“Lumayo ka! Layuan mo ako, please,” paulit-ulit na sigaw ni Arwena. Hindi na rin niya magawang tingnan si Jake. Basta sumalampak na lang siya sa sahig habang takip ang mga palad sa tainga. Nanginginig na rin ang mga kamay nito na ikinagulat ng husto ni Jake. Hindi na ito gumagalaw sa kinatatayuan at naguguluhan tumitig na lang kay Arwena. Pero maya maya ay parang nahimasmasan naman siya. Kahit naguguluhan, mabagal na siyang lumapit kay Arwena. Umupo siya sa harap nito. “Weng, sorry, hindi ko naman intention na takutin ka. Wala naman akong balak na masama sa’yo.” Paliwanag nito kay Arwena. Akmang hahawakan niya para aluin, pero lalo lang itong tumili at nagmamakaawa na naman na layuan siya na para bang may masamang mangyayari sa kanya. “Weng, ano ba ang nangyayari sa’yo? Bakit ka

