"manong pakihinto niyo po sa gilid.". sabi niya sa driver, nasa kahabaan na sila ng express way.
"hu?.." gulat na tanong si manong pepeng.
" pakitabi po sa gilid ng daan ang sasakyan manong." ulit niya sa kanyang sinabi.
"bakit ho?".
"basta manong.".
wala ng nagawa ang nasa 40 year old ng driver.
umiiling pa nga ito bago itinabi ang kotse sa gilid ng daan.
"baba po kayo manong.". aniya dito.
"hu? bakit ho ma'am?" gulat na muling tanong nito.
"basta po manong." bumaba na rin siya ng sasakyan.
kaya naman wala na muling nagawa si manong pepeng.dahil nauna na siyang bumaba kaya napilitan narin itong bumaba.
pagbaba nilang dalawa ng sasakyan.
" manong doon po kayo sa back seat ako na po magmamaneho."sabi niya dito.
" naku ma'am pagagalitan po ako ng mommy at daddy niyo.". pag-tanggi nito.
"sige na po manong, marunong po akong magmaneho saka wag niyo na po akong ino-opo at po mas matanda po kayo sa akin.".
"pero ma'am.".
"don't worry manong,hindi malalaman nila mommy kung hindi niyo po ako isusumbong." nakangiti niyang turan dito.
napapakamot na lamang ng ulo ang matanda. inabot nito sa kanya ang susi.
nakangisi niya iyong kinuha.
"okay....". at inihagis pa niyang pataas sabay salo.
"sige na manong sumakay na ho kayo sa likod, saan niyo po ba gustong ihatid ko kayo.?". tanong niya dito.
"naku ma'am sasama na lang po ako sa inyo.". nakita niya sa mukha nito ang pagaalala.
binuksan niya ang pintuan at sumakay na sa may driver seat.
magaling siyang magmaneho dahil sa kanilang baryo lagi siyang sumasama sa mga driver ng jeep upang maghatid ng mga gulay sa bayan. madalas pa nga siya ang nagmamaneho.
ini-start na niya ang makina ng sasakyan ng makitang nakasakay na ang matandang driver sa likod.
pinaharurot na niya iyon sa kahabaan ng express way. at itinabi sa may crossing na kanilang nadaanan.
" manong akin na po cellphone number niyo. tatawagan ko po kayo mamaya bago umuwi, may pupuntahan lang po ako saglit manong.". sabi niya dito.
"naku po ma'am sasama na lamang po ako sa inyo.".
"manong mag day off po kayo ngayon, kaya ko po sarili ko, wag po kayong mag-alala ako po ang bahala sa inyo.".nakangiti siya dito.inabot ang kanyang cellphone sa matanda.
nagkakamot nanaman ng ulo ang matanda bago nag-type ng numero sa cellphone na inabot niya dito.
"thank you po manong tatawagan ko po kayo ha,bago magdilim dito din po kita pipick-up-pin. okay po manong.". sabi niya dito. kinuha ang bag at mula roon ay kinuha ang kanyang wallet.
inabutan ito ng limang libong peso.sa halagang inabot niya dito,alam niyang hindi na ito makakatangge.
"enjoy you're day-off manong.".
wala ng nagawa ang matanda.
nanghihinayang man siya sa limang libong peso,ngunit kailangan niyang makauwi ng kanilang baryo ng siya lamang.nagaalala na siya sa kanyang lola baka kung napaano na ito dahil sa pag-aalala sa kanya.buti na lamang at pumayag na ang ama at inang umalis siyang hindi kasama ang mga ito.
"thank you po ma'am.".
"sige na po manong ingat po kayo.".
bumaba na ang matanda matapos niyang tanguan ito.
pagkababa nito ay pinaharurot na niyang muli ang sasakyan.
mga ilang oras din ang kanyang binaybay bago nakarating sa bumby road papasok ng kanilang baryo.
maalikabok ang daan,dahil hindi pa iyon simintado.isang sasakyan lamang din halos ang maaring dumaan.
makikita ang tuyong talahiban sa magkabilang gilid ng daan.
" hhhaaaayyy..... matagal tagal na rin akong hindi nakakauwi, ngunit ganito parin ang hitsura ng daan na ito.". napabuntong hininga na lamang siya.
kaya hindi niya halos napansin ang sasakyang makakasalubong.
"ohhh....shit...!". saba'y apak ng preno.
sa subrang bigat ng pagkakaapak niya,muntik na siyang masubsub sa manubela.
biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso.
akala niya ay katapusan na niyang muli.
nang makabawi sa pagkagulat galit na galit siyang bumaba ng sasakyan.
wala siyang pakialam kong makapal man ang alikabok.
nagmamadali niyang tinungo ang kotseng muntik na niyang makabanggaan.
" hooooyyyy.... bumaba ka diyan,,,!!!...". galit na galit niyang kinalampag ang bintana ng kotse.
ngunit hindi nagbubukas ang may-ari ng sasakyan.
hindi niya kasi makita ang sakay nito dahil tented ang salamin.
"bumaba ka diyan sabi ie.". malakas ang ginawa niyang pagkalampag sa bintana ng kotse, kulang na lamang ay mabasag iyon.
napaatras siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse.
"ano ba yan, magdahan dahan ka naman.". galit na wika niya dito dahil muntik na siyang mabuwal dahil sa ginawa nitong pagbukas ng pintuan ng sasakyan.
"diba sabi mo bumaba ako.". baritonong tinig mula sa nakakunot ang noong lalaki. ang kanyang narinig.
naka-sun glass ito. nakakulay itim ng t-shirt at manong na short. rubber shoes sa paa.
napatingala siya dito.
subrang tangkad kasi ng lalaki.
nanlalaki ang mga mata ng mamukhaan ang lalaking kaharap.
"ikaw?".
"ikaw?".
saba'y nilang bigkas ng magkatitigan.
ang lalaki kasing nagmamay-ari ng sasakyang muntik na niyang makabanggaan ay walang iba kung hindi ang lalaking hinarang niya kagabi.
"mr. sungit,."
"hanggang dito ba naman sinusundan mo ako.?". salubong ang kilay na wika ng lalaki.
itinaas nito ang sun glass na suot.
kaya naman napalunok siyang bigla.mas gwapo pala ang lalaking ito pag maliwanag. para itong isang greek god.
ang lalaking kaharap niya ng mga sandaling iyon ay subrang perfect para sa kanyang paningin.
gusto niyang kiligin,pero hindi niya magawa.
"bakit may dumi ba ako sa mukha.?". nanguuyam na tanong nito.
na naging dahilan para bumalik ang kanyang katinuan.
"huh???... ".
" mukhang nagwapuhan ka yata sakin miss.?". mayabang na wika nito.
"aba...ang kapal naman ng mukha mo mr.? ako nagwapuhan sayo.???!!! itong pagmumukha kung ito.?" aniya dito at idinukdok pa ang mukha sa lalaki. nakatingayad na nga siya dahil matanggad ito.
"hahahahhhaha". ang lakas ng tawa nito.
kaya naman pikon na pikon na siya sa lalaki.
dahil sa inis tinalikuran niya ito at nagdadabog na tinungo ang kanyang kotse.
"itabi mo yang kotse mo kung ayaw mong banggain ko yan.". galit na wika niya bago sumakay ng kotse at pabagsak na isinara ang pinto.
ayaw niya kasing mahalata nito ang pagkalito niya kaya ang talikuran ito ang tange niyang naisip upang takasan ang kahihiyan.
"marunong din palang tumawa ang kumag na iyon.".asar na asar talaga siya.
kung bakit naman kasi,bigla siyang napatitig sa lalaking yon..pero gwapo talaga ang isang yon, ngayun lamang siya natulala ng ganoon sa isang lalaki.
nakita niyang sumakay na rin ito sa sariling sasakyan at paatras ang ginawa nitong pagdadrive.
" sige na,iaatras ko na lamang ang kotse ko hanggang sa may sangang daan.". sigaw nito habang nakasilip sa bintana.
" buti naman may puso kapa.". balik sigaw niya dito.
napangiti siya sa kanyang sarili, mabaet naman pala talaga ang isang ito kahit na may pagkamasungit.
kaya habang paatras ang kotse nito,pausad naman ang kotse niya..
mga ilang minuto din ang nakalipas bago nila darating ang sangang daan. umatras ito sa may daan sa bandang kaliwa.
nakita niyang bumaba ito sa kotse at humarang sa dadaanan niya.
kaya ibinaba niya ang salamin ng kanyang kotse.
"tumabi ka diyan kung ayaw mong sagasaan kita.".
"hindi ka man lamang ba magpapasalamat sakin."
"hindi,dahil kasalanan mo yon.".
"theffany right? .?". tanong nito.
aba at matandain pala ang isang ito.
"yes bakit.?". nakasimangot na sagot niya.
" i remembered you now.". nakangiti ito ng subrang tamis.habang nakasilip sa bintana ng kanyang kotse. kaya ilang na ilang siya dahil pumapasok sa bukas na bintana ang mabangong amo'y nito. para kasi siyang nahihipnotismo sa amo'y ng lalaki.at ang ngiti nito na nagpapabilis ng kaba sa kanyang dibdib.
"malamang, natandaan mo nga pangalan ko diba.?".
"no, i mean i remembered you now. remember 10 years ago?". this time nakapatong na ang dalawang braso ng lalaki sa bukas na salamin ng kanyang kotse. nakayuko at nakasilip parin sa kanya.
kaya naman mas lalo ng nag-rigudon ang kanyang puso.
'"anong 10 years na pinagsasabi mo, kahapon lang kaya tayo nagkita noh.?"
" no... nagkita na tayo 10 years ago, remembered sa batis, yung tinulungan mo at tinawag mong palaka.?".
natigilan siya sa kanyang narinig mula dito.
"OMG! engkanto kaba?". bakit bigla bigla ka na lang palaging sumusulpot.?". nanlalaki ang mata niya at nilingon ito. dahilan upang magkalapit ang kanilang mga mukha.
ramdam na ramdam niya ang hininga nito na tumatama sa kanyang mukha.
hindi siya halos makagalaw. parang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay namanhig ang buo niyang katawan.
kung bakit ba naman kasi lumingon pa siya.
titig na titig ito sa kanya,bumaba ang tingin nito sa nakaawang niyang mga labi.
grabe parang mauubusan siya ng hininga ng mga sandaling iyon.naipikit niya ang kanyang mga mata ng makita niyang unti unting bumababa ang mukha nito sa kanyang mukha.
halo halong emosyon ang bigla niyang naramdaman.