Nang magtagpo ang mga mata namin ni Fergus ay mas lalo akong nahiya. Hindi ko gusto na nakikita niya ako na ganito. Hirap na hirap at pinagpiyestahan ng mga tao. Gusto kong magtago, gusto kong tumakbo- pero ang katawan ko mismo ay ayaw na kumilos. Hindi ko na nakayanan ang kanyang pagtitig. Ako na mismo ang unang pumutol sa pagtitigan namin. Pakiramdam ko ay mas lalo ako nalulusaw. Nakikita niya ako sa ganitonng itsura, sa ganitong sitwasyon. Wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanya. Kumirot ang aking puso nang may mapagtanto ako na isang bagay. Bakit nga ba ako umaasa na ako talaga ang sadya ni Fergus. Iba naman talaga ang sadya niya at hindi ako. Bakit naman ako maniniwala sa sinasabi ni Natalia? Kahit nga siya ay puro pambobola lang ang sinasabi sa akin. Umaasa pa naman ako na s

