episode 4

1022 Words
"oooppppppssssssss.....ohhhhhhhhh...". nagmamadaling hinabol ni theffany ang papasara ng elevetor. first interview niya kasi ng araw na yon, at kung sakaling makapasa siya ito ang unang una niyang magiging trabaho. ngunit hindi siya nakahabol, dahil tuluyan ng sumara ang pinto ng elevetor. inis na inis siya. subra kasing traffic, tinanghali siya ng gising dahil hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi. sa kakaisip kung ano ang isasagot sa interview niya. at hito pawis na pawis na siya. naka-long sleave pa naman siya ng kulay puti. naka skirt at sapatos na may 2 inches ang heels. hiniram niya pa nga yun sa kaibigang tinuluyan niya. tiningnan niya ang kabilang elevetor ngunit sira pala iyon. under maintenance ang nakalagay doon. at mukhang matagal pa bago makababa muli ang elevetor na hindi niya inabutan. inis na inis na tinungo niya ang fire exit. wala siyang choice kundi ang maghagdan. mabibilis ang hakbang paakyat ng hagdan,may patakbo takbo pa nga siya. kaya naman ng marating niya ang floor na sinabi ng guard ay hingal na hingal na siya,kulang nalang mapatid na ang kanyang hininga. ikaw ba naman akyatin mo ang siyam na palapag. paglabas ng fire exit mabilis na isinuot ang sapatos na binitbit niya kanina ng paakyat siya ng hagdan. nang iangat niya ang kanyang ulo, halos lahat ng taong naroon ay nakatingin sa kanya. ngumisi siya at itinaas ang kamay. "hi.!". aniya sa mga ito. at biglang napangiwi. ang haba ng pila, so ang dami palang nag aaply. tapos ang hitsura niya ng mga sandaling yon. sabog ang mahaba at wavey niyang buhok.naiimagine niya ang hitsura ng mga sandaling yon. mukha siyang nakipagsabunutan malamang. kaya kong makatingin sa kanya ang mga aplikanteng naroon ay mapanuri. at ang suot nyang blouse basang basa sa pawis lalo na ang sa bandang kili-kili niya. napangiwi siya. "pagminamalas ka nga naman.". bulong niya sa sarili. kung may pinakamalas na yata sa buong mundo. nasa top 10 siguro sya. "theffany catakutan". narinig niyang tawag ng isang babaeng lumabas sa pintuan na naroon. na sa tingin niya ay ang interview room. " ako.....ako.....ako po yon...." nagmamadali niyang inayos ang sarili. theffany ang pangalang nakalagay sa lampin na nakabalot sa kanya ng baby pa siya ng mapulot siya ng kanyang lola pasita. kaya naman theffany na ang tmitinawag sa kanya ng kanyang lola. okay naman ang pangalan niya,pero ang surename niya napakabaho. napangiwi tuloy siya sa kanyang surename. napapatingin sa kanya ang mga gaya niyang aplikanteng naroon. pag pasok sa loob ng silid. "hi po sa inyong lahat good morning.". sabi niya at itinaas pa ang kamay at ikinaway kaway iyon. nakatutok lahat sa kanya ang mapanuring mga mata ng mag iinterview sa kanya. dahan dahan niyang ibinaba ang kamay. patay na parang si miss minchin ang isa sa mga iyon.ang isa naman ay mukhang dragona. parang nawalan siya ng pag-asa ng mga sandaling yon. "alam mo ba kung nasaan ka miss?" tanong ng babaeng mukhang si miss minchin. "opo, interview po ito diba bilang secretary.?".balik tanong niya. nagulat siya ng biglang ibagsak nito ang palad sa mesa. "so hindi ka sigurado sa inaaplayan mo.?". tanong nitong muli. " sigurado po." "anong alam mo sa trabahong inaaplayan mo.?" balik tanong muli ng babae. bakit naman kasi nalilito siya sa mga tanong nito. parang pinaiikot ikot nalang kasi nito ang tanong sa kanya. subrang hirap pala mag apply ng trabaho. "okay next please.". sabi ng babae ng hindi na siya muling nakasagot sa tanong nito. "ma'am teka lang po need ko po tong trabaho na to.". "i said next.". sigaw ng babae. kaya naman hinawakan na siya sa braso ng babaeng tumawag sa kanya kanina at inakay palabas. lulugo lugo siyang lumabas ng silid na iyon. nakita niyang nakangiti ang ibang mga aplikanting nadaanan niya. ang sarap sapakin. parang gusto tuloy niyang manapak. kakainis talaga. . . . . . paglabas ng building kong saan siya nag-aapply ay naglakad lakad muna siya. may nadaanan siyang nagtitinda ng fishball. napalunok siya. bigla siyang nakaramdam ng gutom. kinuha niya ang wallet na nasa loob ng kanyang bag. at binuksan iyon. nanglulumo siyang napabuntong hininga. sakto nalang kasi yon para sa pamasahe niya sa jeep. jusko naman talaga. pag malas ka talaga. napapalunok nalang siyang nilagpasan ang nagtitinda ng fishball. mataas na ang araw ng sandaling iyon kaya subrang init. idagdag pa ang mga usok ng sasakyan. kaya halos lahat ng alikabok ay dumikit na sa kanyang katawan. nilakad niya ang may isang kilometrong layo ng sakayan ng jeep pauwi sa kanyang tinutuluyan. dahil kong sasakay pa siya siguradong hindi na aabot ang pamasahe niya. nakarating siya sa boarding house ng kaibigan at kababatang si miles. " oh kumusta naman ang interview mo bakla.?". masayang tanong nito.pero naglaho din ang ngiti nito ng makita ang kanyang itsura. nakasimangot kasi siya at lulugo lugo. "babalik nalang ako sa nayon bakla.". at derederetsong pumasok sa loob at pabagsak na naupo sa lumang sofang naroon. "oh bakit naman.?" nakasunod ito sa kanya at naupo sa tabi niya. " malas ie, ". "nawalan kana agad ng pag-asa, unang try mo palang naman ah.?". "tingnan mo naman itsura ko bakla??" at pumalayaw ng iyak. "oyyy..... thefanny catakutan,akala ko ba hindi ka basta basta natitibag.?" "mukhang ngayon palang mangyayare". sagot niya dito at pahikbi hikbi pa. "aba kung hindi ka nakapasa,sila ang nawalan hindi ikaw diba.?" pagpapalakas pa ng loob nitong sabi. "tama-tama." at umayos ng upo. biglang tumunog ang kanyang tiyan. patay. "hindi kapa ba kumakain.?". tanong ng kaibigan dito. "hindi pa nga ie, ng dahil sa interview na yon.". "buti pala nakaluto na ko.". tumayo na ito at naghain sa maliit na lamesa. "uuwi nalang ako ng probinsiya.". aniya sa pagitan ng pagsubo. "akala ko ba magttry ka muli.?"tanong ng kaibigan. "hindi na, isa pa kailangan ako ni lola.matanda na siya,kung wala dito ang swerte ko siguro talagang nasa nayon.". "buo na ba desisyon mo??". tumango tango siya. kakagraduate lamang niya ng vocational course sa kanilang nayon. at dahil nga sa gusto niyang masubok ang buhay sa seyudad kaya nagpasiya siyang lumuwas. at ayon nga sa kaibigang si miles siya nakikituloy ngayon. ayaw ngang pumayag ng kanyang lola. kaso mapilit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD