bc

my love is just for you

book_age4+
31
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
family
confident
heir/heiress
drama
twisted
secrets
sassy
sisters
like
intro-logo
Blurb

nagising na lamang si thefanny sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya...

"bethany,thank you lord,your safe.". sabi ng isang ginang na nakaupo sa gilid ng kamang kanyang kinahihigaan.

pagkalito ang mababanaag sa kanyang mukha dahil sa pagtawag nito ng bethanny sa kanya.

chap-preview
Free preview
theffany's puv
episode 1 hingal na hingal,at pawis na pawis na siya. subrang init kasi ng panahon,wala namang bago dahil magsusummer na. wala din naman syang magagawa kundi ang gawin na lamang ang mga bagay na lalaki sana ang gumagawa. kung naging mayaman lamang sana sya,kung sana hindi siya basta na lamang itinapon ng mga magulang niya. pero thankful parin naman siya dahil ang kanyang lolang si lola Pasita ang naging lola niya. kahit matanda na ito sa edad na limangpo ay malakas parin. ang kwento sa kanya ng butihing matanda. napulot lamang daw siya nito sa tapunan ng basura. isa kasing mangangalakal noon si lola pasita. pero simula ng mapulot daw siya nito nagpasya na itong bumalik sa nayon kaya hito nasa nayon silang maglola at doon na nanirahan. dahil kahit paano daw roon ay may desinte silang buhay. may maliit kasi itong lupain na pagmamay-ari sa nayon minana pa nito sa namayapang magulang. nagpatayo sila ng maliit na kubo-kubo. nagsasaka at pagtatanim ng sari-saring gulay ang ikinabubuhay nilang maglola. sympre pa ay kasa-kasama siya nito. pitong taon siya ng matutong tumulong sa kanyang lola sa pagtatanim ng gulay. kaya naman namulat sya sa hirap ng buhay at ang mga ganoong trabaho ay baliwala nalang sa kanya. sa kanya na nakaatang ang pangangahoy dahil matanda na ang kanyang lola at ayaw din niya itong umaakyat pa ng gubat,masyado na kasing dilikado para dito. siya naman ay bata pa at kabisado na niya ang halos lahat ng bahagi ng gubat na yon. at isa pa wala din naman kasing gagawa non kundi siya lang. pag dating niya galing school kanina ay dumiretso na siya sa gubat malapit sa kanilang lupain. bago makarating sa bukana ng gubat. ,kailangan muna niyang dumaan sa mababaw na bahagi ng batis upang makatawid. alas kwatro ng hapon ng siya ay umakyat kanina. , saglit lang naman siya dahil mabilis niyang napuno ang dalang sako na pinaglagyan niya ng mga tuyong sanga ng kahoy.. kaya naman bumaba na din agad siya ng gubat. papauwi na siya ng mga sandaling yon,kaya pasan pasan na niya isang sako ng tuyong kahoy na panggatong. papatawid na sana siya ng batis ng may marinig na parang humihingi ng tulong. "saklolo,,..... saklolo,.....".. ilang beses niya pang pinakikinggan kung saan iyon nanggagaling. nangmaisip ang mga kwento kwento sa kanilang baryo tungkol daw sa diwatang nagpapakita sa bahaging iyon ng batis, biglang tumindig ang kanyang balahibo. hindi naman siya nagpapaniwala sa mga ganoong bagay pero ng mga sandaling yon, parang gusto na niyang maniwala. kakaripas na sana siya ng takbo ng marinig muli ang pagtawag ng saklolo. "help me,please,anybody there?". tinig iyon ng isang lalaki. napagtanto niyang wala naman sigurong lalaking engkanto doon. "sino yan,may tao ba dyan?". sigaw niya. bahala na. kung engkanto o diwata man ang humihingi sa kanya ng tulong, o kung sino man. kung kaya naman niyang tulungan why not diba,? malay ba niya bigyan pa siya ng maraming pera bilang gantingpala niya sa pagtulong kung engkanto o diwata man ito. "baliw ka talaga theffany,nagmumukha kang pera". bulong niya sa sarili. "yes, please help me".sagot ng tinig ng lalaki na nagmumula sa di kalayuan malapit sa tatawiran niyang bahagi ng batis. pasan pasan ang isang sakong panggatong ay sinundan niya kung saan nanggagaling ang tinig. "ay palaka ka". nagulat na wika niya ng may sumungaw na ulo ng tao sa malaking bato. "im here". sabi ng lalaking namimilipit sa sakit nadulas yata ito at napilayan. "ang gwapo namang palaka nito., parang naniniwala na yata ako sa engkanto. "kinikilig pang bulong niya sa sarili. napatitig siya sa lalaki. kung ganoon ba naman kagwapong engkanto ie. kahit araw arawin siyang dalawin nito. napakatangos ng ilong nito. makakapal na paris ng kilay na bumagay sa pangahang mukha. napakapula ng labi nito na hindi pangkaraniwan para sa isang lalaki. "tutulungan mo ba ko o tatayo ka nalang dyan, at papanoorin mo nalang ako..". sabi nitong nakakunot ang noo. kaya naman bigla siyang natauhan sa pagkakaengkanto dito. . ang kaninang paghanga ay napalitan ng inis para sa lalaking humihingi ng tulong sa kanya. " aba,ikaw na nga tong hihingi ng tulong ikaw pa galit? bakit inutusan ba kitang pumunta dito sa batis ng magisa at magpadulas dyan tapos hihingi ng tulong sakin ha..?" masungit na sabi niya dito. "ie kung tinutulungan mo na kasi sana ako." . "bahala ka dyan tumayo ka magisa at umuwi ka mag isa mo.".aniya dito at tinalikuran na ito. pinasan niyan muli ang sako ng panggatong na ibinaba niya kanina. akma na siyang aalis ng magsalita ang lalaking masungit. "i'm sorry,.. hindi ko sinasadyang magsungit,masakit na kasi ang paa ko". narinig niyang sabi nito sa nagpapaawang tinig. napangiti naman siya, ayon panalo siya. aba talagang iiwanan niya ang masungit na lalaking ito doon. at malamang wala na itong mahihingian ng tulong kasi papagabi na. pumihit sya paharap muli sa lalaki. nakita niyang namimilipit parin ito sa sakit. pero kahit hindi na maipinta ang mukha nito, gwapo parin talaga. "ano ba kasing ginagawa mong magisa dito ha manong?" nangiinis na tawag niya ng manong dito. ayon bingo, nakita niyang kumunot nanaman ang noo nito sa sinabi niya. "hindi ako manong. i'm just twenty years old,." sabi nito. "manong padin kita fifteen lang ako ie.,,ang lampa lampa niyo naman po kasi manong." aniya dito habang hinihilot ng hadan dahan ang medyo namamaga ng paa nito saka tinalian ng dala niyamg panyo. hindi naman siya manghihilot, gusto lang niya kahit paano magkaroon ito ng pwersa para makatayo. kung tutulungan niya ito,hindi niya maiuuwi ang dala niyang isang sakong panggatong lagot siya malamang sa lola niya. "pwede ba stop calling me manong.". sabi nito na tila ba naiinis na. "okay po manong", . tatawa tawa niyang sagot. kinuha niya ang isang kamay nito at ipinatong sa may bikat niya ."oh, kumapit ka sakin manong,tutulungan, kitang makatayo, kailangan mong piliting maglakad kung hindi aabutin tayo ng dilim dito sa batis na to. may diwata pa naman daw na nagpapakita dito.". mahaba niyang wika dito. " awtssss.. masakit.". "ano ba yan,malayo pa sa bituka yan ie kalaki-laki mong tao.". " masakit nga ie, nakita mo ba namamaga na.". " kasalanan ko pa ngayon kung may pagkalampa ka.?". hinawakan niya ang kamay nito at pilit na tinulungang itayo. nakapatong ang isang braso nito sa balikat niya at ikinawit niya sa may bandang baywang ng lalaki ang isa niyang braso para sumuporta dito. kahit na malaking tao ito ay kayang kaya niya. sanay kasi siya sa trabahong bukid mula nagkaisip. dahil sa pagkakadikit ng katawan nila ay amoy na amoy niya ang mabagong amoy ng lalaki. ang natural na amoy nito, parang fresh na fresh parin ang amoy nito kahit pawis na. " tika parang amoy suka na yata ako" . sabi niya sa sarili. sabay amoy pa niya sa kili-kili kakit hirap na hirap na siya sa pag alalay sa lalaki. "what are you doing?". tanong nito sa kanyan. nakita yata nito ang ginawa niyang pag-amoy sa kanyang kili-kili. " wala.," maikling sagot niya. nakita niya sa sulok ng kanyang mata na napangiti ito kahit na panakanaka ay nangingiwi dahil sa paang may pilay. ibig sabihin ay nakita nito ang ginawa niyang pag amoy sa kanyang kili-kili. "anong itinatawa tawa mo dyan ?". nakasimangot na tanong niya. "nothing.". sabi nito alam niyang hirap na hirap din ito sa paglakad kahit nakaalalay pa siya. "bakit, inaamoy ko lang naman kili-kili ko nakakahiya naman kasi sayo.". sabay irap niya dito. " you're so funny.." sabi nito. nagkatawanan silang dalawa pero bigla din natigilan. hindi pa sila gaanong nakakalayo ng mga sandaling iyon. ng may naririnig silang mga sigaw sa di kalayuan. "zandro.........zandro........ sir zandro....." paulit ulit na sigaw ng mga boses na papalapit ng papalapit sa kanina. huminto sa paghakbang ang lalaking akay niya. "wait,.... did you heard someone?". tanong nito sa kanya. nanahimik naman siya at pinakinggan ang sinasabi nito. "sir zandro........zandro.......zandro..... asan na po kayo.?". tinig mula sa di kalayuan. "oo, parang may hinahanap sila". aniya dito. "they are looking for me.". sabi nito sa kanya. "here.......manong kadyo... here....". sigaw ng lalaking akay niya. sa kabilang panig ng batis ay nakita niya ang tatlong lalaki. may edad na ang isa sa mga lalaki at ang dalawa naman ay nasa trenta ang edad. mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila. nakita niyang alalang alala ang mga ito sa kasama niyang lalaki. "okay lang ba kayo.?" tanong ng isang lalaki. "sabi ko kasi sayo wag kang aalis mag isa.". ang matandang lalaki. "okay lang ako, nadulas ako sa isang bato kaya napilayan ako, pero malayo ito sa bituka." narinig niyang sabi ng lalaking kasama niya. at tumingin pa sa kanya. ginaya kasi nito ang sinabi niya kanina. mabilis na inalalayan ng dalawang lalaki ang tinawag ng mga itong zandro. ng aalis na sana ang mga ito, narinig niyang nagsalita ang lalaking tinulungan niya. "kadyo tulungan niyo syang buhatin ang dala niyang sako..". sabi nito. para itong hari kong makapag utos. ie mas matanda pa dito ang kanyang inutusan. "ah..... wag na po kaya ko naman po ito." tanggi niya. pero wala din siyang nagawa ng buhatin ng lalaking tinawag na kadyo ang dala niyang panggatong. narating nila ang dalawang daang magkahiwalay.ang isa ay papuntang nayon nila at ang isa naman ay papunta sa hacienda ng mga salcedo... pagmamay-ari ng salcedo ang halos malaking bahagi ng lugar nila. kaya naman kilalang kilala ang hacienda salcedo sa nayon.pero ang bali-balita matagal ng hindi nauwi sa hacienda ang pamilya ng nagmamayri ng hacienda. tanging ang mga katiwala na lamang ang naroon. " dito na ho ako, " sabi niya. at huminto sa paglalakad. " ipapahatid na kita kay kadyo.". sabi ng lalaking tinulungan niya. "wag na ho manong.". sagot niya. "zandro,. hindi manong ang pangalan ko.". masungit na wika nanamn nito. akala mo pinaglihi sa sama ng loob. "okay zandro na kung zandro, kaya ko ng umuwi magisa. nakapunta nga ko ng gubat ng magisa ie. hindi naman ako lampa na gaya mo.",. sabi nya sa inis dito. nakita niyang nangunot nanaman ang noo nito. hindi nalang niya ito pinansin at kinuha ang dalang sako ni manong kadyo at pinasan iyon. " salamat po sa pag tulong manong kadyo.". tumango lamang ito. "parepareho yatang pinaglihi sa sama ng loob tong mga ito,hindi man lang marunong ngumiti.". bubulong bulong na sabi niya sa sarili. tumalikod na siya sa mga ito. alam niya kasing hindi taga nayon ang mga lalaking yon. ngayon lamang kasi niya nakita ang mga ito doon. baka nga mamaya.mga engkanto nga ang mga ito at bigla nalang maglaho pagtalikod niya. kaya naman pinakikiramdaman niyang maigi ang mga ito. malay ba niya baka bigyan siya ng ginto dahil sa pag tulong niya sa hari ng mga ito. " hey.....what is your name.?". nagulat pa siya ng marinig ang boses ng lalaki. dahan dahan siyang lumingon. nakita niyang nakatayo parin ang mga ito sa pinag-iwanan niya sa mga ito. hindi pa naman siya gaanong nakakalayo. alanganin pa siyang sabihin ang pangalan baka kasi tutuo ang kanyang iniisip. nagtatayuan tuloy ang kanyang mga balahibo. " theffany,.".namalayan nalang niya ang sariling sinabi ang pangalan dito. hindi na ulit sumagot ang lalaki. kaya naman malalaking hakbang ang ginawa niya,palayo sa mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook