Natigilan si Arwena sa naging tanong ng Papa niya na halatang sinisisi siya sa nangyari kay Farah. Makikita rin sa mga mata nito ang pag-alala sa anak-anakan. Habang ang Mama nito ay parang walang pakialam kay Farah. Nakatuon lang ang paningin nito sa cellphone niya na parang ang importanting binabasa. Na pailing-iling kasi at panakanaka na tinitingnan si Farah ng matalim. “Ano ba ang nangyari sa inyo, Arwena? Bakit umabot kayo sa ganito?" tanong ulit ng Papa niya, na ngayon ay nasa kanya na ang tingin—tingin na parang nadidismaya na naman dahil sa paniniwala nito na kayang manakit ni Arwena. Sa isip ni Arwena, ang bilis namang nagbago ng pakikitungo ng Papa niya kay Farah. Kanina ang lamig nito, ngayon ay concern naman agad ito. Kaya imbes na sumagot siya, hindi na nito ginawa. Nanati

