Parang lumipad ang kaluluwa ni Tandre at Arwena nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Parehong nanlamig ang mga katawan nila. Unti-unti namang umusog palayo si Arwena kay Tandre. Habang si Mr. Tan ay pa-slow motion na sumandal sa backrest. Napahimas na lang siya sa hita niya. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin. Mag-sosorry ba siya o magkunwaring hindi apektado. Si Arwena naman ay napahimas naman sa batok niya at napakagat ng labi. Hindi niya rin alam kung saan titingin, at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Duble kasi ang naramdaman niyang hiya. Bukod sa nakita sila ng mga bodyguard, panay nga ang tulak niya kay Mr. Tan, pero pagdumikit naman ito sa kanya ay parang namamagnet na lang siya. Lahat ng siniksik niya sa utak na gusto niyang mangyari ay nabubura.

