parang biglang huminto ang mundo ng mga sandaling iyon.
"bbeeeeeppppp,beeeeeeppp". busina ng sasakyan sa likod ng kanyang kotse.
kaya naman biglang silang parehong nabalik sa reyalidad.mabilis niyang naidilat ang mga mata. yong malapit na malapit na ang labi nito sa kanyang mga labi pero ng dahil sa kung sinong herodes ang bumusina sa likuran ng kanyang kotse.parang gusto niyang awayin ngayun palang.
""aahhhmmm,,, may sasakyan sa likod ng kotse ko," natataranta niyang wika dito.
"hhmmm...oo nga." halos wala rin itong masabi ng mga sandaling iyon.
nakita rin niyang bigla itong nataranta.
kaya naman nauntog ang ulo nito sa bukas na bintana ng kanyang kotse.
nagkatawanan silang dalawa.
"sa-salamat."nauutal na wika niya dito. at pinaandar na niyang muli ang kayang kotse.
"magkikita pa naman tayo diba?".
narinig niyang wika nito.
busina na lamang ang isinagot niya sa lalaki.
nakita niyang itinaas nito ang kamay. at kumaway sa kanya.
napangiti siya ng palihim, at biglang nakaramdam ng kilig.
itinapat ang isang palad sa kanyang dibdid at pinakiramdaman iyon.
subrang lakas parin ng kabog nito.
ngayun lamang siya nakaramdam ng ganong klasing kaba.
muntik na siya nitong mahalikan.
"kung hindi lang sana umipal ang kotse na yon,eh di sana natikman ko na ang first kiss ko,oohh my gosh,,,". kinikilig niyang bulong sa kanyang sarili.kung ganon lang din naman kagwapo jusko, kahit saan pa sila makarating nito.
"naku theffany,tigilan mo nga yang kalandian mo,.makukurot ka talaga ng lola mo sa singit niyan ie."parang baliw na kausap niya sa kanyang sarili.
naapakan niyang bigla ang preno.hindi niya namalayang nasa hangganan na pala siya ng daan. hindi naman na iyon kalayuan sa bahay nila ng kanyang lola.
itinabi ni theffany ang kotse sa gilid ng daan.at bumaba ng sasakyan pagkasara ng pintuan ay napapikit siya. mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw na niya ang bahay nila ng kanyang lola.bigla siyang nakaramdam ng saya.
hahakbang na sana siya ng may biglang humablot ng kanyang braso mula sa kanyang likuran.
pagharap niya sa taong humablot sa kanya,
nanlaki ang kanyang mga mata,.
,tila kasi nasa harap siya ng isang salamin at kitang kita ang sariling repliksyon doon.
"sino ka.?"
"sino ka?".
"anong ginagawa mo dito?".
"anong ginagawa mo dito.?".
sabay na tanong nila sa isa't isa.
nangunot ang kanyang noo.
"bethany?".
"theffany?".
sabay nilang wika.
"what are you doing here?". si bethany.
"hindi ba't ako dapat ang nagtatanong niyan sayo.". si theffany.
tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang babaeng kaharap.
kamukhang kamukha niya ito.
pati ang kanyang pananamit ay nakuha na nito.
ang haba ng kanilang buhok ay parehong pareho. pati na ang kanilang pangangatawan.
"ang tanong ko ang sagutin mo.!!". mataray na wika ni bethany.
" aba..ako dapat ang sagutin mo, dahil sa itsura mo palang ngayun, isa kang impostura.". pagtataray din niya dito.
pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa.
"then why are you using my car.?" nakataas ang kilay nito.
"don't tell me you're living in my house.?".
"wag mo nga akong ma-english english dyan,and why are you using may pajama este jogging pants at bakit ka nandito sa baryo namin aber.?". pagtataray rin niya dito.aba marunong din naman siya mag-english noh.!
ngunit hindi siya nito sinagot.
bagkus kinuha nito ang kanyang bag, hinanap ang susi ng kotse.
ng mahanap ay binukasan iyon.
"get in.". utos nito.
"wag mo kung utusan.".
" get in,kung ayaw mong may ibang taong makakita sating dalawa dito.".
dahil sa sinabi nito ay mabilis siyang umikot sa kabilang side ng kotse.
sumakay sa may driver seat si bethany at ito ang nagdrive.
" saan tayo pupunta?". tanong niya.
" sa walang makakakita sa atin.".
"ano ba kasing ginagawa mo dito.?". tanong niya.
" ikaw anong ginagawa mo dito.? bakit ka bigla na lamang sumulpot, matagal ka ng wala dito theffany who ever you are.".
"kasalanan mo kung bakit, sana hindi nalang kita niligtas.".nakahalukipkip siya ng mga sandaling iyon.
dahil sa kanyang sinabi bigla nitong naapakan ang preno.
" dahan dahan naman.". inis na wika niya.
muntik na kasi siyang masubsub.
"anong ibig mong sabihin.?".
"ah so,,wala ka palang maalala.?".
"ang alam ko lang at naaalala ay may isang babaeng tumulong sakin.".
" ganun ba? kung ganon ako yon.at inutusan mo pa akong iligtas si monic.?". wag mong sabihing hindi mo siya kilala.?".
" paano mo nakilala si monic?".
" niligtas ko siya diba? kaya kami magkasamang natagpuan, buti na lamang at nakalayo na kami sa sasakyan bago yon sumabog,kung hindi baka tigok na ako ngayon. so heto, napagkamalan lang naman akong ikaw ng mga magulang mo.happy.?".
"kumusta sila mommy at daddy.?". nahimigan niyang may lungkot ang boses nito..
" okay lang naman sila.,kumusta ang lola ko,.? at anong ginagawa mo dito.?".
"gaya mo, napagkamalan akong ikaw ng lola mo. nagising ako sa isang hospital,at si lola pacita ang nagbabantay sa akin..".
sabay silang napabuntong hininga.
"umuwi kana sa mansyon, at uuwi na ko kay lola.". aniya dito.
"hindi muna sa ngayon.".
napalingon siya dito.
"anong gusto mong gawin.?".
"mag-pretend ka paring ako, at ganoon din ang gagawin ko.".
"nababaliw kana ba?".
"hindi, gusto ko munang maranasan ang buhay ng isang malayang tao".
"hayy...naku,,ang drama mo ha!.".
"hindi mo kasi ako naiintindihan.?"
"bakit dahil mahigpit sila mommy at daddy sayo?, umuwi kana.".
"no,gusto nila akong ipakasal sa taong hindi ko mahal at hindi ko pa nakikita."
nakita niyang idinukdok nito ang ulo sa manubela.
tumawa siya ng malakas sa sinabi nito.
"nababaliw ka na nga yata talaga noh.?pinagsasabi mo?".
tiningnan siya nito.
" wala namang nababanggit ang parents mo sakin. mula dumating ako ng mansyon.".
"malalaman mo din kung bakit".
" hindi ko na malalaman dahil uuwi na ko kay lola.". at binuksan na niya ang pinto ng kotse.
"wait theffany,please. kahit ilang buwan pa."
" namimiss ko na si lola, hindi mo ba namimiss pamilya mo.?". tanong niya ditong nakakunot ang noo.
"namimiss.pero gusto ko pang manatili dito.please.".
"hay naku ha!.ayusin mo problima mo pwede ba.?".
"please.". pagmamakaawa nito.
"diba matapang ka,??".
"iyon ang alam nila mommy.pasaway lang talaga ako."
" ang drama mo talaga no!.ipagpapalit mo ang marangya mong buhay sa isang payak na pamumuhay.?.".napabuntong hininga siya.
hindi siya nito sinagot.
"please,please,theffany.".
"okay!okay! pero gusto ko munang makita si lola,namimiss ko na siya.
"thank you."
"wag ka munang mag thank you dahil pwede pang magbago ang isip ko." inirapan niya ito.
nagpalit sila ng kasuotan. ibinalik ni bethany ang sasakyan kung saan niya ito ipinarada kanina.
iwan ba niya kung bakit siya napapayag ng babaeng ito.pero hindi pa naman iyon ang final na desesyon nya.
hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito, dahil sa mahigit dalawang buwan nyang paninirahan sa manyson. walang kahit anong nabanggit ang mag-asawa tungkol sa kasal na sinasabi ni bethany.
anyway,, gusto nalang din niya munang ienjoy ang buhay niya bilang si cenderella.