“Anong klaseng tanong ‘yan, Archie?” Nagtatampong tanong Tandre. Napalingon pa siya sa mga kasambahay. Ang dating kasi ay parang napahiya siya. Ito ang unang beses na may nang-away sa kanya at sa pamamahay niya pa mismo. Hindi nga agad siya nakapagsalita. Humigpit din ang paghayapos niya kay Nathan. Bukod kasi sa pasigaw na tanong ng kapatid, kung duruin at tingnan siya nito ay parang bumalik na naman sila sa dati. Parang wala na naman itong respeto sa kanya. “Nag-usap na tayo, hindi ba; bati na tayo, Archie. Of course, gusto kong tumira ka rito; gusto kong makasama ka. Pamamahay mo na rin ‘to." “Talaga lang? Kaya ba may grand pa welcome ka sa kwarto namin ni Arwena?!” Kumunot ang noo ni Tandre, hindi niya maintindihan kung ano ang pa welcome na sinasabi nito. “Alam mo, Tandre,

