Tatlong letra lang ang salitang sinabi ni Mr. Tan, pero ang laki ng naging epekto niyon kay Arwena. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang kaba, hindi naman niya magawang bawiin ang titig niya sa mukha nito. Lalo na sa mga mata nitong ang itim-itim—ang dilim na para bang unti-unting hinihigop ang kaluluwa niya. “Do-do you know me?" utal na tanong ni Arwena matapos ang sandaling pagtitig sa mukha nito. Kahit ba may hinala na siya na si Mr. Tandre Denovan, ay ang lalaking nagligtas sa kanya limang taon na ang nakaraan, at siya ring ama ng anak niyang si Nathan. Gusto pa rin niya na makomperma kung siya nga ba iyon. Gusto niyang marinig mula mismo sa bibig nito. “Of course! How can I forget the helpless, devastated woman I saved five years ago?" Dahan-dahan at madiin na binigkas ni Mr. Ta

