hindi naging madali para sa kanya ang lahat,
ng makita niya ang kanyang lola pacita ay niyakap niya ito ng mahigpit, hindi niya maintindihan pero hindi man lang ito nagtanong, bagkus ginantihan ng matanda ang kanyang yakap.
sinulit niya ang buong araw na magkasma sila ng kanyang lola,.
mamimiss niya itong muli pag-alis niya.ayaw man sana niya itong iwan muli pero nakapag-oo na siya sa babaeng kamukha niya.
hindi rin niya maintindihan, alam niyang kahit magkamukha silang dalawa ni bethany hindi sila magkaano-ano ng babae,.
kahit gustuhin man niyang isipin na sana kakambal na lamang niya ito, upang sa ganoon, ay may matatawag na siyang pamilya bukod kay lola pacita.
magkakaroon na siya ng mga magulang at kapatid.
ngunit alam niya sa kanyang sariling malabong mangyare iyon.
subrang gaan ng kalooban niya sa mga magulang ni bethany, ganoon din sa babae. kaya nga heto oh, kahit sana ayaw niyang ipagkatiwala ang lola niya sa babaeng yon, pero napa-oo parin siya nito.
ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ayaw nitong umuwi sa manyson, mas gusto pa nitong magtrabaho sa bukid.
hindi talaga siya makapaniwala sa babaeng iyon.
hindi naman siya ambisyosa, kahit pa nga ba lagi niyang pinagdarasal na sana yumaman na silang maglola.
nagpapasalamat pa rin naman siya dahil may maayos silang pamumuhay,kumakain ng tatlong beses sa loob ng isang araw,may masisilungan kahit maliit lamang, hindi gaya ng iba..
mabigat man sa kanyang kalooban ay nagpaalam siya sa kanyang lola, ang sabi lamang niya dito ay bibili siya sa tindahan,.
ngunit ang tutuo, pupuntahan niya si bethany kung saan niya ito iniwan kanina,hindi upang makipagpalit muli dito kung hindi pupuntahan niya ito, upang sabihin dito na nagbago na ang kanyang isip. hindi na niya iiwan ang kanyang lola.
tama importante sa kanya ang kanyang lola, dahil ito na lamang ang pamilyang mayroon siya.
kahit nakapag-oo na siya kay bethany,pwede pa namang bawiin iyon.
wala din naman itong magagawa kung ayaw niya na.
malayo pa lamang siya ay nakita na niya si bethany,. hindi ito mapakali,.
palakad lakad at panay ang linga,. siguro ay hinihintay siya nitong makabalik.
" bakit ang tagal mo.?". may inis sa boses nito.
" diba sabi ko sayo gusto kong makita ang lola ko.".
"magpalit na tayo ng damit, umuwi kana sa mansyon.?".
"nagbago na ang isip ko." aniya dito.
"ano?, umo-O kana kanina.".
" kanina yon, nagbago na isip ko ngayon,ayaw kong iwan ulit ang lola ko,umuwi kana sa mga magulang mo.". matigas na wika niya dito.
"babayaran kita kahit magkano.". wika nito.
" alam mo hindi ko alam kong ano ang pinaglalaban mo ha...". inis na wika niya dito.
"magkano ba gusto mo, magpanggap kalang bilang ako.?". tanong nito. hinawakan pa nito ang dalawa niyang braso.
"wala ang gusto ko lang ay makasama ang lola ko.alagaan siya habang buhay pa siya".
"please... i will pay you,kahit magkano.aalagaan ko ang lola mo.".
"hindi ko kailangan ng pera mo.". sagot niya dito.
"five million., is it okay? you will live abundantly for a long time at that amount.".seryusong wika nito.
nanlaki ang kanyang mga mata. tama ba ang narinig niya limang million,. ang gusto lamang niyang gagawin ay ipagpatuloy ang pagpapanggap bilang ito.
kung iisipin niyang mabuti. sa halagang iyon. mabubuhay na sila ng lola niya ng maginhawa habang buhay. lalo pa at matanda na ito.kailangan na nitong magretired sa pagtatrabaho sa bukid.
"para kay lola, ano deal?". untag nito.
"seryuso ka ba sa sinasabi mo,at saan ka naman kukuha ng ganoon kalaking halaga?".
"i have my own money on my bank., wag kang mag-alala hindi galing sa parents ko ang ibabayad ko sayo.".
"sabagay,.. nakukuha mo naman lahat ng gustuhin mo,. ". napabuntong hininga siya.samantalang siya lahat ng bagay na mayron siya pinaghihirapan niya,dugo at pawis ang lagi niyang puhunan pero ang babaeng ito kung makapagtapon ng pera parang nagtapon lang ng basura.
"five million, malaking halaga na iyon, ang gagawin mo lang mabubuhay ka bilang ako sa mansyon, ..".
"hindi ako mukhang pera noh! kahit mahirap lang kami.".
" okay ku-".naputol ang sasabihin nito dahil tinakpan niya ang bibig nito.
"sandali lang, wala pa nga akong sinasabi na ayaw ko eh. ilang buwan ba akong titira sa mansyon,?kapalit ng five million.?". tanong niya dito. napag-isip isip niya kasing hindi na masama iyon. malaki na ang maitutulong ng halagang iyon sa kanilang maglola.
dahil hindi niya kikitain ang halagang iyon sa bukid kahit magkandakuba-kuba pa siya. matagal na niyang pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang lola..
napangiti ito sa kanyang naging desisyon,.
"okay,..now give me your phone number.". at inabot sa kanya ang cellphone nito.padabog na hinablot niya iyon.
nagtype sya sa cellphone nito.
ng maitype ang kanyang numero ibinalik niyang muli iyon kay bethany. narinig niyang nagring ang kanyang cellphone.
kinuha niya iyon.
"that's my phone number save it.".
pag kasabi ay binuksan na nito ang pinto ng kotse.
"magpalit na tayo ng damit baka hinahanap na ako ni lola.," sabi nito,.
"anong hinahanap ka?. baka ako.?". aniya dito.
"ako,dahil ako ikaw,ikaw ako." .
"ang g**o mo, ang g**o ng buhay mo,ang g**o ng utak mo.". padabog na wika niya at nauna ng sumakay sa kotse.
sumakay na rin si bethany at nagpalit sila ng kasuotan.
"bago ka umuwi,dumaan kang bumili ng suka sa tindahan, yon kasi ang paalam ko kay lola.".
"okay.wag kang mag-alala kay lola aalagaan ko siya. basta wag ka lang magpapahuli kila mommy. anyway, i-update mo ko palage.".sabi nito at binuksan na ang pinto ng kotse.
" okay, whatever.". inis na wika niya dito masyado kasing bossy si bethany sa kanya.
"bye,magiingat ka,baka mahuli ka, alalahanin mo ang five million." .
inis na inis siya sa kayabangan ng isang ito.
porkit ba nasa kanya na lahat ng kamalasan at nasa babaeng ito ang lahat ng kasuwertihan.
feeling yata ng babaeng ito ay alipin siya.
kung hindi lang talaga malaki ang offer nito sa kanya naku, malabong pumayag siyang utos utusan na lamang ng isang ito.
nagiging mala-cenderella na talaga ang buhay niya sa lagay na yon eh.
bumaba na ito ng kotse.
ng maisara nito ang pinto ng sasakyan. ini-start na niya iyon at umalis na sa lugar na iyon.
"para kay lola, gagawin ko ang lahat.". bulong niya sa sarili