there okay? Don't dare to drive. Wait for us." Hindi ko magawang makapag salita na. Napatango na lang ako ng wala sa oras. Alam ko hindi niya makikita.
Hindi ko na magawang ibuka ang aking bibig. Nanunuyo na ang aking lalamunan. Naninikip ang aking paghinga na parang anumang oras malalagutan na ako nito.
Hindi ko na nalaman ang mga nangyari sa aking paligid. Ang mukha ni Luca ang huling imahe na nakita ko bago ako mawalan ng malay.
***
I can hear voices from my surroundings. Some people are shouting. There are loud cries. I felt like I was drowning. What's happening? Umiiyak lang ako kanina at kausap si Steven sa phone.
I screamed and screamed but nobody could hear me.
Someone with familiar voice kept telling me "you're fine, wake up babe please," but I knew he was lying.
I had terrifying repetitive dreams from which I couldn't escape, couldn't wake up from, couldn't make sense of...
"Babe you are in a hospital. Your dream is not real. You are in an intensive care." This strong male voice that made sense was the single fragile thread of hope that I clung to in my Alice-in-wonderland hell.
***
I opened my eyes. Sunlight beamed through the window. Someone beside me shouted on top of her lungs. "Doc, gising na ang anak ko."
Narinig ko ang hagulhol niya sa pag iyak. When I looked at her. I saw a familiar woman. It's my mommy.
My eyes welled up with tears. I'm still alive. I saw mom. I scanned the unfamiliar room for some familiar faces. I was looking for a particular face I want to see. Pero wala siya. Wala na talaga siya.
"Princess anak, how are you feeling right now? Dito lang si mommy huh..." I smiled at her kahit ang sakit ng buong katawan ko. Nothing's change. She's still the best and caring mother I've known.
"Why I am here mom?" bigla kung natanong dito.
"Hi Dr. Riva? How are you feeling?" tanong nito sa akin ng nakangiti. It was Dr. Allen's mother. Dra. Smith, my hematologist.
"I'm okay Doc. Masakit lang buong katawan ko at nauuhaw ako,"tipid kung sagot.
"You were in coma for two weeks now. You had a vaso-occlusive crisis or painful crisis due to psychological stress. Good thing you're awake now. Everybody were worried and some were crying," paliwanang nito.
Kaya pala ako 'andito. Marami pa itong ipinaliwanang kay mommy. I know all of them. Sakit ko ito mula pagka bata. Memorize ko na. I was only in denial everytime because I can't accept it. I have a high tolerance of pain before. I don't know what happened now.
Maybe because I became more vulnerable now. I let him control me which affect me, physically and emotionally.
Nalaman ko kay mommy na lahat ng mga kuya ko halos mag camping daw sa labas ng ICU. My daddy was worried, halos daw hindi ito pumasok ng trabaho. Pumasok lang ngayon kasi may emergency meeting sa kampo, kasama ang mga kapatid ko.
My dad and my brothers they always treat me like a princess. I am a princess in this family. My mom and I are the only rose among thorns.
***
I was sleeping when I felt someone is touching my face. Caressing ito slowly. I sniffed a familiar scent. It's him, kaya dumilat ako.
I saw him. Sitting on a chair beside my bed. Looking dejected. I missed him so bad. I don't know but I became emotional.
"Babe... you're awake," hoarseness was evident in his voice. Is he tired?
I looked at him for a while. Without saying everything. I don't know what to say. Pero aaminin ko, nawala ang galit ko sa kaniya. Ang nararamdaman ko ngayon ay pangungulila.
"I miss you..." nasabi ko rin. I started crying.
Pinupunansan niya ang bawat luhang napatak sa mga mata ko. Bigla na rin siyang naluha. This is the first time I saw Luca cried.
"Now, you know already. That I am this weak. I am worthless and soon will be dead," sabi ko sa gitna ng patuloy na pagluha.
Umiiling iling ito. Umiiyak na ito na napasubsob ang ulo sa hinihigaan ko. Bawat pag iyak niya ng tahimik, yumuyog -yog ang kaniyang balikat. He held my hands and kissed it.
"Babe, I'm sorry. Hindi ko alam. Nagagalit ako sa sarili ko. Sa tinagal-tagal nating magkasama, hindi ko manlang nalaman. I felt worthless and useless."
"It's okay. I'm not your obligation. Wala naman tayong seryosong relasyon."
"Caily Lane, please don't say that. I can't lose you babe. Hindi ko kakayanin," napatingin ako bigla sa mga mata niya.
I saw sorrow and pain. I know he's hurting. Ako ba ang rason ng mga 'yan? Ayaw na ayaw kung nakikita sa mga mata ng mahahalagang tao sa buhay ko ang dalawang emosyon na 'yan.
"I miss you too. Araw araw akong nandito. Takot na sa pagbalik ko wala kana. Iniisip kung natutulog ka lang dahil pagod ka sa duty kaya hindi kita nakikita at nakakausap. I almost lost my sanity when I saw you lifeless inside the ER. Lahat sila, they were trying their best to revive you. Ako nasa isang sulok lang walang magawa. Takot na takot."
"I never been afraid in my whole life. Only that time. I thought I'm gonna lose you forever."
Pulang pula na ang mga mata nito. Ako naman tahimik lang din na lumuluha. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Parang pagod ang utak kung mag isip ngayon. Parang gusto ko na lang ulit ma coma.
Buong buhay ko kaakibat ko na ang sakit na 'to. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabubuhay. Kung may pag asa pa bang mabuhay ako ng matagal.
Nangyayari na ang pinaka ayaw at iniiwasan ko. Ang tulad nito. Na may isang tao akong mamahalin at masasaktan ng sobra dahil hindi ko magagawa ang gusto niya. Ang hindi siya iwan. Kasi alam ko sa sarili ko, lilisanin ko ang mundo na ito. Mapapaaga lang.
I love him and it hurts. Mas masakit pa sa krisis na nararamdaman ko. Gusto kung lumaban para sa kaniya. Sa huling pagkakataon, gusto kung makapiling ulit ito. Kahit walang kasiguraduhan kung hanggang kailan. Ang mahalaga ang ngayon na mayroon kami.
Siguro hindi ko na muna iisipin ang bukas. I want to be selfish this time. Never akong naging maramot. Ngayon lang dahil gusto ko siyang makasama pa.
"Buhay pa naman ako. Nandito pa ako," mahina kung sabi sa kaniya.
Ngumiti ito sa akin. Ngiti na alam ko ang mga labi lang niya nakakagawa. Puno pa rin ng lungkot ang kaniyang mga mata.
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bigla akong makaramdam ng matinding sakit sa likod ko at mga paa.
"Aaarggggh! Luca! Help me." Namimilipit ako sa sakit.
"Babe, wait! I call the Doctor," nag alala nitong sabi.
I saw Dra.Smith and A resident came inside. Nagmamadali sila.Luca was worried and stayed at my side.
Namimilipit pa rin ako ako sa sakit hanggang napahawak na ako kay Luca kasi hindi ko na kaya ang sakit.
"Babe, please help me. Hindi ko kaya ang sakit." Humahagulhol na ako ng iyak dito.
"She's having a painful crisis again Dr. dela Vega. We need to put her in Morphine Drip for the meantime. We will refer her to an Anesthesiolosit to manage her pain. Can you take her? ," narinig kung sabi sa kaniya ni Dra.
Hindi ko marining ang sagot ni Luca. Mas iniinda ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ito na ata ang pinakamasakit na naranasan ko sa lahat ng episode attack na nangyari sa buhay ko.
"Okay, I- I'll take her Dra," sa nauutal nitong boses alam ko nahihirapan din siya.
"Give her morphine IV now." utos nito sa resident.
The moment that drug was injected on the tubing and it reached my vein. It helped me calm. I know from this moment on I will become addicted to it.
"Rest babe... No more pain. I will be here. I love you," bulong nito sa tenga ko.
I smiled and slowly close my eyes. That was the most beautiful word I've ever heard in my entire life. Ang kauna unahang beses niyang sinabi ang salitang matagal ko ng gustong marinig mula sa bibig nito.
Sana hindi ako nag ha-halucinate dahil sa Morphine. Kasi ang saya ng feeling kahit ang sakit sakit ng katawan ko. Masaya naman ang puso ko. The happiness it gives overpowered the pain I felt inside.
I love you too babe. More than you'll ever know. Hindi na magawang lumabas sa bibig ko. Uni unti na akong nakatulog.