episode 8

1289 Words
ppppsssssstttt......monic." mahinang tawag ni theffany kay monic, nasa mga halamanan siya ng mga sandaling iyon. ito naman ay naglilinis ng swimming pool. "pppsssssttttt.....hoy monic....". naiinis na siya dito kasi hindi siya nito marinig. kaya naman kumuha siya ng maliit na bato at ibinato dito. kaya naagaw niya ang pansin nito. napalingon ito sa kanyang kinaruruonan. lumingon lingon ito bago pasimpleng lumapit sa kanya. "anong ginagawa mo dyan.?" mahinang tanong nito. gawain niya iyon pag gusto niyang lumabas ng mansyon. mula kasi ng iuwi siya ng ginang at ginoo sa mansyon na iyon. subrang naging mahigpit ang mga ito. ang sabi naman ni monic wala na daw bago dahil iyon naman daw ang buhay niya. minsan naisip niyang mas masarap paring mabuhay ng mahirap nagagawa niya ang gusto niya. "monic mamayang gabi aalis ako, alam mo na ang dapat mong gawin ha." sabi niya dito. "hindi kaba natatakot na mahuli ni sir reymond?siguradong graunded ka nanaman.". "naiinip na ako dito, saglit lang naman ako,may kailangan lang akong puntahan.". "anong oras ang balik mo.?" napapakamot pa ito sa ulo. "basta ititxt kita.". "sige,pero wag kang magtatagal." "oo yong damit ko,iakyat mo sa kwarto ko mamaya." nasa kwarto kasi ni monic ang damit na ginagamit niya kapag lalabas ng bahay. mahilig kasing mag-ayos ng gamit niya ang ginang baka makita nito ang damit na ginagamit niya pagtumatakas siya. kaya naman iniiwan niya iyon sa kwarto ni monic.ito ang pangalawang beses na tatakas siya. hindi kasi siya pweding umalis ng hindi kasama ang ginang. nasasakal na siya,gustong gusto na nga niyang sabihing hindi siya ang anak ng mga ito. ngayung gabi pupuntahan niya ang kaibigang si miles. makikibalita siya kong kumusta na ang kanyang lola. subra subra na kasi siyang nagaalala para dito. isang buwan na siya sa mansyon na iyon ng mga salvador at kahit anong paalam ang gawin niya, ayaw siyang payagan ng mga magulang lumabas mag-isa. kahit yata pumalayaw siya ng iyak o kaya magtumbling tumbling siya hindi siya papayagan ng mga ito. ang dinig niya sa pinakamatandang kasambahay doon. takot daw ang ginang na mawala siya kaya over protective ang mga ito. nawalan na daw kasi ng isang anak ang mga ito noon. hindi naman niya masisisi ang mag-asawa.. . . . SUMAPIT ang gabi. hinintay niya munang makatulog na ang lahat ng tao sa mansyon. hindi siya mapakali, palakad lakad,at panaka-naka ay kinakagat kagat niya ang kanyang kuko. hinihintay niya si monic. ang tagal tagal naman kasi nito. maya maya pa ay may narinig siyang mahihinang katok.tatlong beses yon. kaya alam niyang si monic ang kumakatok. iyon kasi ang naging sign nilang dalawa.tatlong katok na may interval. mabilis niyang binuksang ang pinto. "bakit ang tagal mo?" pabulong na sabi niya dito at sumilip pa sa labas ng pinto.upang siguruhing walang nakakita o nakasunod kay monic. "ang tagal kasi matulog ni nanay ie." "asan na?". "heto,". inabot nito sa kanya ang damit. mabilis niyang kinuha iyon. wala siyang pakialam na naghubad at nagbihis sa harap ni monic. pantalong maong,t-shirt na maluwag,nakatock in iyon. rubber shoes. sumbrerong kulay itim. mukha siyang magnanakaw sa kanyang itsura,pinatungan nya ng kulay itim na jacket. "kinakabahan ako". sabi ni monic. inakbayan niya ito. "akong bahala sayo.". sabi niyang nakangiti. magaling kaya siya sa mga ganoong bagay. gawain kasi niya iyon sa kanilang lugar lalo na pag ayaw siyang payagan ng kanyang lola. " aalis na ako, magtalukbong ka ng kumot ha.para pagsumilip si mommy isipin niyang tulog na ko.". sabay kindat dito. mabilis niyang kinuha ang taling kasama sa mga gamit niyang inakyat ni monic. itinali iyon sa bakal sa may biranda. walang kahirap hirap siyang nakababa ng bintana. magaling kaya siya sa mga akyatan mahigit kasi siyang mag mountain hiking kaya naman sisiw nalang sa kanya ang mga ganoong bagay. nakalabas ng mansyon na walang kahirap hirap si theffany. malayo layo din ang lalakarin niya. bago marating ang gate ng subdivision. pawang naglalakihang mga bahay kasi ang nakatayo sa lugar na iyon. kaya naman malalawak ang bawat bakuran ng mga bahay. "sir excuse po,san po kayo galing?"sita ng guard. "patay.". bigla siyang napahinto. tinanggal ang sumbrero at ngumisi dito. "ay ma'am,sorry po hindi ko kayo namukhaan sa ayos niyo.".paghingi nito ng pasinsiya. nilapitan niya ito. may dinukot sa kanyang bulsa. "manong guard pang kape niyo po,wag nyo na po sanang mabanggit kila daddy na nakita niyo ako?". nakangiti. sabay abot ng isang libong peso. nakita nyang ngumiti si manong guard. "wala po kayong dapat ipagalala ma'am.". sumaludo pa ito sa kanya. kaya naman nakalabas siya ng walang naging problima. saktong isang taxi ang paparating pinara niya iyon. at nagpahatid sa address ni miles. . . . . narating niya ang boarding house ni miles, nakakailang katok na siya pero wala paring nagbubukas, tulog mantika talaga ang kaibigan niya kong matulog. kulang nalang gibain na niya ang pintuan nito pero tulog parin. nakita pa nga niyang may sumilip na kapit bahay. ilang katok pa ang ginawa niya. bago bumukas ang pinto. pupungas pungas pa ito ng isungaw ang ulo sa may pintuan. "sino ba yan, gabi na ie,nang-aabala pa.?" "bakla,ako ito.?" biglang nanlaki ang mata nito.niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. sumilip pa sa kanyang likuran. "anong ginagawa mo dito bakla ka?". hindi niya ito sinagot bagkos nilagpasan niya ito at pumasok sa loob. "diba nasa nayon ka,pasinsiya kana kong hindi kita nadalaw sa hospital,". sabi nito at niyakap siya. "kumusta si lola." tanong niya. nakita niyang parang naguguluhan ito. "anong kumusta si lola?diba kayo ang magkasama.". pati siya ay naguluhan sa sinasabi ng kaibigan. "anong magkasama,pitong buwan na kong hindi nakakauwi,kaya ako nandito para makibalita sayo.?" "huhhhh,? kung hindi ikaw yong kasama ni lola,sino yon?". naguguluhan na talagang tanong din nito sa kanya. "ano ba pinagsasabi mong bakla ka.?" nakangiti pero naguguluhan niyang tanong. "teka.....teka... lang muna,ibig mong sabihin hindi ka naaksidinte?" tanong nito. "naaksidinte ako, at anim na buwan daw akong walang malay.". hinawakan siya ng kaibigan at sinipat sipat. "anim na buwan kang walang malay sa hospital,ie ang pagkakaalam ko nagising ka din after two days.". "ang g**o mo naman iehh.".sabi niya dito. "ikaw kaya yong magulo dyan." "makinig ka sa sasabihin ko,hindi ka din makakapaniwala sa ikukuwento ko sayo,". aniya dito at nagsimulang magkwento. hindi makapaniwala ang kanyang kaibigan sa nalaman. "kung ganon,hindi kaya yung babaeng kamukha mo ang kasama ni lola ngayon?". "malamang ganon nga ang nangyare,ang hindi ko maintindihan bakit hindi siya bumabalik sa kanyang mga magulang, mayaman ang babaeng yon,alam kong hindi niya kakayanin ang buhay sa bukid.". napabuntong hininga siya. "bakit hindi mo nalang kaya alamin,umuwi ka sa nayon.para magkaharap kayo.". "hindi kasi ganon kadali bakla.heto nga oh hirap na hirap akong tumakas". "diba sabi mo protective ang mga magulang ng bethany na yon? baka yon ang dahilan kaya ayaw na niyang bumalik sa mansyon.?" "siguro nga,sige na aalis na ako,balitaan mo ko".isinulat nya ang numero bago iniwan sa kaibigan. niyakap siya nito bago siya umalis. dahil madaling araw na ng mga sandaling yon hirap na hirap siyang makasakay. "naku po naman talaga," naiinis na wika niya.kanina pa txt ng txt si monic. may nakita siyang ilaw ng sasakyan na paparating. bahala na. mabilis siyang humarang sa daan at idinipa ang mga braso.sabay pikit. malakas na preno ng sasakyan ang tange niyang narinig. dahan dahan niyang iminulat ang mga mata. nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw ng sasakyan ang bumulaga sa kanya. nakayuko ang driver ng kotse sa manubela. "patay kang bata ka". bulong niya ng makitang inangat ng lalaking driver ang ulo sabay baba ng kotse nito. hindi niya maaninag ang itsura ng lalaki dahil nkatalikod ito sa ilaw mula sa sasakyan.at kahit madilim alam niyang matangkad ang lalaki. "nagpapakamatay kaba.???!!!!!!!!..." galit na galit na wika nito. hindi siya makapagsalita.dahil kahit siya nashock sa ginawa niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD