bc

THE PRODIGAL SON

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
HE
arrogant
badboy
gangster
bxg
kicking
like
intro-logo
Blurb

Matapos iligtas ang kanyang kambal, naging palaboy na lang si Klaeb. Kung saan siya abutin ng gabi ay doon na lamang siya natutukog hanggang sa mapagtripan siya ng grupo ng kalalakihan. Kinuha ang kanyang kotse at nabaril pa siya sa tagiliran.

Niligtas naman siya ng isang doktor kung saan nakilala siya nito. Nabighani si Klaeb sa dalaga kaya naman kahit magaling na siya ay nagpanggap pa rin siyang may sakit upang maalagaan at araw-araw niyang makita ang babae. Hanggang sa mapaibig niya ito at tuluyang bumigay at nagbunga ang kanilang pag-iibigan. Ipinakilala siya ni Vanessa sa mga magulang nito.

Ngunit paano kung malaman niyang ang babae pala ay anak ng isa sa mga kalaban niya sa politiko? Itutuloy pa kaya niya ang balak na panagutan ang babae o lulunukin ang pride at makikipag-ayos sa pamilya nito upang mapatunayan kung gaano niya kamahal ang babae?

chap-preview
Free preview
1. PROLOGUE
“Marinig ka ng mga bata, Zenia! Huwag na huwag kang magkakamali na ipaalam sa kanila ang lahat.” galit na sita ni Pablo sa asawa. “Bakit Pablo? Natatakot kang malaman nila na ang pamilyang ito ay puno ng huwad na pagmamahal at pagpapanggap? Bakit mas madalas mong paboran si Kaleb? Anak mo rin si Klaeb!” sagot naman nito sa mataas na boses. “Tama na Zenia, hindi mo nauunawaan! Wala kang karapatan na diktahan ako kung sino ang mas matimbang sa akin!" pagkasabi ay sinampal si Zenia at iniwan itong nakatulala habang hinahaplos ang pisngi. Sa murang edad, namulat si Klaeb at nasaksihan niya ang mga pagtatalo ng magulang. At naranasan niya rin kung paano siya itrato ng kanyang kambal. “Galit ako sa'yo! Sinira mo ang laruan ko...” nagtatampong sigaw ni Kaleb sa kanya “I'm sorry, Kaleb. Bibili na lang ulit tayo ng bago.” pakiusap ko pero mukhang ayaw niya sa paliwanag ko. “Ayaw ko, hindi na kita bati!” Minsan pakiramdam niya wala siya puwang sa mundong ginagalawan at bawat kilos at galaw niya ay mali para iba. Pakiramdam niya at hindi pantay ang mundo, na lahat ng nakapaligid sa kanya ay pinagkaisahan siya at tila bulag ang mga ito. Hindi siya nakikita, hindi nag-eexist. Babalik ako at balang araw, ipagmamalaki niyo rin ako katulad ni Kaleb. _________ Dear Kaleb, Kapag hindi ako umuwi, nasa malayong lugar na ako. Hindi na ako babalik. I'm sorry kung nasira ko ang laruan mo. Hindi ko sinasadya. Hayaan mo, pag may sarili na akong pera, babayaran kita. Alam ko naman na paborito mo ang laruan na 'yon. Sana mapatawad mo ako. Alam ko hindi mo ako hahanapin tulad ni Papa, mas mahalaga at mas mahal ka ni Papa kaya 'wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Papa, okay? Mamimiss ko kayo lalo na si Mama. Hanggang dito na lang. Love, Klaeb. __________ “Papa! Mama! Look, wala na si Klaeb...” umiiyak na sabi siyam na taong gulang na si Kaleb. Agad na kinuha iyon ni Zenia at binasa. Lihim na napangiti sa kanyang isip. “Paano makakaalis ang batang iyon?” gulat at nagtatakang tanong ni Pablo sa asawa. “Aba, malay ko. Kasalanan nitong si Kaleb, hindi mo ba nabasa? Para laruan lang hindi pa mapatawad ang kapatid? Ayan ba? Ayan ba ang pinapaboran mo?" usig ni Zenia ngunit hindi ito pinansin ni Pablo. “Tumahimik ka, Zenia. Alam mong hindi ganyan ang mga bata, hindi ko alam kung bakit natututo silang mag-away. Alam mong kabit kailan ay hindi nagalit si Kaleb sa kapatid niya.” depensa ni Pablo sa asawa. “Ewan ko sa'yo Pablo. Ha! Kapag may masamang nangyari sa anak mo, ikaw din." irap na sabi ni Zenia at iniwan nito ang mag-ama. “Anak, totoo bang nagtalo kayo kapatid mo?” mahinahong tanong ni Pablo sa anak. “Opo, pero kasi ayung ang sabi ni Mama, si Klaeb daw ang sumira sa laruan konat sinadya daw niyang ihampas sa bato para mawasak ang laruan,” umiiyak na sabi ni Klaeb sa ama. Umigting ang panga ni Pablo. Alam na niya kung ano ang nangyayari. Nais niya ring malaman kung ano ang tinuro nito kay Klaeb upang mag-rebelde at maglayas. Nais niyang palayasin ang hilaw na asawa ngunit maapektuhan ang kambal kapag ginawa niya iyon. Alam niya kung gaano kamahal ng mga bata ang kinikilalang ina. Niyakap nito si Kaleb at nangako g hahanapin ang kapatid. “Halughugin ninyo ang buong bayan, hindi kayo maaaring bumalik ng hindi kasama si Klaeb!” sigaw na utos ni Pablo sa mga tauhan nito. “Hoy bata, anong pangalan mo? Bakit nandito ka pa sa lansangan, gabi na. Nasaan ang mga magulang mo?” tanong ng batang lalaki kay Klaeb na mukhang mabait naman. “Hindi ko alam ang pabalik sa bahay namin. Klaeb Sorrento ang pangalan ko.” sagot ni Klaeb at kita sa mukha ng kausap kung paano kumislap ang mga mata nito. “Dito ka muna sa amin, kahit isang gabi lang. Sandali lang, magpapaalam ako kay Nanay.” Sabi ng bata at agad na tumakbo papasok ng bahay. Ngunit paglabas ng mag-ina ay wala si Klaeb sa labas. “Eh? Saan nagpunta iyon?” nagkakamot ng ulo na tanong ng bata. “Ikaw talaga Aleck, puronka talaga imahinasyon. Siya, pasok na at gabi na, may pasok ka pa bukas.” bilin sa kanya ng ina at pumasok na ito sa kanilang dampa. “Oho, Nay!” sagot lamang ni Aleck at luminga-linga pa sa paligid. Hindi nagkakamali si Aleck. Ang batang nakaharap niya ay isa sa kambal na nasa billboard. Sigurado siya lalo pa kapangalan ito. Samantala, nagkakagulo pa rin sa Sorrento mansion nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang Police station. Natagpuan na si Klaeb at agad itong pinuntahan ni Pablo. Si Zenia ay galit at lihim na tinawagan ang isang tauhan. “Ang bobobo niyo! Bakit hindi na lang ninyo tinapon sa malayo." inis na bulong nito sa tauhan sa telepono. Sa magkapatid, si Klaeb ang mabilis maniwala samantala si Kaleb ay masunurin ngunit hindi agad naniniwala. Sobrang galak ni Kaleb ng makita niyang muli ang kapatid at niyakap ito. “I'm sorry, kasalanan ko. Huwag na huwag ka ng aalis ha. Bibili tayo ng bago, promise. Hindi na ako galit." iyak ng iyak na sabi ni Kaleb sa kambal. Gumanti naman ng yakap si Klaeb sa kapatid at saksi ang mga pulis kung gaano ka-emosyonal ang mga bata. Maging silanay naantig ang puso dahil sa kabaitan ng mga anak ni Pablo Sorrento. “Salamat sa paghatid sa aking anak, mas pagpalain ka pa sana ng Panginoon,” sabi ni Pablo sa matanda na naghatid kay Klaeb. Umalis na ang matanda, agad naman na bumulong si Pablo smna sundan ito bigyan ng pabuya sa pamamagitan ng pera. Dahil sa kabutihan, mas lalong tumunog at naging maingay ang pangalan ni Pablo Sorrento. Totoong maramining natulungan ang matanda hindi nga lamang ito exposed sa publiko ngunit paunti-unti itong na-re-reveal dahil sa mga taong nagpapasalamat sa kanyang kabutihan. Dito nagsimula ang lahat at nakumbinsing pasukin ni Pablo Sorrento ang buhay at mundo ng pulitiko. May mga taong galit at lihim na sumisira sa kanyang pagkatao. Una na dito si Zenia Mortiz. Bukod sa asawa niya, isa sa may lihim na inggit at galit sa kanya ay si Rios Madrigal. Isa sa mga ka-miyembro sa isang lihim n organisasyon. Lumipas ang mga taon ay mas naappadalas ang pag-aaway ng kambal ngunit dahil sa taglay na kabaitan si Kaleb ay ito na ang umunawa sa kapatid. Mas naging masaya at natuwa si Pablo nang malaman na nais magpari ng paboritong anak. Lihim na natuwa si Klaeb. Oras na para masolo niya ang attention ng mga magulang. Ngunit sa araw ng pag-alis ni Kaleb upang pumasok sa seminaryo ay bigla siyang nainggit. Nais niya ring mamuhay mag-isa, tumira sa dorm o kahit saan na malayo sa magulang. Nais niya ring maging independent tulad ni Kaleb. Dahil na rin sa impluwensiya ng mga kaibigan, natutong mangupit ng pera sa vault ng ama si Klaeb. Halos maubos nito ang nakaimbak na cash ng ama simula nang matuklasan niya ang code number nito. Ngunit nahuki siya ng ama at galit na galit ito. “Gusto ko rin ng malaya, kaya kong buhayin ang sarili ko! Bigyan mo ako ng pera at ako na bahala sa sarili ko!” sigaw ni Klaeb sa ama. “Sige na Pablo, tama naman ang anak mo, binata na siya. Hayaan mong mag-explore at mamuhay mag-isa ang mga anak mo hpang matuto.” sulsol naman ni Zenia sa asawa at lihim na pagmamanipula sa batang isip ni Klaeb. “Kung 'yan ang gusto mo bahala ka sa buhay mo, hindi ako nagkulang Klaeb, 18 anyos ka lang.” mahinahong sagot ni Pablo. Pagod na siya sa pakikipagtalo sa anak. “Papa, ipapakita ko sa'yo at ipagmamalaki mo rin ako balang araw, mabuti pa si Mama, nauunawaan ako." sabi ni Klaeb. Binigyan naman ng masamang tingin ni Pablo si Zenia at binaling muli ang attention sa anak. “Eto ang mga card, bahala ka kung ano ang gagawin mo diyan. Hindi ko alam kung matatanggap pa kita! Sinuway mo ako, pero pagbibigyan kita." pagkasabi ay tumalikod na si Pablo at iniwan ang anak na masayang nakatitig na Platinum Card at iba pang ATM. MAPAIT NA NGUMITI SI KLAEB. MALI, MALI ANG MGA NAGING DESISYON NIYA NOON.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
463.9K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
499.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
602.9K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
465.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook