Sobrang inis ang naramdaman ni Arwena habang nakatingin sa likuran ni Mr. Tan. Gusto nga niya itong takbuhin at batukan. Kung pwede lang na isumbat niya lahat ang mga pinagdaanan niya dahil sa pagkakamali na nangyari sa kanila. Pero hindi pwede. Hindi niya magagawa dahil ayaw nga niyang malaman nito na nagbunga ang nangyari sa kanila noon. Naiinis rin siya dahil ang taas ng tingin nito sa sarili. Porke’t mayaman ito. Akala niya mabuting tao ang Mr. Tan na nagligtas sa kanya noon, ngunit isa pala itong halimaw na nag-aabang lang ng mabiktima. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang hayop na nahulog sa trap, at anumang oras ay magiging pagkain na ng isang halimaw. Tahimik na lang siya na napamura. Paulit-ulit niyang sinampal sa utak niya si Mr. Tan. Iyon lang kasi ang magagawa niya sa ng

