isang benabae ang malanding sumalubong sa kanila,.
ibinaba sila ni mang pepeng sa harap ng isang building. dalawang palapag iyon, may nakalagay sa taas nitong FAIRY GOD MOTHER SALON AND MAKE-UP, gusto niyang matawa, sa dinami-rami kasi ng pwedeng ipangalan sa salon fairy god mother salon and make-up pa talaga.
nakapilantik pa ang mga daliri ng baklang sumalubong sa kanila,.
nagbeso beso pa nga ito sa kanya, hindi niya alam kung ano ba ang dapat gawin, ngayun lamang kasi niya ito nakita.at sa ikinikilos nito'y parang matagal na silang magkakilala.
binulungan naman siya ni monic na ito ang nagmamay-ari ng salon na iyon. kaya naman nakipagbeso beso na din siya dito.
iginiya siya nitong papasok ng salon.
"long time no see girl,you're still beautiful." pabaklang wika nito sa kanya.
"ay,, oo alam mo na busy ang lola mo.". aniya dito at hinampas pa ng mahina ang braso nito.
madami din naman kasi siyang naging kaibigang benabae nong siya'y nag-aaral pa.
"girls, kayo ng bahala kay miss beautiful." utos nito sa mga babaeng naroon,. may lumapit na apat na babae sa kanya hinawakan siya ng dalawa sa magkabila niyang braso., napatingin siya kay monic, pero tinanguan lamang siya ng babae.kinuha nito ang kanyang bag,.
"see you later,nandito lang ako sa labas.". wika nito. kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang magpatianod sa pag-akay ng dalawang babae sa kanya.
pag pasok sa isang kwartong may nakalagay na VIP ROOM. nagulat siya subrang laki kasi ng kwartong yon,. napapalibutan ng salamin ang buong paligid kaya naman kitang kita niya ang kanyang sarili.
inabutan siya ng towel ng isang babae.
"pakihubad na lamang po ang suot niyo ma'am,. " sabi nito,.
ang isang babae ay inaayos ang massage bed,na nasa may bandang kaliwa ng kwarto may mahabang sofa din doon.ang isa naman ay hinawi ang kurtina na siyang tumatakip sa kalahating bahagi ng kwartong iyon. nakita niyang may isang napakalaking bathtub doon. para na nga itong swimming pool ie, nagpa infinity ang style, nilagyan ng mga rose petals at kung anong mga liquid ang tubig na nasa bathtub. sinindihan ang mga kandelang naroon. napalunok siya.ano bang gagawin ng mga ito sa kanya.
gaya nga ng sinabi ng babae tinanggal niya ang lahat ng kayang kasuotan, inabutan siya nito ng isang two piece bikini.
nakapilantik pa ang dalawa niyang kamay ng abutin iyon.
"ano 'to?". nakangiwi ang mukhang tanong niya sa isa pang babae.
" bikini po, pakisuot nalang po ma'am."
hindi niya maintindihan bakit kailangan niyang isuot ang bikini na iyon. kulay pula ang kulay iyon, naisip niyang baka magsu-swimming siya sa malaking bathtub na'roon.gaya ng una sumunod na lamang siya sa babae. ng maisuot ibinalot niya ang katawan sa towel na binigay nito kanina. paglabas sa banyong naroon,
hinihintay na siya ng mga ito. walng babalang hinila ng isa ang towel na nakatapi sa kanyang katawan. gulat na gulat siya sa ginawa nito,naitakip pa nga niya ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. pero hindi na siya nakapagreact pa dahil inakay na siya ng dawala pang babae patungo sa may malaking bathtub.
nakaalalay parin ang mga ito sa kanyang hanggang makalusong at pinaupo siya ng mga ito, naramdaman niya ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan.
sa mga movies lamang niya napapanood ang mga ganoong eksena.
pinagtulungan siya ng apat na babaeng paliguan,minamasa-masahe ng mga ito ang mga braso niyang nakapatong sa ibabaw ng bathtub. kaya naman enjoy na enjoy niya ang mga sandaling iyon.
napakabango ng tubig langhap na langhap din niya ang mabangong aruma na nanggagaling sa mga kandilang naroon,.
relax na relax ang kanyang buong isip at katawan.
naisandal niya ang likod sa ligid ng bathtub at ipinikit ang mga mata.hinayaan niya ang apat na babaeng nasa likod niya sa ginagawa ng mga ito sa kanya.
"tara na po ma'am.".
bigla siyang nagising,nakatulog na pala siya dahil sa nakakarelax na ginagawa ng mga ito.
kaya kahit ayaw pa niyang umalis doon ay wala na siyang nagawa.,isang babae ang may hawak ng bathrobe isinuot iyon sa kanya.
inakay siyang muli ng dalawang babae. at pinahiga sa massage bed na naroon.
gaya kanina wala siyang nagawa kung hindi maging sunod sunoran sa mga pinaggagawa ng mga ito sa kanya.
pinadapa siya ng mga ito, sa pagkakataong iyon wala na siyang kahit anong suot sa katawan maliban na lamang sa towel na nakatakip sa kanyang pwetan.
subrang sarap ng pakiramdam ang kanyang naramdaman ng mag-umpisa na ang mga itong imasahe siya..
hindi niya alam kung gaano katagal iyon.
basta ang alam niya nagising siya ng bigla na lamang hilahin ng isang babae ang wax na inilagay nito sa kanyang binte.
" aaaaarrrrraaaaayyyyyyyyyyy". tanging ang tili lamang niya ang maririnig sa kwartong yon.
"kalma lang po ma'am.". pigil ng isang babae sa kanya. hawak siya nito sa may balikat.
nilagyan pala ng wax ng mga ito ang kanyang binte dahil mabalahibo siya,at first time niya ang bagay na ginagawa ng mga ito.hindi niya namalayang nilagyan na pala siya ng pangtanggal ng mga balahibo sa kanyang binte dahil gaya kanina'y nakaidlip siya sa mga pinaggagawa ng mga ito sa kanya.
"aaarrrrrraaaayyyyyyyyyyy!!!!!!" isa pa ulit.
nagpapapasag siya, subrang sakit kasi ng ginagawa ng mga ito.
"bitiwan n'yo ako". sigaw niya sa mga ito.
kung kanina ay relax na relax siya sa magandang pakiramdam ngayon nama'y parang gusto na niyang sakalin ang mga babaeng iyon.
pinagtulungan siya ng mga ito.
kaya hinang hina siya at pakiramdam niya'y nangangapal ang lahat ng bahagi ng katawan niyang binunutan ng buhok ng mga ito.
may kung anong lotion ang ipinahid ng mga ito sa buo niyang katawan pagkatapos bunutin ng mga ito ang lahat ng balahibo niya sa katawan. inis na inis siya sa mga ito, hindi nga niya inaahit ang mga balahibo niya sa katawan dahil natural na iyon sa kanya. pero ang mga pakialamerang babaeng ito, parang gusto na talaga niyang sakalin ang mga. sinuotan siyang muli ng isang babae ng bathrobe.
ang kanyang buhok naman ang pinakialaman ng mga ito.
"ooppppsss,,,... wag na wag niyong puputulan ang buhok ko, kung hindi kakalbuhin ko kayo." asar na asar na wika niya sa mga ito.
nginitian siya ng mga babae.
"relax lang po ma'am.iha-hot oil lang po natin ang hair niyo para mas lalong bumagsak. okay nga po ang hair niyo kasi weavy at natural na po.". nakangiting wika ng isang babae.
nakahinga siya ng maluwag.
ngunit natigilan silang lahat ng bigla na lamang tumunog ang kanyang tiyan. alanganing ngiti ang ibinigay niya sa mga ito. nililinisan kasi ng isang babae ang kanyang mga kuko sa paa ang isa nama'y sa kanyang mga kamay at ang isa ay nasa kanyang buhok.
napatingin siya sa orasan sa kanyang bisig alas tres na pala ng hapon. hindi siya makapaniwalang hapon na pala at hindi pa siya naglulunch..
"pwede bang breaktime muna tayo.?"tanong niya sa mga ito.
11am na silang dumating sa salon kanina subrang traffic kasi. kaya naman halos magtatanghalian na ng marating nila ang salon. dahil kape at pandesal lamang ang kinain niya ay nakaramdam na siya ng gutom.
nakita niyang lumabas ang isang babae ng kwartong iyon.pagbalik nito ay may dala na itong isang sandwich at isang basong juice.
at parang sa mga movies na napapanood niya'y sinubuan na lamang siya nito.
naglunch na daw ang mga ito kanina bago pa sila dumating, at hindi pwedeng huminto sa mga ginagawa sa kanya dahil magagahol daw sila sa oras..
sa hitsura niya ng mga sandaling iyon. para na talaga siyang prinsesa sa mga banyagang movie na napapanood niya.
napangiti siya sa kanyang sarili ang sarap palang maging isang prinsesa. aniya sa isip.