bethany's puv

1257 Words
episode 2 "where are you going?". maawtoridad na tanong ni mr. salvador sa anak na si bethany. dahan dahan kasi itong naglalakad sa pasilyo ng mansyon ng mga salvador,patingkayad at bitbit ang dalawang paris ng sapatos. napahinto ito sa paglalakad ng biglang sumindi ang ilaw.. huling huli si bethany salvador,ang spoiled brat na anak ni mr.reymond salvador. kagat labi na napangiwi siya ng mga sandaling yon. graunded kasi siya, hindi pwedeng lumabas ng mansyon ng walang pahintulot ng ama. paano ba naman kasi, muntik na siyang madamay sa ginawang rid sa isang bar last week. minorde-edad pa naman siya. dahil fifteen years old palang siya. buti na lamang at kakilala ng ama ang pulis na nakahuli sa kanya. kung hindi ay isang malaking kahihiyan iyon sa pamilya. lalo pa at siya ang nagiisang taga pagmana ng salvador motor&parts tradings. ang pangalawa sa pinakamalaking motor trading ng bansa. oo pangalawa dahil ang SALCEDO motor&parts tradings company ang nangunguna sa bansa at kakumpitinsiya ng kanilang business. kung sakaling nalagay siya sa news last week. siguradong bagsak ang companya ng ama. "i get bored dad.". palusot niya. "so, kasalanan ko ba kung nabobored ka.?". seryusong tanong ng ama. doon naman lumabas ang ina sa likod ng kanyang ama. "what's happening".,naalimpungatan pa yata ang kanyang ina na si mrs. silvia salvador. "pagsabihan mo yang anak mo, at baka hindi ko na siya matanto ay maitapon ko siya sa malayong lugar na hindi niya magugustuhan hangga't hindi sya nagtatanda..". galit na wika ng kanyang ama at tinalikuran na silang mag-ina. parang mas gusto pa nga niya ang sinabi ng ama,kung ipapatapon siya nito sa malayong lugar baka mas maging masaya pa buhay niya. "saan ka nanaman ba kasi pupunta anak.?" mahinahon na tanong ng kanyang ina. "naboboring na kasi ako ma, gusto ko lang naman lumabas saglit ie." "pero alam mong graunded ka diba?". "sorry,!!!". aniya at padabog na bumalik sa kanyang kwarto. narinig pa nga niya ang pag buntong hininga ng kanyang ina. ang kanyang ina lamang ang kanyang kakampi sa bahay na yon. kaso hindi siya nito kinampihan ngayon. nakakainis diba. pabagsak na nahiga sa kanyang malambot na kama at kinuha ang malambot na unan,itinakip sa kanyang mukha. parang mababaliw na siya sa kanyang sitwasyon. bakasyon naman bakit ba kasi ang hirap mabuhay sa ganoong klase ng buhay. oo nakukuha niya lahat ng gustuhin niya. pero hindi siya masaya. minsan iniisip niya na sana naging isang simpling buhay na lamang ang mayron siya. siguradong ma-eenjoy niya ang kanyang buhay dahil walang mga camerang nakatutok sa bawat kilos niya. napabuntong hininga siya. at bumangon sa pagkakahiga.sumalampak sa sahig,ginulo ang mahabang buhok. nagbar lang naman kasi siya para malibang ie, pero lahat nalang ng ginagawa niya bawal. siya si bethany salvador,ang nagiisang anak ni mr.reymond salvador at mrs.silvia salvador. lahat ng gusto niya ay nasusunod at nakukuha alam niyang mahal na mahal lang naman siya ng mga magulang. nakita nga niya ang subrang pagaalala sa mukha ng ama at ina ng makita niya ang mga ito sa presinto ng mahuli siya last week. umiiyak ang kanyang ina, paulit ulit nitong sinasabing mahal na mahal siya ng mga ito at hindi na hahayaang maulit muli ang nangyare 14 years ago. nalilito man dahil nagmumukhang OA na ang kanyang ina ay naiintindihan naman niya ito. . . . . . . mga katok sa kanyang kwarto ang gumising sa kanya. halos hindi maimulat ang kanyang mga mata dahil hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi. nakakainis kasi. "come in.". aniya sa boses na antok pa. "good morning sweetheart,". narinig niya ang malambing na boses ng ina. binuksan nito ang kurtina ng kanyang bintana. kaya naman lumiwanag ang buong kwarto. nasilaw siya sa liwanag na pumasok sa loob ng kwarto sa ginawa ng ina kaya kinuha ang unan na nadampot at itinakip sa kanyang mga mata. "mom,.... antok pa po ako.". "come on, breakfast in bed." sabi nito at kinuha ang unan sa kanyang mukha. " i'm sorry last night my love,. alam mo namang pinuprotiktahan kalang namin ng dad mo.,". sabi nito. kaya kahit inaantok pa bumangon na siya sa higaan dahil sa narinig na sinabi ng ina. "i know mom, i'm sorry". at niyakap niya ng mahigpit ang ina. niyakap din siya nito,at hinaplos haplos ang kanyang likod. nang lumayo siya dito, nakita niya ang luha sa mata nito at mabilis na pinunas iyon ng likod ng palad. ". are you crying mom?". tanong niya dito. "no, hito kumain kana,". paiwas na sabi nito sa tanong niya. at kinuha ang tray na nakapatong sa side table ng kama niya. minsan parang nagiging sensitive at OA na talaga ang kanyang ina pag tungkol sa kanya ang usapan. hindi na lamang niya iyon pinansin dahil alam niyang hindi naman ito magsasabi sa kanya. lagi kasing ganoon ang ina. nasasakal na nga siya sa pagiging protective ng mga ito minsan sa kanya. oo nga at spoiled siya sa mga ito,pero hindi niya naman magawa ang gusto. bigla siyang nagutom ng maamoy ang mabangong pagkain na dala ng kanyang ina. mukhang masarap iyon, inamoy amoy pa nga niya iyon ie. "i know you like it sweetheart,". nakangiting sabi ng ginang. napatingin siya dito. "alam kong paborito mo yan,kaya naman ako mismo ang nagluto.,". "how did you know?.". " nagtanong ako kay manang, yan daw kasi lagi mong pinapaluto sa kanya.". napangiti siya. ayaw kasi ng inang kumakain siya ng mga frozen food. hindi daw iyon masustansiya. kaya naman patago kong magpaluto siya ng tucilog kay manang,. " diba ayaw mong-....". hindi na niya naituloy ang sasabihin, sinubuan kasi siya ng ginang. " kumain ka nalang,at wag na magtanong anak.". nakangiti nitong wika. napangiti na lamang at kumain na siya. " anyway,, after you finished,take a bath sweetheart, nagpaalam ako sa dad mo na magmamall tayo...". " talaga mom?". tuwang tuwa siya sa narinig. "yes, kaya bilisan mo na diyan, magaayos na din ako,.". sabi nito at tumayo na. " opo,". "ipapakuha ko nalang kay manang yang pinagkainan mo. ". lumabas na ito ng kwarto niya,matapos halikan ang kanyang noo. yon naman ang gusto niya sa kanyang ina. alam nito kung saan ang kiliti niya. mukha yatang makakalaya na siya sa pagkakakulong sa loob ng mansyon. matapos kumain, mabilis siyang naligo at nagbihis. ng matapos ay lumabas na ng kanyang silid. nasa sala na ang kanyang ina. nakita niyang may batang babaeng nakatayo sa likod ng kanyang ina. sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nila. baka nga magkasing edad pa sila. nangunot ang kanyang noo at tumaas ang kilay. "who is she mom?" mataray na tanong niya. nakangiting tumayo ang ina. "si monic,, anak ni manang karing,." tukoy nito sa isa sa kasambahay nila. isang taon pa lamang sa kanila ang tinukoy na kasambahay ng kanyang ina. "why she's here?". nakita niyang nawala ang ngiti sa labi ni monic at yumuko. "kinuha siya ng kanyang ina para may makasama tayo dito, she's going to school with you.". mas lalong nangunot ang kanyang noo. "magiging kasama mo siya,wherever you go.". narinig niyang wika ng ama na palabas galing ng kumedor. " hindi ko kailangan ng kasama dad,.i have lots of friends.". tutol niya. "anong gusto mo hindi kana makakalabas ng bahay na ito kahit kailan o makakasama mo si monic wherever you are?". matigas ang boses ng ama. at alam niyang hindi na nito babawiin ang mga sinabi. ang kaninang saya at tuwa sa kanyang mukha ay biglang naglaho. padabog na nauna na siyang lumabas ng bahay. wala naman siyang magagawa ie. "nakakainis talaga". bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD