matapos silang magdinner, ipinahatid siya ng ginang sa kanyang kwarto.
nagpresinta si monic na ito na lamang ang maghahatid sa kanya.
na ikinatuwa nya.
habang paakyat ng hagdanan,hindi parin siya halos makapaniwala sa nakikitang karangyaan ng kanyang mga mata.
si monic ay tahimik lang na namasunod sa kanya,hindi umiimik at nakayuko lamang.
"monic,halika dito,." aniya dito at inakbayan ito.
"naku po ma'am okay lang ako.".sabi nito at ilang na ilang sa ginawa niya.
"bakit may problema ba?".
"wala po, hindi lang po kasi ako sanay,. hindi po kasi kayo dating ganyang ie.".
"ano kaba,dati yon,gusto ko maging komportable ka sakin.saka wag mo na kong inoopo or po magkasing edad lang naman tayo.theff-...i mean bethany nalang ang itawag mo sakin.". nakangisi niyang wika dito.
"naku po ma'a-...." hindi na nito naituloy ang sasabhin dahil hinarang niya ang palad sa bibig nito.
"ssshhhhh.... bethany...bethany....hindi ako sanay na tinatawag na ma'am.".
napatingin ito sa kanya dahil sa sinabi niya.
"i mean..... ah basta..bethany nalang.".
"sige kung yan gusto mo beth-...bethany..". medyo nauutal pang sabi nito.
nagkatawanan silang dalawa.
"nga pala asan ang kwarto ko?".tanong niya dito.
bigla itong napahinto sa tanong niya,at tinitigan siya.
kaya mabilis siyang nagisip.
"ieehh...kasi,alam mo na dahil sa aksidinte hindi ko maalala yong ibang mga bagay.". palusot niya at nakangisi pang parang aso.
".aaahhhh.... parang napansin ko nga.". alanganing sabi nito at nagpatiuna na.
binuksan nito ang isang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay.
"WWWOOOOOOWWWWWWW........"hindi niya napigilang sabi sabay takip ng bibig,dahil napatingin sa kanya si monic.
"aaawwooooooo". sabay hikab... nagkunwaring humikab lamang siya.
bakit ba kasi hindi niya mapigilan ang sariling mamangha.
subrang laki ng kwartong yon, napakaganda ng kwarto ni bethany,ang hindi lang niya gusto ay ang kulay,.
paano ba naman kasi puro kulay pink ang halos lahat ng kasangkapan doon.
ngayon lang niya narealized mahilig pala sa pink ang babaeng kamukha niya.
kulay na pinakaayaw niya sa lahat.
mas gusto niya pa ang kulay dilaw ie.
"pwedi ng pagtiyagaan.". bulong niya sa sarili.
"may sinasabi kaba bethany?". narinig yata ni monic ang sinabi niya.
"ah... wala naman. magpapahinga na ko,". sabi niya dito. indekasyon na pinapaalis na niya ito.
nakita niyang inilapag nito ang bag sa kama niya at nagpaalam ng umalis.
" mag intercom ka nalang pag may kailangan kapa ha.?". sabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
mabilis na nilock niya ang pintuan at sumigaw ng walang boses.
umakyat sa malambot na kama at nagtatatalon na animo batang nabigyan ng bagong laruan.
ng mapagud ay pasalampak na naupo sa kama.
"lord,sorry po kong nagiging ambesyosa ako,promise po sasabihin ko din naman sa pamilyang ito na hindi ako si bethany,gusto ko lang po talagang masubukan ang maging isang prensisa.parang si cenderella. parang ganoon na nga po,amen.". nag sign of the krus pa siya.
hindi naman siya magtatagal doon namimiss na din niya ang kanyang lola.nagaalala siya dito baka kasi kung napaano na ito sa pagaalala sa kanya.
"di bali pag nagkaroon ako ng chance sisikapin kong dalawin kayo lola.". may lungkot sa kanyang mukha ng maalala ang matanda.
kung sana kasama niya ang lola niya na masubukan ang ganitong klase ng buhay siguro subrang saya niya.
wala na siguro siyang mahihiling pa.
pabagsak na humiga siya sa malambot na kama.
hindi para matulog.
dahil hindi naman siya dinadalaw ng antok.ikaw ba naman ang matulog ng anim na buwan diba.?
"nasaan na kaya ang babaeng kamukha niya.?" alam niyang buhay ito dahil nailigtas niya ang babae. hindi niya maintindihan kong bakit hindi ito nagpapakita sa mga magulang, anim n buwan siyang nakatulog pero pag gising niya ito ang buhay na naghihintay sa kanya.
dahil sa dami ng kanyang iniisip nakatulog na lamang siya ng hindi niya namamalayan.
.
.
.
.
.
"lola,ako na po dyan.?"
"hindi na apo kaya ko na ito".
pero kinuha niya parin ang hawak na pangbungkal ng lupa ng matanda.
anim na buwan na siyang nabubuhay sa nayon na iyon. malayo sa kanyang pamilya.
nabubuhay siya hindi bilang si bethany, kundi nabubuhay siya bilang si theffany.
nagising siya sa isang hospital six months ago. at si lola pasita ang kanyang nakagisnan.
pagaalala ang nakita niya sa kulubot ng mukha ng matanda.
"theffany, apo,... kumusta ang pakiramdam mo.?". tanong nito sa kanya.
"sino po kayo.? hindi po theffany ang pangalan ko.". sagot niya dito.
"hindi mo ba ko naalala apo?ako ito ang lola pasita mo.". at may kinuhang picture sa dala nitong bayong. iniabot sa kanya ang isang lumang larawan ng matanda kasama ang isang babae, nagulat siya ng makita ang itsura ng babaeng nasa larawan. bagamat simple lamang ito ngunit kahawig na kahawig niya ang babaeng nasa larawan.
napatingin siya sa matanda.
" naaalala mo na ba ako apo ?". tanong ng nagaalalang matanda.
hindi niya namamalayang tumango siya.
kung kamukha niya ang babaeng nasa larawan, naisip niyang makakalaya na siya sa buhay na matagal na niyang gustong takasan. gusto niyang maranasan ang buhay ng isang taong malaya.
yong walang camerang nakasunod sa kanya.
"sorry theffany kung magpapanggap akong ikaw. alam ko maiintindihan mo ko,kung sino ka man." bulong niya sa isip.
"apo okay kalang ba? ".
"hooo.... oho...lola". aniya dito.
mula ng iuwi siya ng matanda sa nayon kahit hirap mag adjust sa buhay na mayron ang babaeng kamukha niya pinilit niyang aralin lahat ng iyon.
pati ang pananamit nito.
all do para sa kanya ang baduy non.
ngayun nga ie nakasuot siya ng pantalong maong at long sleave,nakabota at sumbrero ng parang sa cowboy. may itak pang nakasukbit sa kanyang baywang.
napangiti siya sa kanyang itsura.
sa anim na buwan niya bilang si theffany catakutan ay nakasanayan na niya ang pang araw-araw na routine ng buhay sa bukid.
ngayon lang niya nalamang napakasarap palang mabuhay ng malaya.
malayo sa magulong buhay niya sa syudad,mausok na kapaligiran.may mga taong lagi na lamang nakabantay sa bawat galaw niya.
"ahhhhhhhhhh....."at umikot ikot siyang nakatingala at nakadipa ang dalawang braso.habang nakangiti.
"oh bakit apo?".tanong ng matanda sa kanya.
"wala po lola masaya lang po ako,dahil sa wakas nakalaya na ako.". sabi niya.
nakita niyang napakunot ang noo nito.
" i mean po malaya na po ko,ang ibig kong sabihin ie malayang tao.". nalilito niyang sagot.
"ikaw talagang bata ka.". nakatawang sabi nito.
niyakap niya ang matanda. napamahal na siya dito.
napakaswerte ni theffany sa pagkakaroon ng lolang mapagmahal at mapangunawa.
namimiss din niya minsan ang dating buhay. yong wala siyang ginagawa,dahil lahat ibinibigay sa kanya kahit hindi niya iyon paghirapan.
ngayun lang niya nalamang masarap pala magbanat ng buto.
bigla niyang naalala ang ina. nakaramdam siya ng lungkot, kumusta na kaya ito? kumusta na kaya sila ni dad.
alam niyang masungit siya,maldita ngunit nabago ang lahat ng iyon dahil sa pangalawang buhay na mayroon siya ngayon.