Matamlay at parang walang ganang kumilos si Arwena. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Hindi nga kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Bukod sa matagal natapos ang pag-uusap nila Archie, hindi pa mawala sa isip niya si Mr. Tan. Ngayon nga ay para siyang lutang. Kakatingin nga siya sa mga susi na hawak, hindi naman niya alam kung alin ang gagamitin niya sa pagbubukas ng pinto ng coffee shop. Naukupa ng magkapatid ang utak niya at sa maaring mangyari sa susunod na mga araw na alam niya na kailangan niyang paghandaan. “Kung sabihin mo na lang kay Tandre ang totoo, Wena. Siya ang tunay na ama ni Nathan, kaya may karapatan siya na malaman ang totoo. Mali na itago mo sa kanya ang katotohanan na may anak kayo." Iyon ang ginigiit ni Archie kagabi na gusto niyang gawin ng kaibigan. Pero ka

