episode 9

1174 Words
Hindi maipinta ang mukha ng lalaki habang papalapit sa kanyang kinatatayuan. nakaramdam siya ng kunting takot,ngunit panandalian lamang ang takot na iyon. hindi naman kasi nakakatakot ang hitsura nito. "kung magpapakamatay ka. wag ka ng mandamay ng iba". madilim na madilim ang anyo nito. "sorry po manong, kanina pa kasi ako dito pero walang taxing dumadaan ie, pwede bang makisakay.?". tudo ngiti niyang tanong dito kahit na sa tingin nya palang sa mukha ng lalaki ay malabo siyang pasakayin dahil sa ginawa niya. at gaya nga ng nasaisip niya,hindi siya pinansin,bagkus tinalikuran siya ng lalaki at nagmamadaling bumalik sa loob ng sasakyan. "teka......teka.... lang po manong,.. please naman oh isakay mo na ako."habol niya dito. kinalampag niya ang bintana ng kotse, pero hindi siya nito pinagbuksan ng bintana. dahil narinig niyang pinaandar ng muli nito ang sasakyan. nataranta siya. hindi siya pweding maiwan na lamang doon. kaya naman mabilis siyang nagisip ng paraan para isakay siya ng lalaking masungit. tumakbo siyang muli sa harap ng sasakyan at niyakap ang hood ng kotse. "bbbbbbeeeeppppppp....bbbbbbbeeeeeppppppp....bbbbbbbbeeeepppppp". sunod sunod at malakas na busina. kulang na lamang ay maglaglagan ang mga tutuli niya sa subrang lakas. ngunit hindi siya nagpatinag, magalit man ito at isumpa man siya, hinding hindi siya aalis doon. narinig niyang muling bumukas ang pinto ng kotse at pabagsak na isinara iyon. " are you crazy.....???!!!!!!!". galit na galit nanaman ang lalaki sa kanya. " sige na kasi manong, parang awa mo na isakay mo na ako,mukha ka naman mabaet eh,saka may bunos pa gwapo ka pa kaya sigena po manong .". pagmamakaawa niya,habang nakayakap parin siya sa hood ng kotse nito. "for god sake!!!!!!!!.....". inis na wika nito saba'y sabunot ng dalawang kamay sa buhok. hindi naman mukhang nakakatakot ang lalaki,. sa tingin pa nga niya ay hindi naman ito mamamatay tao o di kaya ay m******s dahil gwapo ito at disente ang pananamit,at para pa nga itong pamilyar sa kanya,hindi nga lang niya gaanong maaninag ang mukha nito dahil tanging ang liwanag na nagmumula lamang sa kotse nito ang ilaw sa kinaroroonan nila. kaya hinding hindi niya iyon palalampasin. mahirap na baka ang susunod na maharang niya ay m******s pala o mamamatay tao na. "please manong pogi, isakay mo na ako, hindi naman ako holdaper.". at ngumiti dito ng matamis. "ooohhhhhh s**t!...hindi kaba talaga aalis diyan.?". "hindi, hangga't hindi mo ko isinasakay at hinahatid.". "ang kulit mo din noh? ". "sige na kasi manong pogi please, hindi kaba naawa sa akin.?".pinalungkot pa ang kanyang mukha. "oohhhh god.....fine!." pagsuko nito sa kanya itinaas pa ang dalawang kamay saba'y talikod sa kanya. mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap sa hood ng kotse at sinundan ang lalaki. "thank you po manong pogi.". "get in.kung ayaw mong iwan kita dito." "heto na nga oh nanginginig pa.". nakangiti siyang umikot sa kabilang side ng sasakyan at sumakay sa may back seat. "are you kidding me.?!. balak mo pa talaga akong gawing driver mo.?". kunot na kunot ang noo nito. nakatingin ito sa rear mirror ng sasakyan. "sorry na, ito naman. wait lang manong lilipat ako diyan sa harapan.". aniya dito at mabilis na bumaba at lumipat sa harapan sa tabi ng lalaki. " napakasungit, pinaglihi kaba sa sama ng loob manong.?". tanong nya dito habang kinakabit ang kanyang selfbelt. tiningnan lang siya nito at pinasibad na ang sasakyan. "dahan dahan lang naman po manong baka madisgrasya tayo, ayaw ko pang mamatay,". mahigpit ang pagkakahawak nya sa hawakang nasa taas ng kotse nito. bigla kasing bumalik sa alaala niya ang aksidinting nangyare sa kanya. ayaw man niyang aminin sa sarili nagkatruma siya. "salamat manong ha.kasi pinasakay mo ako, kung hindi malamang nandoon parin ako.mabait mabaet ka pala.." hindi siya nito pinapansin. "manong anong pangalan mo.?" sunod na tanong niya. ngunit gaya ng dati,hindi man lang siya nito nilingon. "grabe para akong nakikipag-usap sa hangin." deadma lang ulit siya nito. "bakit ang sungit sungit niyo po manong?". tanong niya dito at humarap sa lalaki. bigla itong nagpreno,kaya naman muntik na siyang masubsub sa dash board ng kotse. buti na lamang at nakasuot ang selfbelt niya. "hindi kaba talaga tatahimik?" "grabe siya,gusto lang naman kitang kausapin para hindi ka mapanisan ng laway dyan ie,.". "gusto mo bang ibaba kita dito?". madilim ang anyo nito. "as in dito talaga sa gitna ng daan?". gulat na gulat at nanlalaki ang mga matang tanong niya sa lalaki. "yes... pag hindi kapa tumigil.". "oo na,ito na nga po oh, tatahimik na." nakasimangot niyang wika dito. at tumagilid paharap sa may binatana,itinuon na lamang niya ang mga mata sa labas ng bintana, kaya naman hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya. . . . . Dahil sa pangangalay ng kanyang brasong pinagsadalan ng kanyang ulo, kaya naalimpungatan si theffany,. dahan dahan niyang iminula't ang mga mata. nakita niyang nakahinto na sila sa gilid ng daan malapit sa gate ng subdivision kung saan siya nakatira. pumihit paharap sa lalaking katabi, nakita niyang nakapikit ang mga mata nito. siguro ay hindi siya ginising nito dahil sa mahimbing niyang pagkakatulog.ang braso nito ay nakahalukipkip sa dibdib. kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para pagmasdan ang lalaki. gwapo ito, mahahaba ang pilik mata na bumagay sa makapal na kilay, napakatangos ng ilong at mapula ang mga labi, para talaga itong pamilyar sa kanya kaso hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.at dahil sa ginagawang pagmamasid sa kagwapuhan ng lalaki ay hindi niya napigilang iangat ang isang kamay para sana haplusin ang pisnge nito. "ay kabayo ka." nanulas sa kanyang labi dahil sa pagkagulat bigla kasi nitong hinawakan ang kanyang braso. "what do you think you're doing?". tanong nito. at dumilat ang nakapikit nitong mga mata. "aahhhhh,,,,...ehhhhh...ano kasi.....may lamok, oo may lamok,tama tatampalin ko sana ie.". natatarantang paluso't niya. hinila niya ang brasong hawak nito. " salamat po manong sa paghatid.". aniya at namamadaling binuksan ang pintuan ng kotse.hindi niya kasi maintindihan ang sarili, para kasing may kuryinting bigla na lamang nanulay sa kayang buong katawan dahil sa ginawa nito. ngunit bago pa siya makababa ay nahila na siya nito sa braso. dahilan para tumama ang kanyng mukha sa dibdib ng lalaki,nanlaki lalo ang kayang mga mata. amoy na amoy niya ang pabangong ginamit nito,.bago pa ito makahalata sa ginagawa niyang pagsamyo sa amoy nito'y tumingala siya dito upang makita ang mukha nito. " infairness ang bango mo manong sungit.". nakita niyang natigilan ito,dahil sa kanyang sinabi., dinig na dinig din niya ang mabilis at malakas na pintig ng puso ng lalaki. kaya mabilis siyang naitulak palayo sa katawan nito. "grabe ka namang makatulak. matapos mo akong hilahin, itutulak mo naman ako ngayun.". "go.... go-go.....". sabi ng lalaki at hindi na muling tumingin sa kanya. " oo na, pababa na po.". ng makababa sumilip pa muna siya dito. "manong pag gusto mo kong makita, hanapin mo lang ako dito, alam ko namang crush mo ako.,sabihin mo theffany." kinindatan niya ito at tumatawang isinara niya ang pintuan ng kotse, kumaway pa siya ditong nakangisi. pagkasara ng pintuan ng sasakyan pinaharurot na ng lalaki ang kotse nito. nakangiting tinungo na niya ang gate ng subdivision.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD