episode 14

1090 Words
nakabalik ng ligtas si theffany sa mansyon kasama ang kanyang driver na si mang pepeng,dinaanan niya ito kung saan sila naghiwalay kanina... medyo ginabe pa nga sila ng uwi, nagdahilan na lamang siya na napasarap ang kanyang pamamasyal at hindi na namalayan ang oras. naniwala naman ang ginang sa kanya. tinanong lamang siya nito kung kumain na ba siya. at nagpaalam ng aakyat sa kwarto. umakyat na rin siya sa kanyang kwarto, alas nuebe na kasi ng gabe. hinintay lamang siya ng ginang bago ito umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. laking pagpapasalamat niya dahil hindi na ito nag-usisa pa,na hindi karaniwan dito. madalas kasi ay kailangan niyang sagutin ng detalyado lahat ng mga tanong nito,lalo na kong gabe na siyang nakakauwi. pag pasok ng kanyang silid ay dumiretso siya sa banyong kanognog ng kanyang kwarto.hinubad ang lahat ng saplot sa katawan, pinuno ng tubig ang bath tub, nilagyan ng body soap at lumusong doon. inilubog sa maligamgam na tubig ang pagal niyang katawan. ipinikit ang kanyang mga mata. ngunit bigla siyang napadilat, dahil ang mukha ni zandro ang kanyang nakita. hindi niya alam kong ano ang tunay na palangan ng lalaki, dahil ang natatandaan lamang niya ay zandro ang sinabi nitong pangalan 10 years ago. sa tagal ng panahong lumipas pero ni minsan hindi niya nakalimutan ang pangalang iyon. hindi nga lamang niya ito nakilala dahil sa malaki ang ipinagbago ng hitsura nito. napangiti siyang bigla,. si zandro ang unang lalaking nagpakaba sa kanya, mula ng makita niya ito sa batis noon,hindi na nawala sa kanyang isip ang lalaki. bata pa siya ng mga panahong iyon pero tumatak sa kanya ang gwapo nitong hitsura. ngunit sa kasamaang palad nga hindi niya ito nakilala ng muling magkrus ang kanilang landas. pero umaasa siyang muli silang magkikita. bigla siyang nakaramdam ng kilig,dinama ang kanyang labi.muntik na talaga siya nitong mahalikan kanina. kung hindi lang talaga dahil sa umipal na sasakyan sa likod niya. di sana natikman na niya ang mapulang labi nito. "ang landi mo theffany.". kinikilig niyang wika sa sarili. kalahating oras din siyang nagbabad sa tubig. nang makaramdam ng ginaw ay umahon na siya at nagshower. matapos maligo kinuha ang nakasabit na bathrub at isinuot iyon. kinuskos ng towel ang basang buhok. dumiretso siya sa may beranda ng kanyang kwarto, at dahil alas diyes na ng gabi. ang malamig na simoy ng hanging panggabi ang sumalubong sa kanya, nayakap niyang bigla ang sarili at bumalik sa loob ng kwarto.isinara ang sliding door at hinila pasara ang ng kurtinang nakasabit doon. nagbihis at pinatuyo ang buhok gamit ang blower. nang matuyo ang kanyang buhok ay hapong hapong ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. subrang dami ang gumugulo sa kanyang isip. "ano ba itong pinasok ko lord.? tama po ba itong ginagawa ko? tama bang lukuhin ko ang mga taong nasa paligid ko.?"at marami pang ibang katanungan sa kanyang isip. hindi na nga niya namalayang nakatulog na pala siya. . . . . . . . "bethany woke up, ". yugyug sa kanyang balikat ang gumising sa mahimbing niyang pagkakatulog. pilit na iminumulat ang kanyang mga mata, nakita niya si monic sa nanlalabo pa niyang paningin. kaya naman kumuha siya ng unan at itinakip sa kanyang mukha. "antok pa ako.". " woke up,bethany, ". hinila nito ang unan na itinakip niya sa kanyang mukha. "bakit ba kasi, inaantok pa ako ie.". " pinagigising ka ng mommy mo,. ". " mamaya nalang susunod nalang ako.". at hinila ang kumot at itinakip sa kanyang ulo. ngunit hinila lang muli iyon ni monic. at hinila ang kanyang dalawang braso. kaya naman para siyang zumbee. "halika na.aalis tayo, pupunta tayo ng salon.". biglang nagising ang kanyang diwa. "salon? bakit? anong gagawin natin doon.?" "malamang magpapasalon ang prinsisa ng mga salvador.". nakangiting wika nito. mula umuwi siya sa mansyon na iyon naging close sila ni monic. kaya nga maraming nakapansin na malaki daw ang pinagbago nya. wala kasing alam ang mga itong hindi siya si bethany. "hindi ko na kailangang magpasalon,maganda na ako, saka ngayun ba ang araw na iyon.?.". nakasimangot niyang wika dito. isang lenggo na pala agad ang matuling lumipas. napuyat kasi siya kagabi dahil napasarap ang panonood niya ng movie. "opo mahal na señyorita, kaya maligo kana at sumunod kana sa ibaba, ihahanda ko na ang breakfast mo,." sabi ni monic at tinungo na nito ang pintuan. " bilisan mo, dahil siguradong matatagalan tayo sa salon.". wika nito bago tuluyang lumabas. napabuntong hininga na lamang siya. sa halagang limang milyon kailangan niyang gawin lahat ng ito. hindi rin pala ganoon kadali. tumayo na siya mula sa kama at naligo. matapos maligo ay nagsuot lamang siya ng maong short at loss t-shirt. hindi na niya kailangang mag abalang magbihis pa,dahil matapos niyang magpasalon ay may make-up artist,hair stylish at stylish na naghihintay at bahala sa lahat ng kailangan niya. this is her first time na makapasok ng salon, makapagsuot ng magarbo at mamahaling gown,at maayusan ng magaling na make-up artist. iba talaga ang nagagawa ng maraming pera. pagbaba sa dining area nakahain na ang kanyang breakfast, bigla niyang naalala ang kanyang lola. kung kasama lamang sana niya doon ang matanda siguradong ang saya-saya niya. naupo sa isang upuang naroon. nagkape at pandesal lamang siya. "yan lang ba kakainin mo.?" gulat na tanong ni monic.nasanay yata itong makita siyang parang bibitayin na kinabukasan kung makakain. wala kasi siyang ganang kumain ng araw na iyon.mabigat ang kanyang pakiramdam. iwan ba niya pero kinakabahan siya. hindi niya mawari. parang may mangyayaring hindi maganda sa araw na iyon. o baka naman napapraning lamang siya. matapos kumain ay niyaya na niya si monic. wala ang mag-asawa. ang sabi ni monic maagang umalis ang mga mga magulang. inihabilin lamang daw siya ng mga ito bago umalis.sa party na daw sila magkita mamaya. may susundo daw sa kanya sa salon mamaya. so ibig sabahin maghapon siya sa salon. "gaano ba tayo katagal sa salon monic.?" tanong niya dito ng makasakay na sila ng sasakyan. " matatagalan tayo, parang hindi kapa nasanay lagi ka naman nagpapasalon pag may mga okasyon.". sabi nito. isinara ang pinto ng kotse. " manong tayo na po." narinig niyang wika nito sa driver. ang tutuo wala siyang idea. kung alam lang sana nito ang tutuo. hindi naman niya pwedeng sabihin dito, kahit pa nga ba close na sila ng babae. baka magsumbong pa ito sa mga magulang niya este magulang ni bethany. kahit hanggang ngayun hindi parin siya sanay na tinatawag sa pangalang iyon. hindi na siya muling nagtanong pa dito baka kasi makahalata na ito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD