episode 10

1072 Words
hindi na niya ginising pa si monic na mahimbing ng natutulog sa kanyang kama,. matapos magbihis ng pantulog,tinabihan na niya ang babae sa kama,. at bago makatulog ang mukha ng lalaking kasama niya kanikanina lamang ang gumugulo sa nananahimik niyang mundo. "good morning......" nakangiting wika niya pag gising kinabukasan. kahit madaling araw ng nakatulog maaga parin siyang nagising. wala na si monic sa kanyang tabi. kaya naman bumangon na siya sa kanyang kama at lumakad patungo sa may bintana. hinawi ang kurtinang nakasabit doon. binuksan ang bintana. kaya naman pumasok ang malamig na simoy ng hanging pang-umaga.naipikit niya ang kanyang mga mata..pinagsalikop ang dalawang palad at itinaas.. "ahhh... ang sarap talaga gumising ng maganda.". bulong niya sa sarili saba'y ngumiti ng matamis. tinungo ang banyo at madaliang naligo. matapos magbihis ay bumaba na siya. dumiretso sa kusina. pero wala doon ang ginang at ginoo. nakita niya si monic na naghahanda ng juice. "good morning". bati niya dito. "good morning, nasa may swimming pool ang mommy at daddy mo.". sabi nito "okay". saba'y kuha ng isang hiwa ng mansanas at kinagat iyon. napangiti nalang si monic sa kanya. " alam mo ba bethany hija, ang laki ng pinagbago mo mula ng maaksidinte ka.". narinig niyang turan ni manang mula sa kanyang likuran. nginitian lamang niya ito at patalon talon pang parang bata, tinunton ang hallway papuntang swimming pool. nakita niyang nakaupo ang ginang at ginoo sa mesang malapit sa swimming pool. nakangiting nilapitan niya ang mga ito. "good morning mom, good morning dad.". hinalikan sa pisngi ang ginang at ginoo. " good morning, parang maganda yata ang gising ng aming prinsisa ah.?". nakangiting tanong ng ginang. "good morning hija.". bati naman ng ginoo.abala ito sa pagbabasa ng news paper. naupo na siya sa bakanting upuan. at kumuha ng sinangag at pritong daing. nakita niyang napatingin sa kanya ang ginang. " hindi ba at ayaw mo ng daing, dahil ang sabi mo ay mabaho?". tanong ng ginang. dahil sa kanyang narinig napahinto siya sa kanyang pagsubo. " wag mo ng batiin yang anak mo honey." nakangiti namang wika ng ginoo. ngumiti siya ng tipid. " gusto ko lang pong itry mom.". palusot niya. hindi kasi pweding malaman ng mga itong hindi talaga siya si bethany malay ba naman niyang marami palang mga bagay ang magka-iba siya kahit pa nga ba magkamukha sila.bahala na pero hindi niya palalagpasin ang makakain ng daing at sinangag. matagal na siyang hindi nakakakain ng ganoon. mula ng tumira siya sa mansyon. "magsabi kalang pag gusto mo pa,magpapaluto pa ako.". sabi ng ginang nakangiti na ito..nakahinga siya ng maluwag, akala talaga niya ay nakahalata na ito. " okay na po ito mom,thank you po.". sabay inom ng juice dahil muntik na siyang mabulunan dahil sa laki ng isinubo niya. " oh dahan dahan.". ang ginoo. "anyway hija. next week. may dadaluhan tayong party.". ang ginang. napahinto siya sa muli sanang pagsubo. " party po.?". " oo, mga kilalang tao ang mga dadalo roon, kaya naman, sasamahan ka ni monic sa salon bago ang party.". " kailangan ko pa po ba yon mommy? maganda na po anak niyo.". napatawa ang ginoo sa sinabi niya. " manang mana talaga itong anak mo sayo honey.". "of course honey,kanino pa ba magmamana yan kung hindi sa akin,kung hindi ba ako maganda magugustuhan mo ba ako.". " oo naman, hindi lang naman ang kagandahan mo ang minahal ko, kung hindi ang maganda mong kalooban honey.". sabi ng ginoo. " sana all mom,dad.". kinikilig na sabi niya dito. nagkatawanan sila. for the first time in her life, ngayun lang siya nakaramdam ng saya. masaya naman siya tuwing magkasama sila ng lola pasita niya. pero iba parin talaga pag may magulang ka. bigla siyang nakaramdam ng lungkot. hanggnag kailan siya magkakaroon ng ama at ina.? alam niyang darating ang araw na magigising na siya sa magandang panagip na nangyayare sa buhay niya ngayon. bago matapos kumain ay nag paalam siya sa mag-asawa. na kung pwedeng siyang mamasyal na siya lang. magbabaka sakali lang naman siya na payagan siya ng mga ito. at laking gulat niya ng pumayag ang mga ito. "seryuso po kayo mommy,daddy? hindi parin makapaniwalang tanong niya. " yes hija, napag-isip isip naman ng dad mo na, kailangan mo ng maging independent kahil hindi naman kami laging nandito para gabayan ka.". paliwanag nito. napatayo siya sa kinauupuan at niyakap ang ginang. "salamat po mommy." sabi niya dito at hinalikan ito sa pisngi. "wag ka sa akin magpasalamat, sa daddy mo, siya ang nagkumbinsi sakin.dahil kung ako lang ayaw ko sana. ". at nakangiti itong tumingin sa ginoo. kaya naman lumapit sya sa ginoo at niyakap ito. "thank you dad". hinawakan nito ang kamay niya. " basta magpromise kang hindi kana gagawa ng kalukuhan pag wala kami ng mommy mo. gusto kong maging matapang ka. at matuto kang alagaan ang sarili mo hija. dahil pag nawala kami ng mommy mo, sayo lahat maiiwan ang pinaghirapan namin ng mommy mo..". sabi nito at hinaplos ang kanyang kamay. " wag naman po kayo magsalita ng ganyan daddy." .nakasimangot nyang wika dito. tumawa ito at ginulo ang kanyang buhok. kahit na alam niyan hindi niya tunay na pamilya ang mga ito. napamahal na siya sa mag-asawa. lagi kaya niyang hinihiling na sana, ang mga ito nalang ang tunay niyang magulang. matapos silang mag-agahan. nagpaalam na siya sa mag-asawa at umakyat na ng kanyang silid, upang magbihis nagpasya siya umuwi ng baryo nila. kailangan niyang malaman kong kumusta na ang kanyang lola pasita. at kailangan niyang malaman kong tutuo ba ang hinala nila ng kaibigan na ang babaeng kamukha niya ang siyang kasama ng kanyang lola. nagsuot lamang siya ng pantalong maong at sleaveless na pinatungan ng jacket na manong. nagsuot ng boots sa paa. naglagay ng kunting lipstick at pulbos. matapos magbihis ay nakangiting sinipat ang hitsura sa salamin. umiko't iko't na parang bata. " ikaw na ba yan theffany?, ang ganda ganda mo na talaga.". parang baliw na sabi niya sa sarili.. matapos ay bumaba na siya.nagpaalam sa ginang, pumasok na kasi sa opisina ang ginoo kaya ito na lamang ang naroon. "mag-iingat ka hija, hinihintay ka na ni manong pepeng sa garahe.". sabi nito habang naggaganselyo. "thank you po mommy."hinalikan niya ito sa pisnge at umalis na. paglabas ng garahe nakita niyang ready na si manong pepeng, pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan. matapos niyang makasakay,isinara na nito ang pinto at umikot sa may driver seat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD