Sandaling na tahimik si Tandre, pero ang daliri nito ay nakaduro pa rin kay Archie. Binabasa kasi niya ang mukha ng kapatid kung niloloko nga ba siya nito o hindi. “Mahal mo ba talaga si Arwena o hindi?” nanggigil na tanong ni Tandre. Hindi niya rin nilubayan ng tingin si Archie. Kada galaw nito ay sinusundan niya. Pahapyaw namang tumawa si Archie, at seryosong tumitig sa naaasar na kapatid. Alam nga ni Archie na ang pakiramdam ni Tandre ay niloloko siya nito. Kahit pagbaliktarin ang mundo, walang boyfriend na papayag o hindi magagalit na halikan ng ibang lalaki ang girlfriend nila. “Isn’t it obvious? ” Sadyang diniinan ni Archie ang tanong, para kunwari ay naiinis nga siya sa ginawa ni Tandre kay Arwena, pero pinipilit na lang niyang maging mahinahon. “I know the special connecti

