episode 16

1028 Words
nakita niyang nanlalaki ang mga mata ni monic habang nakatingin sa kanya, bakas sa mukha nito ang paghanga sa kanya, napangiti siya sa nakitang reaction mula sa babae.binuksan ng isang babaeng nag-ayos sa kanya ang pintuan ng VIP ROOM ng salon na iyon. humakbang siya palabas ng pintuan, muntik pa siyang matapilok dahil hindi naman siya sanay magsuot ng sapatos na may heels.pinagsuot siya ng isang red evening dress ng isang sikat na stylish,V-shape ang style ng dress na kanyang suot, labas ang kanyang maputing cleavage, may slit ito sa may bandang kaliwa ng kanyang hita.na sa tuwing siya'y maglalakad inilalantad niyon ang mahahaba at mapuputi niyang biyas.na lalong nagpalitaw ng angkin niyang kagandahan,kumikinang kinang din ang suot niyang red dress sa tuwing ito'y natatamaan ng liwanag. nakasuot ng krestal na sapatos ang kanyang mga paa.masasabi niyang sa gabing yon siya ang buhay na cenderella magpapatunay na pwede ring mangyare sa tutuong buhay ang fairytale.nakalugay lamang ang kanyang weavy hair, at ang kanyang make-up ay bumagay sa simple niyang mukha.hindi nga rin siya makapaniwala kanina ng makita ang itsura sa malaking salamin.pakiramdam niya'y isa lamang iyong panaginip, at kung panaginip nga iyon, sana hindi na siya magising. "perfect,....perfect.....". narinig niyang wika ni ash ang baklang may are ng salon. habang pumapalakpak ito. "you're so beautiful my dear, wala talagang tatalo sa mga obra maestra ko.". proud na proud na wika pa nito. pilit siyang ngumiti, alam niyang maganda siya, pero this time mas lalong tumaas ang self steam niya sa sarili. "thank you so much,for my hair and make-up.and also for this sexy red dress.". pagpapasalamat niya dito. "your welcome my dear remember you are here in you're fairy god mother salon. ". pabaklang wika nito. ngumiti siya dito ng matamis. " so ako pala si cenderella tonight.?". nakangiti niyang biro dito. " yes, cenderalla, so kailangan mong bumalik bago mag 12midnight." pagsakay nito sa kanyang biro. kaya naman nagkatawanan silang lahat na naroon. isang sport car ferrari ang naghihintay sa kanya sa labas. ito daw ang sasakyan niya. naluka siyang bigla, party ang dadaluhan niya pero naka sport car siya. "iba din ang pakulo ng baklang 'to". aniya sa isip at hindi na lamang isinatinig iyon. may bumabang chupper na nakasuot ng puting long sleeves polo, na may ribbong kulay pula sa leeg.may begote pa nga ito at nakasuot ng sumbrero na kulay itim na parang sa mga magician. may hawak itong baston sa kanang kamay at ang kaliwa ay nakalahad sa kanya.yumukod pa ito pagkakita sa kanya inabot ang kanyang kamay na no'oy hawak ni monic inalalayan siya nito hanggang makasakay ng sasakyan. nakaramdam siya ng kaba, hindi siya sanay sa mga ganoon okasyon, sa kanilang baryo ay mga sayawan lamang sa plaza at kasalan ang nadadaluhan niya at madalas ang pagkain lang ang sadya niya. hanggang sa mga sandaling iyon hindi parin siya makapaniwala sa mga nangyayare sa kanya. narating nila ang lugar kong saan gaganapin ang isang malaking event. marami ang mga sasakyang dumarating at bumababang mga sakay at pawang lahat ng mga ito'y kilala sa lipunan nakasuot ng magagarbong kasuotan. may mga security guard na siyang nakatayo sa entrance,at bago ka makapaook sa loob ay kailangan mong ipakita ang iyong invatation card.kulay pula ang karpet na nakalatag mula sa entrance papasok.nakakalula ang laki ng gusaling iyon,may mga reporter din siyang namataan base na din sa mga itsura ng mga ito. bigla siyang nakaramdam muli ng kaba, gusto na nga niyang umalis sa lugar na iyon. parang hindi niya kayang humarap sa mga high class na tao sa lipunan. ilang kotse na lamang ang nasa harapan nila at ang kotseng kanyang sinasakyan na ang siyang susunod. balak na sana niyang umalis ng biglang tumawag ang kanyang ina at tinatanong kung nasaan na'ba siya.kaya wala siyang nagawa kung hindi ang bumaba ng sasakyan ng buksan iyon ng guard na nakatuka sa pagbubukas ng pintuan ng sasakyan para sa mga guest. hindi pa siya nakakababa ay kislap ng mga camerang nakatutok sa kanya ang siyang sumilaw sa kanyang mga mata. na mas lalong nagpatindi ng kanyang kaba. gonoon ba talaga pag mayayaman at mga sikat na tao sa lipunan pinagkakaguluhan ng mga reporter. bigla niyang naisip si bethany, ito siguro ang tinatakasan ng babae. inalalayan siya sa braso ng security'ng nagbukas sa kanya ng pinto. kahit ng makababa na siya ay wala paring tigil ang kislapan ng mga camaera halos lahat ng mga paris ng matang naroon ay nakatutok sa kanya parang subrang hirap kumilos na sa kunting pagkakamali mo lamang ay mapapansin na iyon ng mga taong nasa paligid mo. nakita niya sa mga mata ng iba sa mga iyon ang paghanga sa kanya ang iba naman ay nagbubulong bulungan. pero wala siyang pakialam sa kung anong sasabihin ng mga ito. she was confidently beautiful that night. napahinto siya sa kanya sanang paghakbang dahil nabaling ang atensyon ng mga taong naroon sa kanyang likuran at nagkagulo ang mga ito ng may biglang humintong magarang sasakyan sa kanyang likuran at bumaba ang isang matangkad at gwapong lalaki. "si zandro". nagkakagulong wika ng mga reporter na naroon. kaya napalingon siya sa kanyang likuran. muling nagkislapan ang mga camera.at parang bawat isa ay gusto makakuha ng larawan ng lalaki, ang ibang mga babaeng naroon ay tela ba gustong tumili pero hindi magawa. at siya nakatayo sa gitna ng pulang karpet malapit sa may entrance at nanlalaki ang mga mata ng mapagsino ang pinagkakaguluhan ng mga reporter. wala kasing iba kung hindi si zandro, ang lalaking ilang taon at araw ng nanggugulo ng kanyang isipan. at nagpapatuliro sa natutulog niyang damdamin. oo taon dahil mula ng makilala niya ito sa kanilang baryo sa may batis hindi na ito nawala sa kanyang isip. araw dahil mula ng magkita silang muli after 10 years hindi na sya muling napalagay, lagi na siya nitong dinadalaw sa kanyang panaginip. napaawang ang kanyang mga labi ng lumakad patungo sa kanyang dereksyon si zandro, bigla siyang napalunok. umaasang makikilala siya nito at babatiin.nagkatitigan sila habang ito'y humahakbang papalapit sa kanyang kinaroroonan.habang ang kanyang puso ay pabilis ng pabilis ang pagpintig nito. at parang huminto sa pag galaw ang lahat ng bagay na nasa kanilang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD