nakabalik ng mansyon si zandro.
buti nalang talaga at hinanap siya ng kanyang mga body guard at ng driver niyang si manong steban.
at buti nalang din at may babaeng tumulong sa kanya.
noong unang makita niya ito habang pasan ang isang sako sa likod, akala niya ay lalaki ito. nakasumbrero kasi ang babae na kasuot ng manong at maluwag na pantalong maong. t-shirt na maluwag. nakabota ang mga paa at may itak na nakasuksuk sa may baywang niyo.
natakot pa nga siya ng makita ang itak na nasa baywang nito.
bigla siyang napangiti ng maalala ang itsura ng babaeng tumulong sa kanya sa may batis.
kakaiba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya.
ang mga babae kasing lagi niyang nakikilala ay kulang nalang maghubad na sa harapan niya.
sa tingin niya dito kanina ay halos magkasing edad lang sila. pero bata pa pala ito.
isang matapang na babaeng kanyang nakilala ngayun ngayun lang.
napangiti siya ng maalala ang babae.
napatingin sa kanya ang matandang babaeng nanghihilot ng paa niya.
napansin yata nitong napangiti siya.
"aray masakit,.". sabi niya at napangiwi.
kaya nataranta ang matanda at dahan dahan ang ginawa nitong paghilot sa paa niya.
matapos hilutin iyon ay may itinapal itong mga kong anong dahon dahon.
hindi niya alam kong anong pangalan ng dahon dahil hindi naman siya lumaki sa lugar na yon.
ang pagkakaalam niya ay baby palang siya ng nagpasyang manirahan sa syudad ang mga magulang. kinailangang iwan ang hacienda nila. dahil kailangan ang kanyang ama sa negosyo ng pamilya.
mas pinili kasi ng uncle niya ang tumira sa ibang bansa.ito ang dating namamahala ng companya nila.
kaya walang nagawa ang ama kung hindi ito ang magpatuloy sa iniwang negosyo ng kanyang lolo.
mapapansing luma na ang lahat halos ng kasangkapan sa mansyon na yon.
ang kulay ng bahay ay nababakbak na.
nakakalungkot isipin na napabayaan na ng pamilya nila ang mansyon kong saan lumaki at nagkaisip ang ama.
bakit nga ba nagpasiya siyang umuwi sa lugar na yon? ay hindi din niya alam.
siguro upang makilala ang babae sa batis.napangiti syang muli ng maisip ang babae.
"senyorito, okay na po ba ang paa niyo.?". narinig niyang tanong ng matandang babaeng katiwala nila sa mansyon.
"okay na po ako,sa seyudad na ko magpapagamot pag balik ko bukas.". sabi niya dito.
"aalis na po agad kayo bukas?". tanong ng matandang babae.
" opo, tinawagan ako ni dad. kailangan ko daw pong makabalik na bukas.".
nakita niya ang lungkot sa mukha ng matanda.
biglang may humaplos sa kanyang puso.
oo masungit at arogante siya. sabi nga ng kanyang ina. madaming yaya ang sumuko sa kanya noong bata pa siya.
pero may bahagi ng pagkatao niya ang mabilis malusaw,gaya ng mga sandaling yon.
alam niyang masaya ang matandang babae ng makita siya nito kahapon ng dumating sila roon.
hindi nga ito makapaniwalang siya ang batang si zandro.
niyakap pa nga siya nito.
ito kasi ang naging yaya ng kanyang ama mula isinilang ito.
at ng isilang siya ay ito ang nagalaga sa kanya.
bago sila umalis sa lugar na iyon.
.
.
.
.
kinabukasan maagang naghanda sa pag alis si zandro.
bago sumakay sa kotse ay sinulyapan niyang muli ang mansyon.
sa tingin niya ay parang ang lungkot lungkot ng mansyon na yon.
napabuntong hininga siya.
gusto sana niya muling bumalik sa batis bago umalis.
baka sakaling makita muli ang babaeng tumulong sa kanya kahapon.
ngunit kailangan na niyang umalis.
isang sulyap pa muli ang kanyang ginawa.
nakatayo sa harap ng pintuang malaki ang matandang katiwala.
kumakaway ito, nakangiti pero bakas ang lungkot sa kulubot ng mukha nito.
kumaway siya dito.
"pangako babalik po ako.". bulong niya sa sarili. alam niyang siya lang nakarinig sa kanyang sinabi.
"sir,..tara na po.". sabi ni kadyo at pinagbuksan na siya ng pintuan ng sasakyan.
.
.
.
.
."excuse me sir.". tinig mula sa pinto ng kanyang opisina. biglang bumalik ang kanyang alaala sa kasalukuyan.
he signed.
"yes.?". tanong niya dito at inangat ang mukha.
" andito po ang daddy niyo.". sabi nito.
" let him in.".
ibinukas ng maluwag ng secretary ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa nito ang kanyang amang si don. vecinte salcedo.
kahit may edad na ito ay mababakas parin ang gandang lalaki nito noong kabataan niya.
"how are you son.?". nakangiting bungad ng ama.
" i'm good dad." tumayo sa kanyang office chair umikot at sumalubong sa ama.
niyakap ito bilang pagbati dito.ganoon din ang ginawa nito bago naupo sa sofang naroon.
"ano pong atin,at napadalaw kayo.?". tanong niya dito.
" binibisita ka, hindi ka kasi nauwi sa bahay, pinapapuntahan ka ng mommy mo.". sabi nito.
mula kasi ng magtrabaho siya sa kanilang companya ay humiwalay na siya ng tirahan sa mga magulang.
bumili siya ng sarili niyang pad.at doon na nanirahan.
" i'm bussy dad.".
"i know,... kaya nga minsan nagsisisi ako kung bakit ipinasa ko na agad sayo ang pamamahala ng companya natin.".
napabunting hininga siya sa sinabi ng ama.
mula magtrabaho siya sa kanilang companya naging hard working siya. hindi gaya dati.
wala siyang iniisip kung hindi gumastos,magbakasyon at mangbabae.
mula ng dumating siya galing probinsiya ng ama, parang gusto nyang maging isang kapakipakinabang na tao sa lipunan.
natuwa nga ang ama at ina sa naging desisyon niya.
dati papasok siya ng opisina kong kailan niya lang gusto.
at madalas ang pera ng companya nila ang ginagastos niya para sa lahat ng luho niya.
"bibisitahin ko naman si mommy dad pag nakaluwag luwag ako sa schedule ko,.". nakangiti niyang wika dito.
" dapat lang hijo at baka ang mommy mo na ang pumunta dito.".
ngumiti siya sa ama.
"so kumusta ang companya.?" pag iiba nito ng tanong.
"going good dad, don't worry about it.".
"i know hijo,. i trust you. anyway im leaving at mukhang nakakaabala na ko.". at tumayo na.
tumayo na din siya para ihatid sa pintuan ang ama.
"this weekend umuwi ka sa mansyon.". sabi nito bago umalis at hindi na hinintay ang sagot niya,alam kasi nitong may alibi nanaman siya.
nasundan na lamang niya ng tingin ang ama.