nakatanaw sa bintana ng bus na sinasakyan niya si theffany pauwi ng kanilang nayon.
maaga siyang gumising kanina.
hinatid pa siya ni miles sa terminal ng bus.
nalungkot ito ng umalis na siya.
gusto parin naman sana niyang mag try ulit kaso.
naaalala niya ang kanyang lola. siguradong malungkot at nagaalala na ito sa kanya.
halos isang buwan na siya sa seyudad. marami na rin siyang pinasahan ng kanyang resume pero isa lang ang tumawag sa kanya para sa interview at minalas pa.
hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya.
nagising lamang siya dahil parang gumigiwang giwang ang bus na kanyang sinasakyan. at nagtitilian at sigawan ang mga kagaya niyang pasahero.
napakapit siya ng mahigpit sa bakal na nasa likod ng upuan ng bus.
abot ang kanyang pagdarasal ng mga sandaling yon.
" lord,,please po wag niyo muna akong kunin, hindi pa po ako nakakapag asawa.gusto ko pa pong makita ang magandang lahi ko.hindi pa po talaga ako handang mamatay,at ayaw ko pong mamatay na virgin please po lord.".
nakita niyang nakatingin sa kanya ang katabi niya sa upuan na takot na takot ding nakahawak sa bakal. kaya kahit takot na takot na din siya ay ngumisi siya dito.
nawalan daw ng preno ang bus kaya naman gigiwang giwang iyon.
tuloy parin sya sa pagdarasal ng biglang may mabangga sa unahan ang bus na kanyang sinasakyan.
bago ito bumangga sa isang malaking puno sa halos gilid na ng bangin.
mahilo hilo siya ng mga sadaling iyon.
pero pinilit niyang nilabanan ang hilong nararamdaman kailangan niyang mailigtas ang sarili.
mga iyakan at paghingi ng saklolo ang tangi niyang naririnig sa loob ng bus.
gusto niyang tulungan ang mga ito,kaso wag muna ngayun,.galit galit muna kumbaga.
pinilit niyang makatayo sa kinauupuan medyo nayupi iyon at dumikit sa kasunod na upuan. may mga galos din siya.
nang matapat sa driver ng bus nakita niyang nakasubsub ito sa manubela at duguan may mga ilang pasahero din pinipilit makalabas sa bus na yon.
ng makalabas.
pilit siyang naglakad palayo sa bus na kanyang sinasakyan.
napahinto siya sa paglalakad na halos paika ika ng makarinig siya ng humihingi ng tulong sa loob ng kotseng bumangga sa kanila.
nagulat siya sa nakita.
duguan ang babaeng naroon,
ngunit kahit duguan ang mukha nito para bang nakikita niya ang mukha sa babae.
sinampal niya ang kanyang sarili.
"lord, hindi pa naman po ako patay diba.?".tanong niya sa sarili.
" help me,please.," paghingi ng tulong ng babaeng kamukha niya sa hirap na hirap na tinig. ang driver ng kotse ay duguan at wala ng malay.
may babae din itong katabi sa kaliwang bahagi ng kotse.
hindi siya namamalikmata o nanaginip.
humihingi nga ng tulong ang babaeng kamukha niya.
"bakit ba laging ako lord?".tanong niya at tumingala pa.
kahit hirap na hirap at medyo nahihilo pa ay tinulungan niya ang babae.
nang mailabas ito sa sasakyan,inalalayan niya itong makalayo doon.
ngunit huminto sa paglakad ang duguang babae.
"please help monic.". pagmamakaawa nito.
natigilan siya.
gusto ba nitong iligtas niya pa ang babaeng nasa kotse.
hindi siya si darna aba, parang tingin yata nito siya si superwoman.
hindi din siya bayani noh.
hindi niya itataya ang buhay para lang mailigtas pa ang babae sa loob ng sasakyan.napansin kasi niyang naglilick na ang gasolina ng sasakyan.
kaya kahit hirap na hirap ay pinilit niyang iligtas ang babae dahil buhay pa ito.
at isa pa ay kamukha niya ito.
nawalan na ng malay ang babaeng tinulungan niya. pero bago mawalan ng malay ay hinawakan siya nito ng mahigpit sa kamay.
kaya hito, nag-ala superwoman nanaman po siya.
binalikan nya ang nakatagilid na sasakyan.
at pilit na inilalabas doon ang isa pang babae. na ang sabi ng kamukha niya ay monic ang pangalan.
buhay pa ito,pero ang driver ay patay na dahil wala na siyang maramdamang pulso.
hirap na hirap niyang nailabas ang babae. hindi pa sila nakakalayo ng bigla sumabog ang kotseng pinanggalingan nila.
tanging ang malakas na pagsabog na lamang ang huli niyang natandaan.
.
.
.
.
.
.
buwan ang lumipas pagkatapos ng aksidenteng iyon.
pero parang isang libong taong siyang nakatulog ng mahimbing.
at ngayon, muli siyang nagising sa pagkakahimbing.
dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
nasilaw siyang bigla dahil sa liwanag,kaya ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata.
pilit na iginagalaw ang kanyang kamay.
pakiramdam kasi niya namamanhid iyon at hindi niya maigalaw.
"bethany, thank you lord your safe." narinig niyang wika ng isang tinig.
kaya pinilit niyang imulat ang mata.
nakita niya ang isang ginang na nakaupo sa gilid ng kama.
hindi niya maintindihan wala siyang matandaan.
bakit tinawag siya nitong bethany, alam niyang hindi bethany ang kanyang pangalan.
"nurse,....... nurse...... gising na ang anak ko.". hindi magkamayaw ang ginang na nagisnan niya.
gusto niyang magsalita,gusto niyang magtanong pero walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig.
nakita niyang may mga pumasok na nakaputing kasuotan sa kwartong kinaroroonan niya. may naaninag siyang iba pang taong nakapaligid sa kanya. ngunit pawang hindi niya kilala.
nasaan ang kanyang lola pasita.?
bakit ibang mga tao ang naroon.?
nasaan ba siya?
bakit puro puti ang nakikita niya?
nasa langit na ba siya?.
at marami pang katanungan sa kanyang isip.
"safe na po siya,mrs. wala na po kayong dapat ipagalala.". narinig niyang wika ng tinig ng isang lalaki.
"maraming salamat doc.". umiiyak n boses ng ginang na namulatan niya kanina.
" tahan na honey, gising na ang anak natin.". isang boses pa ng lalaki.
"akala ko tuluyan na tayong iniwan ng anak natin,reymond.at alam mong hindi ko kakayaning mawalan pa muli ng isa pang anak.". ang ginang muli.
nalilito sya sa nangyayari ng mga sandaling yon.
"ano bang pinagsasabi niyo,? hindi ko kayo maintindihan.? hindi ako si bethany,hindi ako ang anak niyo, alam kong hindi bethany ang pangalan ko, asan ang lola ko.". mga katanungang siya lang ang nakakarinig.
iminulat niyang muli ang mata, nakita niya ang isang may edad na lalaking yakap ang ginang na namulatan niya kanina habang hinahaplos nito ang likod ng babae. gusto niyang magsalita ngunit pakiramdam niya unti unti na siyang hinahatak ng antok.
"it's okay sweetheart, magpahinga ka muna.". yon lang at nawalan na siyang muli ng malay.