Bawat araw na dumadaan paikli ng paikli para sa akin. Kaya naman kinukulit ko si Luca araw-araw.
Me:
[ Where are you? ]
Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri sa mesa habang naghihintay ng kaniyang reply. Really? Gano'n siya kabusy ngayon? Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Kung dati siya parati ang nauunang tumawag o di kaya ay magtext. Ngayon nabaliktad, ako ang nauna. Yes, for the first time naging clingy ako.
Ewan ko. Siguro it's time to let myself fall in love for the first time. Luca is worth it. A bad ass, hot & handsome man. And I know he likes me. Enough for me. But deep inside, I wish he will love me. Pero siguro kahit hindi na para hindi siya masaktan kung sakaling mawala man ako. Basta huwag lang niya akong paglaruan.
Haist! Wala talagang reply. I tried to call him. I dialled his number but it keeps on beeping. Meaning busy, may kausap sa kabilang linya. Sino kaya ang kausap niya. I tried again. Again and again. Same pa rin. Imagine for an hour! Halos naubos na ang lunch break ko kakatry na tawagan siya. Worst hindi niya ako nirereplyan.
Me:
[I've been trying to call you for a f*****g hour but your line is busy. Sino ang katelebabad mo ng gano'n katagal?]
Walang pag-asa, tumayo ako at bumalik na sa duty. Magde-dressing pala ako sa isang patient na 72hrs post-op.
Nakarating ako sa Surgery Ward. May mga nurses akong naririnig na may pinag-uusapan.
"Kawawa naman si Doctora. Sakit no'n ha. Mahal na mahal mo tapos kapatid mo pala. Pag ako niyan baka magpakamatay ako." Sabi ng isang nurse. May pahawak pa siya sa kaniyang puso.
"Kaya nga eh. Saklap. Akala ko power couple na sila. Kay Doc Luca na lang ako at Doc Caily. The bad ass couple!" Sigaw ng isang nurse.
"Ay bet! Kaso parang palagi silang war. Walang sweetness." Sabi naman ng bakla.
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi nila alam nakikinig ako sa pinag-usapan nila. Nakatalikod kasi sila sa akin. Tamang tama naman nasa may counter ng nurse station ang chart ng patient na sadya ko kaya hindi nila ako napansin. Super engrossed sila sa pagiging mga Marites.
"Ay butiki! Ikaw pala Doc. Kanina ka pa?" malambing na tanong ng bading na nurse. Hindi pinahalata na nagulat.
Tumaas ang aking isang kilay at sinagot ko ito ng hindi ngumingiti. "Yes, enough to hear all of you gossiping someone and my lovelife."
"Doc naman. I-aassist kita sa pagdressing mo. Prepare ko na Doc ha." Tumalima ito at inayos ang mga gagamitin namin habang nirereview ko ang isang chart.
I'm not a toxic resident doctor. But I'm not friendly as well. Sakto lang. Professional is the right word. Ayaw ko lang maging close baka kasi mawasak ang nilalagay namin na boundery between doctors and nurses. Of course I'm not against about them being close with us. And I know for a fact na parehas kami. We need to work as a team for the patient plan of care. Hindi lang ako gano'n kabilis magtiwala. Sabi ko nga. I'm not friendly and approachable. But if you are my friend. I will stick with you through thick and thin.
Tipid ko silang nginitian bago pumunta sa room ng patient. Sakto naman nakasunod rin sa akin yung nurse na bading. Tinulungan nga niya ako sa pag-dressing.
This patient is a post-op craniectomy. Almost 72hrs na siyang post-op. Okay naman ang operation site niya sa ulo. Walang bleeding. Kaya mabilis lang akong natapos.
"Doc, sorry kanina ha. Kung narinig mo mga chika namin. Kaibigan mo pa naman pinag-uusapan namin."
Hindi na sana ako magrereact kaso narinig ko ang simabi niya na kaibigan. Naningkit ang mata ko. Kung kaibigan. Nag-iisa lang ang kaibigan ko sa hospital. It's KC.
"What do you mean?" Mataray ko pang tanong dito.
"Si Doc KC kasi at Doc Allen. Nalaman namin kay Doc Santibañez kanina na magkapatid pala sila. Si Doc KC daw ang nawawala na kapatid ni Doc Allen. Kaya nalulungkot kami."
"What?!!!" As in. Napasigaw ako dahil sa sinabi niya. Gulat ako. Super. Wala akong kaalam-alam.
"Doc, okay ka lang? Huwag ka magagalit sa amin ah."
"No, I'm not. Is it real? Have you seen Dra. Montero here in the hospital?"
"Hindi pa Doc eh..." Tanggi nito. Malungkot din ang kaniyang mukha. I saw sincerity in his eyes also. Tinanguan ko siya.
"Sige. Salamat. Hanapin ko muna."
Umalis ako sa Surgery ward. Sinubukan ko ring tawagan ang fon nito pero unattended. Sobrang nag-aalala ako. Knowing KC. She must be hurt right now. Wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa kaniya. Nabusy rin ako sa sarili kung problema.
Pasakay ako ng elevator ng mahagip ng aking mata sina Doc Allen at Dra. Santebañez. So it's really true. Ayaw pa rin sumagot ng tawag ko si KC. Nag-aalala na ako sa kaniya.
Wala rin akong gana na kumain kaya pumunta na lang ako sa quarters namin. May mga ibang residente ako na nakita roon. Tinanguan lang nila ako. Wala kasi akong masyadong kaibigan lalo na at ako ang pinakabago. Ayaw ko rin naman makipagplastikan sa kanila kaya fair lang. Naging busy na lang ako sa pagbabasa. Nakita ko ang fon ko na nagriring. Galing kay Luca. Hindi ko sinagot. Anung akala niya sa akin. Manigas siya. Hindi niya sinagot ang tawag ko kaya deadma muna siya sa akin. Importante sa akin si KC ngayong araw. Pero naisip ko kung alam ba niya ang nangyari kina Allen and KC. For sure alam niya. Bestfriend niya 'yong lalaki.
Me:
[Yes?]
Mataray ko na sagot sa tawag niya.
Luca:
[Baby... Where are you?]
Me:
[And why do you ask? Do you even care?]
Mataray ko pa ring sagot sa kaniya. Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya.
Luca:
[I'm sorry... I was busy this past few days. May inimbistigahan lang kami.]
Me:
[Oh? At kailan ka pa naging imbistigador? Bago mo na work. Aside from being a doctor what else you can do Luca dela Vega?]
Luca:
[ Anything. Lahat kaya kung gawin. So stop testing my patience Caily Lane.]
Me:
[Wow ha... Ikaw ang ngayon lang nagparamdam tapos ikaw pa may gana na magalit? Ilang araw ako naghihintay ng tawag mo o text pero wala. Tapos kanina hindi ka makasagot. Busy pa ang fon mo. If may iba ka pang babae. Just tell me!]
Luca:
[Now, you are being so demanding huh? Akala ko ba game ka lang. No strings attached. Where's the Caily Lane that I know?]
Bigla akong natigilan. Nawalan ako ng isasagot. Tama siya. Simula pa lang alam ko ang mayroon kami. Just the simple 3F's. Friends. Fling. f**k buddy. Dapat hindi ko kalimutan. Nasaktan ako do'n ah. Pero hindi ko ipapahalata.
Me:
[Sorry about that. I've crossed the line. I forgot. I am one the flings lang pala.]
Luca:
[Baby... It's not-]
Me:
[And stop calling me baby. Your giving me mix signals.]
Pinutol ko ang sasabihin niya sana. Bago ko pa man marinig ang mga ito. Plano ko na sana putulin ang tawag ng maalala ko about kay KC.
Me:
[ May alam ka ba sa nangyayari kina KC and Doc Allen? Alam mo ba na magkapatid sila?]
Nakatahimikan ang narinig ko sa kabilang linya. But I heard him curse. Mahina lang ito pero narinig ko pa rin.
Me:
[Luca, answer me! May alam ka? At hindi mo nabanggit sa akin? Ako na lang pala ang walang alam.]
Luca:
[ Baby, it's not what you think. Sasabihin ko rin sayo.]
Me:
[Stop it! I don't need your reason. Huh.. sino ba naman ako para pagkatiwalaan mo. I'm just one of your fling. Nevermind.]
Pinutol ko ang tawag. Nawalan na talaga ako ng gana maghapon. Patay oras na lang sa hospital.
I understand Luca. Kahit galit na galit ako. I somehow understand him. Sino ba naman ako para pagkatiwalaan niya ng ganiyan na sekreto. Kahit naman ako may hindi sinasabi sa kaniya. Bakit ba ako nagiging emotional nowadays? Hindi naman ako ganito sa kaniya. Ngayon kunting mali lang niya nagtatampo agad ako.
Pagdating ng hapon plano ko na puntahan si KC sa kanila kasi unattended pa rin ang kaniyang fon. Paglabas ko ng elevator sa may lobby sakto naman nakita ko siya. Thank God!
"Loves..." Mahinang sambit ko.
I don't like the way she look at me. Nasasaktan ako sa lungkot ng kaniyang mga mata.
Bigla ko siyang niyakap. Hindi ko kasi alam ano ang sasabihin ko. Gumanti rin siya ng yakap sa akin. Naramdaman ko na lang na umiiyak na siya. Nadala rin ako sa malungkot na emosyon kaya napaiyak din ako.
"Loves, let's get out of here. Let's talk."
Hindi siya sumagot kaya inakay ko siya palabas ng hospital patungong parking kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Hindi ko na siya tinanong. Pinasakay ko na siya at nagsimula na akong magmaneho. Hindi ko alam saan ko siya dadalhin. Hanggang naisipan ko siyang dalhin sa Tagaytay sa rest house ni Kuya Cyprus.
"Loves, ang layo naman ng pupuntahan natin," natatarantang sabi niya sa akin. Kaya hindi ko napigilan ang maluha. Nasasaktan ako para sa kaniya. Oo matigas ako pero pagdating sa mga taong mahal ko pusong mamon pa rin ako.
"Loves..." mahinang tawag niya sa akin.
Hindi ko siya nilingon. Nasasaktan ako para sa kaniya ng sobra. Kilala ko siya siya ang pinaka mabait na taong kilala ko.
"Alam mo. Nag-alala ako sayo. Kasi alam ko hindi mo pa nararanasan paano masaktan. Kahit anong klase ng sakit. Naalala mo noong maliit pa tayo. Nasugatan ka, iyak ka ng iyak tapos nagmamadali kami ni Steven tanggalin ang hapdi ng sugat mo para hindi kana umiyak. Kaya mula noon. Ayaw na ayaw ni Steven na kahit lamok or langgam kakagatin ka kasi ayaw namin na makita ka ulit na umiiyak."
"Inaway ko si Luca ng dahil sa nangyari. Ang walang hiya kasi alam niya pala hindi niya sinabi ng maaga. Hindi ko tanggap ang valid reason niya. Kaya hindi kami bati. Hindi ko siya kakausapin."
"I hope maging okay ka. Alam ko masakit, sing sakit ng sakit na nararamdaman ko pag inaatake ako alam mo yon. Pero alam ko mas masakit pa siya ng doble. At minsan hihilingin mo na lang na yong sakit ko na lang ang meron ka dahil isang turok lang ng morphine okay kana. Pero ang sayo, hindi mo malalaman kung magiging okay ka pa ba."
Umiiyak siya. Naririnig ko ang mahina niya na pag-iyak. Hinayaan ko lang siya. Ako rin kasi sobrang nasasaktan.
Nakarating kami sa rest house ni Kuya Cyprus. Isang magarang modern two story house.
"Sa inyo 'to?" Bigla ko siyang narinig na nagtanong.
"Kay kuya Cyprus. Bagong bili niya. Ako pa lang ang nakakaalam," tugon ko habang paakyat kami ng hagdan.
"Ganda... nakakawala ng problema saglit."
Good to hear that. Kaya ko siya dinala rito para makalimutan niya sandali ang sakit.
"Nakakawala rito ng problema Kaya dinala kita rito. Alam ko hindi ka okay. You are just trying to be."
"Dito lang ako loves. Makikinig sayo. Wala na tayong magagawa. Someday tatawanan mo na lang ang lahat ng mga ito. Someday may makikilala kang mas mahahalin mo pa more than you love him. Someday darating yan. Just continue living and learn to forget the pain and accept the reality na kapatid mo siya."
Hindi ko alam kung tama ba ang pinagsasabi ko. My point naman ako. Mahirap pero alam ko kakayanin niya. Sana pag dumating ang time na 'yon kasama pa rin niya ako. Para dadamayan ko pa rin siya sa malungkot at masayang tagpo ng buhay niya.
Inakbayan ko siya habang nakatingin kami sa magandang tanawin na amin nakikita.
"Kung gusto mong isigaw ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Isigaw mo. Para man lang mabawasan ang sakit at mailabas mo."
Ginawa nga niya. I can't help but bitterly smile.
"Magiging okay rin ako balang araw!!!!"
Ilang beses niya itong sinigaw hanggang sa mapagod siya. Lumingon siya sa akin at mapait na ngumiti. Someday loves. You will be okay.
All of us will experience different kind of pain. The level it gives will depend on the severity. Some pain can be relieve by medicine just like mine. Some will be healed by time. But one thing is for sure.
The pain will leave once it has finished teaching you a lesson. Then, you will be thankful after. Because pain is there for a reason. That's the beauty of pain.
Gabi na ng maihatid ko siya sa kanila. Hindi na rin ako bumamaba ng sasakyan dahil pagod na rin ako. Umalis agad ako pagkatapos niyang magpaalam.
***
Time flew so fast. Minsan na lang kami magkita ni KC. Nakakausap ko siya minsan through fon call at nalaman ko na kina Doc Allen siya nakatira.
Hindi ko alam kung kaya niya. Kahit ako nahihirapan sa set up nila. Sana maging okay na ang lahat.
Hindi ko pa rin kinakausap si Luca after noong last time na binabaan ko siya ng tawag. Hindi rin naman kasi siya nag-effort na kontakin ako.
Naging busy na lang ako sa duty. May time na masama ang aking pakiramdam. Binabalewala ko na lang. Alam ko naman ang kondisyon ko. Kaya ko pa naman.
Bored na rin ako sa aking life. Buti na lang at nalaman ko na nasa bahay nila si KC. Nalaman ko kay Steven ng tumawag ito sa akin.
Steven:
[Wala na akong balita sayo. How are you?]
Me:
[I'm okay, Steve. Gano'n pa rin naman. Namiss kita.]
Steven:
[Good. I miss you too. Kaya punta ka rito sa bahay. O sunduin kita? Kc is here. Ilang araw na siya umuwi.]
Nagulat ako actually sa kaniyang sinabi. Hindi kasi ako nainform ni KC about sa pag-uwi niya sa kanila.
Me:
[Ako na. Hindi pa ako lumpo. Kaya ko pang magdrive.]
Steven:
[I'm not saying you are. I'm trying to be a gentleman, lady. Okay see you. Ingat ka.]
Me:
[See you, then.]
Wala akong sinayang na oras. Umalis ako at pumunta sa bahay ng mga Riva. Mabilis lang ang aking naging biyahe.
"Wow ang bilis ah..." Bungad sa akin ni Steven. Halatang inabangan ang pagdating ko. Niyakap ko ito ng mahigpit.
Gumanti rin naman ito.
"Siyempre. Namiss ko kayo. Where's KC?" Nag-aalala kung tanong dito.
"Nasa taas. Hayaan mo muna. Nasaktan kasi nasorpresa. Ikakasal na si Doc Allen kay Doc Laarbi ba 'yon?"
"What?! Wala akong balita ah. My God."
Nasorpresa ako sa nalaman. Sabagay wala rin akong balita kay Luca. He is not really serious about me. Imagine ilang weeks na walang paramdam. Ilang beses ko lang nadeadma ang tawag niya at sumuko agad.
"You're not okay. You look thinner than before." Nabigla ako sa tanong ni Steven.
Kung may nakakilala man sa akin. It's him. Gano'n niya ako ka kilala at gano'n ako ka importante sa kaniya. Lahat ng detalye sa buhay ko alam niya at naalala niya.
"Pagod lang sa work. Nabubusy na kasi." Paliwanag ko. Which is, I doubt kung maniwala siya.
"Stop working in the hospital, CL. It's not good for your health. You know that. You are a Doctor yourself."
"Why not travel the world and enjoy. Kung kinakailangan samahan kita gagawin ko. Basta para sayo."
Tinaasan ko ito ng kilay. Kita ko naman ang sincerity sa mga sinabi niya. Malungkot din ang mukha nito. Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang mukha niya.
"Thank you. Kasi kapakanan at kasiyahan ko pa rin ang inaalala mo. But I'm happy Steve. I'm happy being a doctor. Oo nakakapagod. But for me this is a vocation. Kahit ito man lang may magawa ako sa mundong ito. I hope you will understand that."
I heard him heaved a deep sigh. Tanda ng pagsuko. Alam siya hindi siya mananalo kaya mabuti ng sumuko ng maaga.
"Okay. If anything is not going right. Just tell me as soon as possible. Okay?"
He tapped my head and he smile.
"Thank you." I kissed him on his cheek. Kaya namula ang tenga niya. At humalakhak ako.
My poor Steve. Ako lang ang nakakapagpa-blush sa kaniya. Umiling ito at natatawa.
"God, I'll go na. I have a meeting at the office. See you around. Please take care of Cassie."
"I will, go...drive safely!"
Umalis na ito at inakyat ko si Kc sa kaniyang kwarto. Nakita ko na natutulog ito kaya di ko na inistorbo. Babalik na lang siguro ako.
In a span of week pabalik balik ako kina KC. Bonding moment. Minsan nag-uusap ng kung anu anu. Iniiwasan ko na mabanggit about sa kanila ni Doc Allen. Gusto ko makalimutan niya saglit ang sakit kaya nililibang ko siya.
Kaya naman ng nagkaroon ako ng mahabang off pinuntahan ko ito sa kanila ng hindi nagsasabi. Plano kung ayain ito na mag bar kami. Bored lang ako. Matagal na rin kasi akong hindi nagpupunta ng bar since pinagbawalan na ako.
"Hi loves, you okay now? Tara bar tayo." Kita ko ang gulat sa mga mata nito.
It's not her cup of tea. Bahay and school lang ang bisyo ng kaibigan ko. Ako naman laman ng bar at karera. Hindi ko nga alam bakit click kami. Love ko lang siya. Dahil sa kaniya hindi ako nagagalit sa mundo. She reminds me that the world still a better place to live in. Kasi may taong tulad niya.
"Okay, I'll ask permission kina mommy,"sagot niya.
Ako naman ang nagulat. Nagtry lang naman ako. If umayaw siya eh di tatanggapin ko. We can watch a movie na lang. Kaso pumayag. Kaya ang saya!
"OMG loves! Nag iba kana talaga. Okay come on let's plan on what you're gonna wear. You need to look hot. It's time to look for another guy."
Pinayagan siya nina Tita dahil ako ang kasama at si Steven naman ang susundo sa amin. Hindi kasi ako nagdala ng sasakyan. At hindi rin kami magdadala ng sasakyan. Magpapahatid kami sa driver.
Nagbihis na kami. She wore a spaghetti strap white fitted crop top and a fitted old rose color skirt, above the knee length, with a slit on the side. Paired with three inches nude pumps. Hapit na hapit sa kaniyang katawan. While me, I wore a beige color lacey terno spaghetti strap crop top and a booty shorts. Paired with a black boots two inches high at hanggang knee ang haba sa akin.
Kahit sino siguro makakakita sa amin mapapatulala. We are like a barbie doll dress to life. Lalo na ang kulay ng buhok ko na blue color melt in the dark. Mas lalo pang matingkad pag nasa madilim na part. While her is a two tone color. A very light ash blond at sa dulo is color pink. Nagpaayos muna kami ng buhok bago napunta rito. She even have her new piercing now. Naimpluwensyahan ko. I'm really bad.
Pumasok kami sa loob ng bar. Maraming tao na pero lahat sila parang tumigil ng makita kami. Kahit ang music sa dance floor paranh biglang nawala. Well, I'm used to this kind of environment and attention. Kc is new to this. Kaya naman I ushered her to go inside.
Halos mga kilala ko ang mga tao ngayon. Mga batian na walang katapusan. Pwede na akong tumakbo sa pagka politiko.
Bumalik ulit ang ingay ng dance floor. Hindi ko binitawan ang kamay ni KC. Ayaw kung mawala siya sa tabi ko. May mga nagtatanong sa akin kung sino daw ang kasama ko. I told some of them na best friend ko and she is off limits. So all of them will back off.
Napadaan kami sa isang grupo ng mga lalaki sa isang table. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Familiar lang naman sa akin ang iba sa kanila. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni KC. Perhaps kilala niya lahat.
Lahat sila nakatingin sa amin. Habang papalapit kami nakita ko nga si Luca. Well my heart really recognise him. Wherever I am. Iba kasi ang t***k nito. Nagiging abnormal. Hinagod niya ako ng masamang tingin. Aba at ikaw pa may ganang magalit, huh! Who you ka ngayon sa akin!
Parang nag-aapoy ang mga mata nitong patuloy na nakatingin sa akin. Inirapan ko lang ito.
"Wooooh. Looks who's here. The two living barbie doll." It was a mestizo guy. Pogi rin. All of theme are good looking naman talaga.
"Wanna join us ladies? You'll be safe here," sabi niya pa sa amin na tinutulan ko agad.
"No thanks. Baka manganib pa kami. Let's go loves," mataray kung sabi. Sabay hila ko kay KC sa kabilang side.
Nakahanap kami ng magandang pwesto. Kaming dalawa lang. Sa pinaka dulo. Hindi masyadong matao. Umupo kami at nag order ng drinks. Maraming pa rin akong kilala na nameet kaya tumayo ako at binati sila at nakipag -usap.
"Loves, just stay here okay? Kausapin ko lang ang mga kakilala ko." Tumango ito. I know she is safe here. Kilala ko ang isa sa may ari ng club. At napapalibutan ito ng cctv.
Madami akong kinausap hanggat my naramdaman ako na humila sa akin sa madilim na parte ng club. Alam ko na kung sino. Amoy pa lang.
"Ano ba?! Let go of me!" Sigaw ko rito at pilit na tinatanggal ang aking kamay sa kaniyang mahigpit na pagkakahawak.
"Shut up! Kanina pa ako nagtitimpi sayo. After how many weeks you've been ignoring me tapos makikita kita rito wearing this piece of cloth. Damn woman. Hindi mo pa ako kilala masyado." Matigas nitong sabi. Halata ang galit sa boses nito.
"Bakit may dapat ba akong malaman kung sino ha Dr. Luca dela Vega?"
Bigla itong natigilan. Hindi nagsalita. Nakatitig lang ito sa akin.
"Kung wala kang maisagot. Just leave me alone...
hindi kita kailangan...."