episode 6

1003 Words
kinabukasan..... muling nagising si theffany sa pagkakatulog. at gaya ng dati ang ginang na namulatan niya kahapon ang naroon at matiyagang nagbabantay sa kanya. hawak nito ang kanyang mga kamay. parang napakasarap sa pakiramdam ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. pakiramdam niya ay mga kamay iyon ng kanyang ina. biglang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. sa loob ng 25 years... ngayun lang niya naramdaman ang ganoong klaseng pakiramdam. parang lahat ng bigat at sakit na nararamdaman niya ng sandaling yon ay naglaho. nakayukyok ang ulo ng ginang sa gilid ng kama. pinagmamasdan niya ang may kulubot ng mukha nito. maganda ang ginang kahit pa nga may edad na ito. naramdaman yata nitong nakatitig siya dito kaya nagising ito. isang matamis na ngiti ang bumungad sa maamong mukha ng matanda. " gising kana pala anak.?kumusta na ang pakiramdam mo,? may masakit pa ba sayo.?" sunod sunod na tanong nito. umiling siya. "may gusto kabang kainin? sabihin mo lang at ipagluluto kita.gusto mo ba yung paborito mong tocilog?". sunod sunod na muling tanong nito. napaisip siya sa sinabi nito. hindi naman niya paborito ang tocilog. kung maaari nga ie ayaw niyang kainin yon. nakakasawa na kaya yon. ay oo nga pala hindi nga pala siya si theffany ng mga sandaling yon.pinagkakamalan nga pala siya nitong bethany ang anak nitong niligtas niya at nawawala ngayon. muli siyang umiling. "alam mo bang subra ang pagaalala ko, buti nalang at nakaligtas kayo ni monic.".kwento ng ginang. parang nagkaroon siya ng interest sa sinasabi nito. "ano po bang nangyare sakin.?" tanong niya sa mahinang tinig. "nabangga ng isang bus na nawalan ng preno ang kotseng sinasakyan niyo ni monic. nakakalungkot isiping wala na si manong domeng.". napapaisip siya sa sinasabi ng ginang.ang pagkakaalam niya,sa isang bus siya nakasakay ng mga sandaling yon. sino si manong domeng at monic. teka sila ba yong tinangka niyang iligtas. malabo kasi sa kanyang alaala ang lahat ng nangyare. '"ano pong ibig niyong sabhin.?" "patay na si manong domeng hindi siya nakaligtas sa aksidente, mabuti na lamang at nakalabas kayo ng sasakyan ni monic.". " nasaan po si monic.?" tanong niya. "wag kang magalala sa kanya anak ligtas siya.". kung nailigtas niya ang babaeng naiwan sa kotse.nasaan ang babaeng kamukha niya,. na una niyang niligtas. napapikit ang kanyang mga mata, parang biglang sumakit ang kanyang ulo. "bethany anak. may masakit ba sayo.?" nagaalalang tanong ng ginang hinaplos pa nito ang kanyang buhok. ahhh sana ito nalang ang kanyang naging ina, napakasarap sa pakiramdam ang may isang inang nagaalala para sayo. napansin siguro nitong napapikit siya. bakit ba lagi siya nitong tinatawag ng bethany. hindi kaya bethany ang pangalan ng babaeng kamukha niya.? magkamukhang magkamukha ba talaga sila ng babaeng yon. at hindi man lang marecognized ng ginang na ito na hindi siya ang anak nito. parang gusto na lamang niya muling matulog. at sana pag gising niya nakabalik na siya sa kung sino siya. . . . isang lenggo pa siyang nagtagal sa hospital bago inuwi ng mga taong nagaakalang siya si bethany. namangha siya sa laki ng bahay na kanilang inuwian. hindi masasabing basta bahay lang iyon kung hindi isa itong palasyo sa laki. kinusot niya ang kanyang mga mata. "nasa fairytale na ba ako.? ako na ba si cenderella?". tanong niya sa sarili. nakita niyang napalingon ang ginang sa kanya. " are you okay hija?" nag-aalala nitong tanong. tumango tango lamang siya. palihim pa nga niyang kinurot ang sarili. kong nananaginip lang siya,sana hindi na muna siya magising. pinagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan. pag baba niya sumalubong ang mga nakauniform na kasambahay sa mansyon na yon. may mga hawak na baloon,may cake pa at may karatulang may nakalagay na "WELCOME HOME BETHANY". bethany nanaman. bigla siyang nakaramdam ng lungkot. parang pakiramdam niya ibang tao siya. hindi siya si theffany ng mga sandaling iyon. "hindi mo ba nagustuhan anak.?". biglang nawala ang ngiti sa labi ng ginang.napansin yata nito ang lungkot sa kanyang mukha. "ho?!..... hindi po....opo,... nagustuhan ko,maraming salamat po.". nagulat pa siya ng biglang may lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "thank you po ma'am bethany sa pagligtas sakin.". sabi nito. so ito pala si monic,ang babaeng iniligtas niya, na naging dahilan kung bakit naroon siya sa bahay ng mga taong hindi naman niya pamilya. "wala yon,." sabi niyang tumawa. napatingin lahat sa kanya ang mga taong naroon. "i mean, okay lang yon.". "oh.... siya halina kayo at pumasok na tayo sa loob. ang ma'am bethany niyo ay ligtas na kaya kailangan nating magcelebrate.". narinig niyang sabi ng ginoo. inalalayan siya ng ginang papasok sa loob ng mansyon muntik na niyang maibulalas ang salitang "WOOOOWWWW". buti na lamang at napigilan niya ang sarili. nanlalaki ang kanyang mga mata habang pasimpleng iginagala iyon sa loob ng mansyon. ang yaman pala ng babaeng kamukha niya. para parin siyang nananaginip. "ako na ba talaga si cenderella? baka naman mamaya maging si ariel ako at maging bilasang isda.". aniya sa isip. napakaraming pagkain ang nakahain sa mahabang mesa pag pasok nila ng dinning area. " okay,,... at dahil nagpapasalamat kami ng sir reymond niyo.sa pangalawang buhay na binigay ng may kapal kay bethany, gusto namang maging isang buong pamilya tayo. kakain tayong sabay sabay ngayong gabi.". sabi ng ginang. nagpalakpakan ang mga kasambahay. nagsi-upo na ang lahat. nagdasal muna ang ginang, nagsalin ng wine ang isa sa mga kasambahay at sabay-sabay na itinaas yon. "para sa pangalawang buhay ni bethany..cheersssss". wika ng ginoo. kinuha niya ang wine glass na nasa harap niya at tinaas din iyon. sabay-sabay nilang ininom iyon. pero siya nilagok niyang lahat at dinilaan pa ang wine sa kanyang labi. "aaaahhhhhhh..ang sarap.". nakita niyang napatingin lahat sa kanya. napangisi siya,,.. "pasinsiya na po ang sarap kasi.". itinaas niya pa ang wine glass na wala ng laman.habang nakangiti ng matamis. alam niya sa nakikita niyang reaction ng mga kasambahay at ng ginang pati na ang ginoo,na iba ang kinikilos niya. "sige lang po kumain na po tayo,mukhang masasarap ang pagkain." sabi niya,doon lang nagsimulang kumain ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD